Sa kubol ay kumuha ng pamalit na damit ang dalawa. Maging ang cp nila ay dinala at ang bag na mahalaga kay Almira. Ngunit bago lumabas ay nagselfie pa muna ang dalawa.
" Itago mo na nga iyan bakla at baka may makakita pa niyan at panibagong eksplanasyon na naman iyan sa mga tao sa panahong ito."
" Kaya nga dadalhin ko ito kasi malay natin bigla na lang tayong maglaho at makabalik na tayo sa year 2021 noh!"
Lingid sa kanila ay nasa may bintana na nakasungaw si Mayo at nakita ang ginawa nila.
" Pambihira! Anong klaseng salamin iyan?! At anong sinabi mo Ate Theo? Maglaho? Year 2021???"
Sa labis na pagkabigla ay hindi agad nakuhang makapagsalita ng dalawa. Mabilis namang nakapasok sa kubol si Mayo at bakas ang gulat at takot sa magkaibigan. Sukol na sila ng mga nagdududang tingin ni Mayo na palipat-lipat sa magkaibigan.
" Sino ba talaga kayo?! May mga pagkakataong naguguluhan ako sa inyo ngunit hinahayaan ko na lamang ito! Ngunit ngayon sa narinig ko ay hindi naman ako mahina ang pang-unawa para maintindihan ang sinabi ninyo."
Nagkatinginan ang magkaibigan at mabilis na hinila nila si Mayo na napadapa pa sa papag. Agad isinara ng dalawa ang pinto at bintana ng kubol.
" Anong ginagawa nyo?!" Sigaw ni Mayo. Agad dinukwang ni Theo sa bibig ito at tinakpan ng kamay.
" Manahimik ka! Kung hindi hahalikan Kita!"
" Nakakadiri ka! Magpaliwanag na kayo sa akin! Sino ba kayo?! Noon pa man nagtataka na talaga ako sa inyo!"
" Agad-agad?!"
" Tumigil ka na bakla?! Wala na tayong kawala sa kanya, bistado na tayo!"
" Umamin na kayo ate, may mahika kayo! Galing kayo sa ibang panahon! Hindi talaga kayo tagarito!"
" Mahika?! What the hell!" Natatawang sabi ni Theo, maging si Almira ay bahagyang natawa.
" May mahika kayo! Naglakbay kayo galing sa ibang panahon!" Sigaw muli ni Mayo.
" Manahimik ka! Oo may mahika kami! Kung hindi ka mananahimik gagamitan ko ng mahika na iyang pagkalalaki mo paglalakbayin ko patungo sa noo mo at diyan na mamimirmihan! Kalokah kahh ang ingay mo!"
Sa narinig ay bahagyang nahintakutan si Mayo. Tumahimik ito at umupo sa dulong bahagi ng papag. Nilapitan na ito ni Almira at kinausap.
" Makikinig ka ba sa sasabihin namin? At mangangakong ikaw lang makakaalam at wala kang ibang pagsasabihan?"
" Hindi ako siguradong ako lang makakaalam pero nangangako akong wala akong pagsasabihan!"
" Ayyy lokong tohhh! May sagot pang ganyan! Umayos ka Mayo!"
" Bunganga mo bakla tumigil ka na! Hayaan mo na siya!"
Tumahimik ang tatlo at tila may anghel na dumaan ng isang minuto. Walang nagsasalita bagkus nagtitinginan lamang na tila ineeksamin ang bawat isa. Hanggang sa binasag na mismo ni Mayo ang katahimikan.
" Nangangamba man ako dahil sa natuklasan kong kakaiba ninyong kapangyarihan, uunawain ko lahat ng sasabihin at ipagtatapat ninyo. Huwag nyo lang akong gamitan ng mahika."
Muli ay hindi na magkamayaw sa tawa ang magkaibigan. Tumatawa sila na walang tunog na halakhak kaya labis na nawirduhan na tuloy sa kanila si Mayo.
" O baka ang pagtawa namin na walang sounds ay mahika na din! Wala kaming mahika noh! Kaya kumalma ka, huwag kang hysterical!"
" Eh bakit nyo nagawang mapunta dito sa panahon namin?! Gayung nagmula kayo sa taong 2021! Ganoon na ba ang mga tao sa hinaharap at nakakaya nilang bumalik sa nakaraan???!"
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time ( THE UNTOLD )
Historical FictionMay mga pangyayari sa nakaraan na sa kasalukuyan ay nanatiling lihim. Paano na lang kung ang lihim na iyon sa nakaraan na iyong matutuklasan ay may kinalaman sa iyong pagkatao. Makakaya mo bang tanggapin ang natuklasang lihim sa iyong pagkatao na si...