Kabanata - 10

656 33 11
                                    

HAPPY MOTHERS DAY PO SA LAHAT NG NANAY!:)
------------------------------------------------------

" NANDITO NA AKO ULIT SORSOGON! WOHOOOO!"
Sigaw ni Theo ng makitang papalapit na sila sa arko o marker na naghihiwalay ng probinsiya ng Albay at Sorsogon.

" NANDITO NA AKO ULIT SORSOGON! WOHOOOO!"Sigaw ni Theo ng makitang papalapit na sila sa arko o marker na naghihiwalay ng probinsiya ng Albay at Sorsogon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Please be good to me Sorsogon. Baka naman dalhin mo na naman aketch kung saan sa vacay ko na itey! Please baka diko na makeri..."

" BAKSSS! STOP THAT PLS!" Bahagyang sigaw ni Almira kay Theo. Napatingin naman sa kanya si Julius. Hindi naman nagising si Kiro na napaidlip na sa may kahabaang biyahe.

Pinandilatan ni Almira ang kaibigan at sinenyasang isara ang bibig. Dahil may iba silang kasama sa van ang driver at sekretarya ni Julius pati na si Kiro, ang mga ito ay walang alam sa pinagdaanan na timetravel ng magkaibigang Almira at Theo. Nag sign na lang ng peace ito kay Almira sabay zipper kunwari ng kanyang bibig.

Nagpatuloy ang kanilang biyahe hanggang sa narating na nila ang bayan ng Barcelona. Sa pagdaan nila sa munisipyo, dating bahay ng ninuno ni Julius at ng simbahan ng bayan ay pinagmasdan lang ito ni Theo. Wala itong imik na tila muling inaalala ang pinagdaanan nila ng kaibigan. Naramdaman ito ni Almira, batid niyang kahit nasa kasalukuyang panahon na sila ay hindi madaling kalimutan ang mga naganap at pinagdaanan nila sa bayang iyon sa nakaraang panahon.

Binasag ni Julius ang katahimikang namamayani.

" Sa bahay na kayo tumuloy ni Kiro. May mga rm pa naman na available doon. Huwag na kayong maghotel sa city."

" Sure papa Juls." Tugon ni Theo. Pinisil namang may kahigpitan ni Kiro ang balikat nito Kaya napaigtad ito.

" Bebe ko naman eh...huwag na magselos. Papa Juls ko Lang naman siya. Ikaw ay aking labidabs."

" Ikaw dami tawag papa. Gusto ko ako lang." Tugon ni Kiro.

" Ganern?! O sya from now on, tatawagin na kitang papi."

" Puppy?! Ako hindi aso." Tugon ni Kiro.

" Ay ang korni ng bebe ko."

" Andito na tayo." Sabat ni Julius.

Almira's POV

Sa pagdating ni Theo makalipas ang halos apat na taon ay hindi ko maitatangging na miss ko ang best friend ko. Ang aming pinagsamahan, mga kalokohan, kadramahan at kung ano pang mga bagay na nagpatibay ng aming samahan kahit pa nagkalayo na kami at may mga sarili ng buhay at pamilya. Sa muli niyang pagdating dito sa Barcelona ay labis ang tuwa ng pamilya Locsin at ni Lola Socorro na nanatili pa rin sa tabi nila kahit ito ay may kahinaan na dulot ng katandaan at pagkakasakit paminsan-minsan.

Naging masaya ang muling pagkikita-kita na nauwi sa reunion na ginanap sa resorts namin ni Julius ng sumunod na mga araw.

Sa isang kubol sa beach habang nagkakasiyahan ang lahat ay nakita ko na naroon si Theo na pasigaw-sigaw sa mga kasama namin lalo na sa partner niyang si Kiro na halos nakababad na sa dagat. Karga naman ni Julius si Maru at si Mira kasama ang yaya niya at ilang mga bata. Nilapitan ko ang kaibigan ko at umupo sa tabi nito.

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon