Sa pagsisimula ng bagong taon ay atin pa ring samahan ang magkaibigang Almira at Theo sa natatanging adventure nila sa panibagong lugar at nakalipas na panahon.
------------------------------------------------------
Almira's POVSa pagsadsad ng ilalim ng bangkang sinasakyan namin sa buhangin ay huminto na ito, at akin na ring tinanggap ang katotohanang wala na kami sa Barcelona, mga bagong tao na aming makakasama, at ang katotohanang nasa past pa rin kami ng kaibigan.
Tumayo ako at lumundag sa tubig dagat matapos kong isukbit sa aking likod ang backbag na dala ko. Kinuha naman ni Fukuya ang backbag ni Theo at binuhat ito patungong pampang. Inalalayan naman ako ng ilang kasama namin pati si Mayo at Felicia. Tinignan ko ang relos ko sa bulsa ng aking blouse at nagpasyang isuot na lamang ito. Alas said y medya na ng umaga at unang araw sa buwan ng Disyembre 1942. Mukhang pangalawang pasko at bagong taon na naman namin sa panahon ng pananakop ng hapon.
" Fukuya hindi ba delikado sa lugar na ito?! Baka may mga hapones dito."
" Ligtas pa naman sa lugar na ito ate. Napapalibutan ng bundok at may kalayuan sa bayan. Wala pang naligaw na mga nagpapatrulyang mga kalahi ko sa lugar na ito kaya nagpasyang ang kinaaniban naming kilusang gerilya sa lugar malapit dito magkuta kasi malapit sa dagat."
" Ibig mong sabihin malapit lang dito kuta ninyo?"
" Oo ate....ngunit hindi mo ito mararating agad kung hindi mo ito alam o kaya hindi ka namin kaanib dahil maari kang maligaw patungo doon."
" Kung gayon dapat na tayong magsimulang maglakbay patungo doon para makapagpahinga ng maayos si Mayo at ang aking kaibigan."
" Paparating dito ang ilan naming kasama bago tayo magsimulang maglakbay patungong kuta namin. Kaya hihintayin natin sila. May mga mabibigat kasi kaming dala sa bangka."
" Ah...sige."
Mabilis na kumilos si Fukuya at mga kasama nito naibaba nila ang mga bagay na nasa loob ng bangka at kanila itong hinila patungo sa masukal na bahagi ng lugar na iyon.
Si Theo ay nakaupo lamang sa tumbang puno habang si Mayo at Felicia ay magkatabing nakaupo sa isang malapad na bato sa bahaging nalililiman ng mga puno ng niyog. Pinagmasdan ko sila at napansin ko na salita ng salita si Mayo ngunit nakatingin lamang sa kawalan si Felicia. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot na para bang may mga luha ang mga mata sa kabila ng para siyang natutulala. Kabaliktaran kanina na iyak lamang siya ng iyak. Nagpasyang akong lumapit sa kanila.
" Magandang umaga sayo Felicia ako nga pala si Almira at si Theo yung best friend ko." Ngunit tila walang narinig si Felicia kaya kinalabit ito ni Mayo.
" Isya maayos ka lang ba? Huwag ka nang mangamba ligtas ka na. Gusto ka ring makilala ng mga kaibigan ko sila si Ate Almira at Theodorro."
" Ha?!" Tanging sagot nito at yumuko na lamang kaya ngumiti na lamang ako kay Mayo at tinapik sa likod ng bahagya.
" Naiintindihan ko siya Mayo, hayaan na lamang muna natin siya dahil hindi biro ang pinagdaanan niya."
Bumalik ako kay Theo at kinumusta ang lagay nito.
" Frend....hindi ok noh. Alam mo naman ang pinagdaanan natin sa nakalipas na mga oras. Parang nasa tainga ko pa yung mga putukan at pagsabog eh."
" Naiintindihan ko. Magpakatatag ka, tayo pala dahil nandito pa rin tayo at hindi natin ito kagustuhan. Isipin na lang natin kung anong magagawa o maitutulong natin dito. Huwag tayong mangamba o matakot, maniwala tayo na isang araw ay bigla na lamang tayo makabalik sa future."
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time ( THE UNTOLD )
Historical FictionMay mga pangyayari sa nakaraan na sa kasalukuyan ay nanatiling lihim. Paano na lang kung ang lihim na iyon sa nakaraan na iyong matutuklasan ay may kinalaman sa iyong pagkatao. Makakaya mo bang tanggapin ang natuklasang lihim sa iyong pagkatao na si...