Kabanata - 4

840 41 6
                                    

" Yan si Lola basta panahon ng hapon ganado sa kuwento."

" Pero apo alam mo bang maski papaano may magandang naiambag naman sa kultura natin ang pananakop nila. Iyon nga lang mas naaalala ang kalupitan dahil iyon ang namamayani noon. Hindi ka nga lang makapagbigay galang sa pamamagitan ng paghinto sa paglalakad at pagyukod ay sampal, sipa o hampas ng baril ang maari mong maranasan."

" Sa totoo lang maging sa panahong ito ay may mga kalupitan pa ring nararanasan ang mga Pilipino. Dito man sa ating bansa at maging sa ibang bansa. May mga tumutuligsa o kumakalaban man sa mga bagay na ito ngunit sadyang nauulit-umuulit ang mga pangyayari." Pagsagot ni Amira.

" Ika nga....History repeats itself."
Sambit ni Julius.
.
.
.
Nagpatuloy sa hapunan ang lahat habang nagkukuwentuhan at nagpapalitan ng mga opinyon. Hanggang sa nagpaalam na ang pamilya Estacio para umuwi.

Karga ni Julius ang tulog na si Maru habang hyper at nangungulit pa rin sa ina si Mira.

" Baby after brushing sleep ka na ha. Tulog na ang baby bro mo kaya huwag ng makulit."

" Yes mama. I understand naman po I'm a big girl na."

" Very good. Yaya ikaw ng bahala, medyo pagod na rin ako. Later sisilipin na lang namin sila sa rm."

" Opo ate ako na po ang bahala."
.
.
.
Sa silid ng mag-aasawa ay mga bagay na ginawa pa si Julius sa kanyang laptop. Habang si Almira naman ay nanood pa ng balita sa tv.

Hanggang bago maghatinggabi ay nagpasya ng matulog ang dalawa matapos silipin ang mahimbing na pagtulog ng dalawang anak.

Sa higaan ay nagmuni-muni pa ang dalawa at nag-usap ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanilang kabuhayan at pamilya. Hanggang napuntang muli ang usapan sa paglalakbay ni Almira at Theo sa nakaraan.

" Alam mo Hon...till now ang paniniwala ni Lola Socorro ay ibang tao ang ate Almira at kuya Theodorro niya noon. Nalulungkot ako kasi nagsisinungaling ako, kami sa kanya at sa buong pamilya." Buntonghiningang pagkasabi ni Almira.

" Hon...Hindi lang kayo ni Theo. Tayo at ang pamilya ko lang nakakaalam. Oo ako man ay minsan nakukunsensiya, pero that is the right way to do kasi  hindi biro ang experience nyo. Timetravel ay isang bagay na till now ay walang makakapagsabi kung totoo maging sa siyensya. Sa social media nga ginagawa pang kalokohan ang bagay na iyan at maging mga tao ay may mga hindi naniniwala."

" Alam ko naman yun eh. After ng nangyari sa amin ni Theo at makabalik dito then live normally ulit ay nagsimula akong mag  research about time travel. I'm sad and confused dahil ni isa sa mga nabasa o napanood ko ay walang makakapagsabing totoo o hindi. Pero ako at si Theo mismo ay makakapagpapatoo dahil sa mga ebidensiyang meron kami. Ngunit natatakot pa rin ako at maging si Theo."

" Dahil magugulo ang buhay mo, ninyo, nating lahat. People will say anything lalo na pag lumantad kayo. Hindi mo mako-control ang sasabihin ng mga tao at iyon ang ikinakatakot ko."

" Till now hindi ko lubos maisip na nangyari iyon sa amin ni Theo. Pagbalik namin sa present noon ay parang panaginip lang ang lahat. Ngunit yung lungkot ay tila dala namin sa puso namin dahil sa mga pangyayari."

" Sabi mo nga halos mag-isang taon kayo sa past pero dito ng makabalik kayo ng gabing iyon ay hindi considered na missing kayo. Dahil minutes lang ang sa palagay ko na pagkawala ninyo. Sa tagal ninyo doon ay nabuo ang mas malalim na samahan ninyo ni Theo at pati na rin sa mga taong nakasama ninyo dahil hindi biro ang mga kaganapan noong world war 2."

" Ewan ko ba kung bakit nangyari iyon, Kung ano ang nag-trigger na makabalik kami sa past at muling makabalik din sa present time."

Sa sinabi ng asawa ay napangiti si Julius. Tumagilid sa pagkakahiga at pinagmasdan si Almira na nakatitig sa kisame.

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon