Ngayong araw ay ginugunita natin ang ika-77 taong anibersaryo ng Death March.
ABRIL 09, 1942 ang tinaguriang FALL OF BATAAN. Sumuko ang mga hukbong Pilipino at Amerikano matapos ang ilang buwan na pakikipaglaban sa mga mananakop na Hapones. Karamihan sa kanila ay mga sugatan, mga maysakit at mga gutom na sanhi ng pakikipaglaban ng ilang buwan. Kasama din sa tinaguriang Death March ay mga gerilya, mga iba pang lahing dayuhang sundalo na nasa ating bansa.
Mula Mariveles Bataan, ang mga sumukong sundalo ay pinagmartsa hanggang San Fernando Pampanga at mula dito ay isinakay sila sa tren patungong Camp O. Donnel sa Capaz Tarlac. Umabot ng 80,000 na sundalo ang naglakad ng 105 kms. 10,000 sa kanila ay hindi na nakarating ng buhay sa concentration camp dahil sa pagod,gutom at pagkahapo.
Sa concentration camp ay hindi rin natapos ang kanilang kalbaryo sa mga hapones. Maraming namatay sa gutom, sakit, malnutrisyon, torture at pagpatay. Sila ang mga tinawag na POW (Prisoners of War).
Ang naturang Fall of Bataan ay ang simula ng mas tuminding kalupitan ng mga Hapones sa mga Pilipinong hindi sumasangayon sa kanilang pamamahala. Isinusulong nila noon ang propaganda nilang Ang Asya ay para sa mga Asyano. Sa pamamagitan ng mga posters na ipinakalat nila ay ipinakita doon na malapit sila sa Pilipino at sila at mga mabubuti. Kanilang ipinapalaganap na hindi sila kalaban. Ngunit hindi sila nagtagumpay. Sa loob ng tatlong taon nagpatuloy ang digmaan. Sa pangunguna NG mga gerilya sa buong kapuluan matapos lisanin ni Mc. Arthur ang Pilipinas ay nagpatuloy ang alab ng damdamin ng mga Pilipino na makalaya sa mananakop. Nagpatuloy ito hanggang sa makabalik si Mc. Arthur at makalaya ang Pilipinas sa mga Hapones noong 1945.
------------------------------------------------------
Lumipas ang mga araw at naging abala si Tricia sa pagsama kay Yoshi sa pamamasyal. May araw na kasama nila si Lolo Mayo, may araw na hindi.Samantala si Almira naman ay nanatili pa rin sa Maynila matapos ang dinaluhang convention ni Julius ng ilang araw. Naging abala din ito sa pagsama kay Theo at Kiro sa pagdalaw sa mga kaibigan at higit sa lahat ang napagusapang bagay kung bakit nasa Maynila si Kiro. Naging madali sa kanila ang paghanap ng modern Japinoys kesa Japinoys ng nakaraan.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time ( THE UNTOLD )
Historical FictionMay mga pangyayari sa nakaraan na sa kasalukuyan ay nanatiling lihim. Paano na lang kung ang lihim na iyon sa nakaraan na iyong matutuklasan ay may kinalaman sa iyong pagkatao. Makakaya mo bang tanggapin ang natuklasang lihim sa iyong pagkatao na si...