Kabanata - 31

369 24 11
                                    

Sa pagtatapos ng taon ay papasok na po tayo sa bagong yugto ng adventure ni Almira at Theo. Ano pa po kayang kaganapan ang mangyayari sa kanila?!

Abangan!!!
------------------------------------------------------

" Ate, kuya malapit na po tayo sa simbahan."

" Nonoy salamat. Maari mo ba kaming tulungang makapasok sa simbahan, gusto kasi naming makausap si father."

" Opo ate. Ingat lang po tayo dahil nagkakagulo at naglalabanan na po ang mga hapones, gerilya at pati mga karaniwang mamayan ay sumasali na po."

Habang papalapit ng simbahan ay naririnig ang mga putukan at pagsabog sa iba-ibang dako ng bayan. Maririnig din ang mga sigaw ng mga tao na di mo mawari kung mga hapones, gerilya o mga mamamayan. May mga sunog na ring makikita kahit pa may pag-ulan.

Sa paglapit nila sa likurang bahagi ng simbahan ay natigilan sila ng marinig ang mga mabibilis na yabag. Nagkubli ang magkaibigang Almira at Theo pati ang sakristan na binatilyo.

Sa biglaang liwanag dulot ng kidlat ay nakilala agad ni Almira at Theo ang lalaking may pasang babae sa likod at wala itong malay.

" Psssstttt! Mayo! Ditooo!" Impit na sigaw ni Almira. Kaya napalingon si Mayo. Mabilis siyang lumapit sa pinagkukublihan ng tatlo kaya sumunod na rin ang dalawang gerilya pang kasama ni Mayo.

" Bakit kayo nandito ate?! Ano na ang nangyari?!"

" Saka na ang kuwentuhan! Sino iyang pasan mo?!"

" Ang kapatid ko si Felicia."

" Salamat sa diyos natagpuan mo na siya! Anong nangyari bakit wala siyang Malay?!" Agad na usisa ni Almira na agad lumapit kay Mayo.

" Tulala siya ng matagpuan namin sa isang silid sa tahanan ni kuya Julian. Agad kong hinila palabas ngunit ng biglang magputukan, makarinig siya ng mga pagsabog at apoy sa bahay ay nagsisigaw at nawalan ng malay."

" Marahil may trauma siyang dinadala pero salamat at ligtas na ang kapatid mo. Pabalik na ba kayo sa kuta?"

" Hindi na siguro ate, kailangan naming makabalik sa bayan namin para maibsan ang pag-aalala ng pamilya ko. Magpapadala na lang ako ng mensahe kina kuya Julian. Kayo bakit kayo narito? Nasaan ang mga kasamahan natin? Bakit wala kayong kasama?"

Agad ng sumabad sa usapan si Theo kahit nahihirapan na ito sa tinamong sugat.

" Ah eh Mayo, mas makakabuting tumuloy na kayo sa pupuntahan ninyo at baka maabutan pa kayo dito ng mga hapones!"

" Iyon na ang aming gagawin, maraming nasawi sa mga kasamahan ko kaya kailangan naming makalikas! Pero pano kayo?! May sugat ka ate!"

" Huwag mo kaming alalahanin, patungo kami sa loob ng simbahan, pansamantalang makakapagtago kami diyan. Saka daplis lang ang tama ni Theo nilinis ko bago binendahan, may alam kami pareho sa panggagamot kaya huwag Kang mag-alala."

" Ganun ba, sige kung maaari kayo na lang magbigay ng mensahe na ligtas kami ng kapatid ko."

" Ha?! Ah eh sige! Sige na go na kayo bilis!" Pagtaboy ni Theo kina Mayo.

Agad ng umalis si Mayo pati ang dalawa pa niyang kasamahan. Tila naman nakipagpatintero sa dilim si Almira, Theo at ang kasama nilang sakristan bago narating ang likurang bahagi ng simbahan.

Pakubli-kubli ang tatlo dahil sa mga panaka-nakay naririnig nilang mga yabag, mga nagtatakbuhan, putukan hanggang sa narating nila ang pintuan sa likurang bahagi ng simbahan. Agad itong kinalampag ng sakristan.

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon