Kabanata - 11

636 28 4
                                    

Sa kislap ng mga bituin sa langit, sa simoy ng hanging nagmumula sa dagat, at sa payapang tila musikang paghampas ng mabining alon sa dalampasigan ay nagsimulang magsalaysay si Lolo Mayo.

" Pagkatapos ng gabing ito ay sana handa kayo na tanggapin ang lahat sa nakaraan na may kinalaman sa akin, at sa ating pamilya."

Nagkatinginang may pagtataka si Tricia at Yoshi saka muling ibinaling ang tingin sa kanilang Lolo.

" Halata sa inyong mga mata apo na interesado talaga kayong dalawa sa aking ikukuwento?" Nangingiting tanong ni Lolo Mayo.

" Masyado naman kasi kayong pa-secret ng buhay nyo Lolo eh! Alam kaya namin na marami ka pang inililihim kaya since na narito na tayo sa bayan ninyo ay much better na sabihin nyo na kung ano pa ba ang hindi namin nalalaman noh!"

" Tricia, Yoshi.....nais kong malaman ninyo na pinakahihintay ko ang gabing ito."

" Bakit iyo hintay gabi ito Lolo?" Si Yoshi.

" Kasi ito ang simula ng mga  gabing ang kasalukuyan ay babaluting muli ng hiwaga para sa nakaraan."

" Ano po?!" Sabay na tanong ni Tricia at Yoshi na naguguluhan. Natunugan naman ni Lolo Mayo na naguluhan ang dalawang apo. Kaya inilihis na lang niya ang ibig iparating sa mga apo.

" Nais nyo bang malaman kaganapan sa aking pamilya noong panahon ng hapon?"

" Hayyy naku Lolo paulit-ulit! Alam naman po namin na may panganay kang kuya, ikaw tapos si lola Felicia at Cecilia na kambal. Napatay ang kuya ninyo at buong pamilya niya, at namatay din sa giyera ang kambal pati mga magulang ninyo." Saad ni Tricia.

" Tama apo....pero ang nais kong isalaysay sa inyo ay ang kaganapan sa likod niyon na hanggang sa panahong ito, ay narito sa aking utak( sabay turo sa ulo) at sa aking puso ( sabay turo sa kanyang puso). Hindi sila maalis sa kabila ng nais kong maging masaya at lumimot apo. Marahil kapag pumanaw na ako mga apo ay saka lang ako magkakaroon ng katahimikan."

" Huwag kang ganyan Lolo! Magkakasama pa tayo ng matagal noh. Kung anuman po iyang bagay na iyan na matagal na ninyong dinadala at bumabagabag sa inyo ay hayaan nyo na po ito i-unload paunti-unti." Naluluhang sabi ni Tricia na lumapit pang bahagyang sa kanyang Lolo at hinawakan ang mga palad nito.

" Salamat apo....pero nais kong malaman ninyo na sa kabila ng pagiging masayahin ko ay napapagod na rin ako. Nais ko ng magpahinga, wala na akong magawa sa edad kong ito."

" Lolo....." Mahinang usal ni Tricia at Yoshi na nakatitig sa kanilang Lolo.

" Mga apo.....sa pagkakataong ito ay akin nang hahawiin ang kurtinang aking itinabing sa aking nakaraan. Nais ko na sana ay maging mahinahon, maunawain kayo pagkatapos kong isalaysay sa inyo ang lahat."

Nanatiling nakatitig na lamang ang dalawa sa kanilang Lolo. Muli ay napatitig sa mga bituin si Lolo Mayo. Kinuha ni Tricia ang isang manipis na kumot at ipinatong sa kandungan ng kanyang Lolo. Panahon ng tag-araw kaya hindi kalamigan ang gabi kahit pa sa may dagat sila.

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon