Kabanata - 41

543 34 13
                                    

Sa paglipas ng mga araw sa pananatili ng magkaibigang Almira at Theo sa panibago nilang kuta ay unti-unti na rin nilang nakagamayan ito. Bagamat paminsan-minsan ay pinag-usapan nila ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanilang panahong pinanggalingan, mga pangyayari sa Barcelona at maging sa mga taong kasalamuha nila ay sinisigurado nilang hindi na magbanggit ng anuman sa Barcelona pag kinakausap sila ni Alejandro. Ngunit ang lahat ng iyon ay nagiging palaisipan na kay Mayo. Lingid sa dalawa ay inoobserbahan na pala sila ng binata.

Ang sugat sa hita ni Theo ay naghilom na, maging ang sugat sa balikat ni Mayo. Nanunumbalik naman ang mabuting kalagayan ni Felicia at nakakausap na nila ito ngunit matipid lamang at nananatiling hindi nito isinasalaysay ang kanyang naging karanasan sa pagdukot sa kanya ng mga hapones. Hanggang isang araw sa agahan ay biglang sumama ang sikmura ni Felicia. Nagsusuka at nahihilo ito sa hindi malamang dahilan. Ang pangyayari ay nagpabagabag sa magkaibigan Almira at Theo. Nagkatinginan ang dalawa at batid na nila ang lagay ni Felicia. Pabalik ng kubol ay inalalayan ito ng ina at ni Teresa. Inutusan naman ng ama si Mayo na puntahan ang kinikilalang mangagamot ng kanilang kuta na isang hilot.

" Mang Ramon, maari po bang kami na lamang ang tumingin sa kalagayan ni Felicia?" Mungkahi ni Almira. Natigilan at napahinto sa paglalakad ito at humarap muli sa magkaibigan.

" May alam kayo sa panggagamot?"

" Opo. Kapwa po kami may alam sa panggagamot."

" Kung gayon magmadali na kayo sa loob. Maraming salamat sa diyos at may mga Nars na pala tayong kasama." Natigilan ang dalawang magkaibigan. May mga bagay na dapat ay hindi na dapat pang malaman ng mga taong kasalamuha nila. Ayaw man nilang magsinungaling ngunit kinakailangan.

" Mang Ramon hindi po kami Nars. May alam lang po kami dahil pamilya po kami ng may mga alam din sa panggagamot."

Sumunod na rin si Mayo sa magkaibigan at tinignan nito ang gagawin sa kapatid na nakahiga sa papag. May huwisyo ito bagamat nahihilo.

" Sige na frend, ikaw na tumingin sa kanya. Looking at her alam ko na." Bulong ni Theo sa kaibigan. Kaya umupo na lamang ito sa tabi ni Felicia. Pinapaamoy naman ito ng ina ng dahon ng oregano.

" Anong pakiramdam mo Felicia?"

" Hindi ko alam ate, sumama bigla ang sikmura ko at nasusuka't nahilo ako bigla."

Hinawakan ito ni Almira sa noo na medyo pinagpawisan ng malamig. Hinawan naman nito ang pulso at natagalan sa pagtukoy sa lagay ni Felicia. Napabuntong-hininga na lamang siya na tumingin sa ina ng dalaga matapos ang ilang minuto.

" Kelan ka huling dinatnan Felicia?" Agad na tanong ni Almira. Hindi agad nakasagot ang dalaga na napayuko na lamang.

" Huwag kang mabibigla....hindi ako doktor pero kaya kong matukoy kung nagdadalangtao ang isang babae."

" Anong ibig mong sabihin iha?" Tanong ng ina ni Felicia.

" Nagdadalangtao po ang anak ninyo."

" ANO?!" Gulat na tanong ng buong pamilya. Nagsimulang umiyak si Felicia Kaya agad itong niyakap ng kanyang umiiyak ding ina.

" Totoo ba iyang sinasabi mo iha?! Baka nagkakamali ka?!"

" Mang Ramon, wala man po tayong instrumento para matukoy ang kalagayan ni Felicia ay maari kong matukoy ito."

" Totoo po ang sinasabi ni Frend. Sa tingin ko lang po kay Felicia ay maari po itong nagdadalangtao." Pagsegunda ni Theo.

" May hilot po kayo dito, maari nyo pong ipatawag para matukoy din ang lagay ng anak ninyo."

" Mayo! Magmadali ka, tawagin mo si Mamay Pura!"

" Huwag na papay! Huwag na!" Pagtutol ni Felicia na umiiyak na lamang sa balikat ng ina.

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon