" Frend, kailangang balikan natin sa isip natin yung itsura ng bracelets na ibinigay natin Kay Julian, Sanzumaru at Delfin. Remember na tayo ang pumili para sa kanila, hindi sila dumampot tulad ng ibang kasamahan natin. Lalo na iyang si Julian na nabuhay ng 100yrs halos at itinago niya remembrance mo!"
Sa sinabi ni Theo ay pilit kong inalala ang itsura ng ibinigay ko kay Julian. Hindi naman ako nahirapan agad kong naalala ng makita ito sa plastic na agad ko ng kinuha pati ang kay Sanzumaru. Itinago ko ito sa aking bulsa.
Sa paglabas namin sa kubol ay nakita namin si Sanzumaru na tila may hinahanap sa lupa at sa mga gamit niyang nasa papag kaya nilapitan namin ito.
" May hinahanap ka?" Tanong ko dito.
" Ang akin nikki ( diary ). Hindi ko makita."
Nagkatinginan kami ni Theo at hindi nakakibo ng ilang Segundo.
.
.
.
" Ummm Papa Sanzu baka naiwan mo dun sa kuweba? Hayaan mo na baka may nakapulot doon itago na lang nila. Hindi naman nila maiintindihan nakasulat doon eh."" Oo nga, hayaan mo pagbalik natin doon, hahanapin natin."
" Arigatō kaibigan Almira, Theo. Ngunit baka nahurog atin pagrarakbay, iyon akin pangamba."
" Huwag mo na isipin iyon, Wala naman masama o hindi maganda para sa kilusang gerilya ang nakasulat doon."
" Paano iyo alam kaibigan Almira?!"
Mahinang kinurot ako ni Theo sa sinabi ni Sanzumaru.
" Ha?! Ah eh, Alam ko kasi Hindi mo kami tatrayduring mga kasamahan mo ngayon."
" Iyon ay hindi akin magagawa, Kung ako ginawa katrayduran akin mga kalahi hapones, ako hindi para inyo mga Piripino. Iyo tandaan akin ina ay Piripina."
" Salamat....tayo na doon sa may apoy, nagkakasama-sama sila."
" Sige ako sunod na lamang, itago ko muna akin gamit."
.
.
.
" Hayyyy frend kung puwede lang sabihin sa kanya na Alam natin kung nasaan at alam natin nilalaman nun ay sinabi ko na."" Sige sabihin mo na! Lahat-lahat pati kina Julian para tuluyan na tayong maglaho dito ng tuluyan at maging sa future hindi tayo makabalik!"
" Grabehan ka naman! Ibig mong sabihin maging hangin na lang tayo???!!!"
" Malamang!!"
" Ang tindi naman ng imagination mo frend!"
" Kaya nga subukan mo na! Ipagtapat mo na sa kanila na beki of the 21st century ka at hapones ang asawa mo!"
" Tseee! Ayaww!"
" Almira, Theo! Dito na kayo! Kailangan nating magplano ng maigi sa gagawin nating paglusob bukas!" Sigaw ni Delfin.
Mabilis na tumalima si Theo at sumunod ako." Sure papa Delfs!"
Ngunit bahagyang natigilan si Theo ng makitang magkatabi sa upuang tabla si Delfin at Maria.
" Ayyyyyy kayo ha! Magdyowa na kayo noh?!"
" Dyowa?"
" Ibig niyang sabihin kung magkatipan na kayo." Agad kong sabi kay Delfin at maging iba naming kasama ay di naintindihan sinabi ng kaibigan ko.
" Ha??ah eh hindi pa." Napakamot sa ulong sabi ng mahiyaing si Delfin.
" Asuusssss! Deny pa more papa Delfs!"
Sa sinabi ni Theo ay natawang bahagya ang mga kaharap namin dahil naintindihan nila kahit papaano ang sinabi ni Theo. Magkatabi naman kami ni Theo sa isang malapad na bato. Umupo naman si Sanzumaru sa isang tumbang puno sa likurang bahagi ni Julian. Doon na rin umupo si Mayo at ilang miyembro ng kilusan na sa aking tantiya ay mga teenager pa lamang edad 17 hanggang 20. Nakapanlulumong isipin sa edad nilang iyon ay pakikidigma para sa kalayaan ng bansa ang ginagawa nila sukdulang isakripisyo ang kanilang buhay. Samantalang sa future ang ibang mga kabataang tulad nila ay abala sa kanilang mga pag-aaral, at karera para sa future nila, at ang iba naman ay social media ang pinagkakaabalahan at giyera sa mobile games na sukdulang ikalulong nila at maisakripisyo ang kanilang kalusugan. Minsan nakakapanlumo din ang mga reasons ng mga kabataan sa future kapag nasasabihan o naikukumpara sila sa kabataan noon. Sasabihin nila iba noon at ngayon o kaya may gyera noon ngayon ay wala. Oo tama sila pero nakakapanlumong walang respeto ang iba sa mga ginawang sakripisyo ng mga Pilipinong bayani noon na tulad nila ay mga kabataan ding tulad nila.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time ( THE UNTOLD )
Historical FictionMay mga pangyayari sa nakaraan na sa kasalukuyan ay nanatiling lihim. Paano na lang kung ang lihim na iyon sa nakaraan na iyong matutuklasan ay may kinalaman sa iyong pagkatao. Makakaya mo bang tanggapin ang natuklasang lihim sa iyong pagkatao na si...