Kabanata - 44

465 31 15
                                    

" Kilala mo si Julian di ba?!

" Oo, sa bahay nga nila doon ko natagpuan si Felicia. Anong koneksyon niya sa inyo? Saka doon sa kuweba may usap-usapan doon na may pagtingin sayo si Manoy Julian."

" Alam niyang naglakbay kami sa nakaraan mula sa future. Ngunit itoy kanyang nalaman kung saan nakabalik na kami sa future. Sa pagbabalik namin sa future hindi na namin siya naabutang buhay pa. Namatay na siya sa katandaan. Ngunit kanyang naisulat at naikuwento na ang tungkol sa amin sa kanyang apo na si Julius."

" Apo? Julius?"

" Oo....Julius Estacio....Ang asawa ko sa future."

" ANO???!"

" Totoo ang sinasabi ko. Taong 2017 din namatay si Julian at 99 years old na siya."

" Wohoooo! Hindi nga ate! Ibig sabihin nakaligtas sa digmaang ito si Manoy Julian at matagal siyang nabuhay!"

" Oo Mayo. Sa panahong hindi pa kami nakakabalik ni Mayo sa future ay tila tumigil ang oras doon kung saan matanda na si Julian. Kaya ng oras na makabalik kami ay saka pa lang namin nakilala si Julius, isang pulis ang asawa ko."

" Ang galeng naman! Sana humaba rin ang buhay ko at maging sundalo sa hinaharap!"

" Well you know what Mayo?! Bihira ang umaabot ng centenarian sa panahon namin. Yung iba 65 to 75 yrs old ang inaabot doon bago mategi o ma dead! Ikaw sa tingin ko ay....ummmm.... 50 Tama na Yan sayo golden age lang!"

" Ang sama mo naman ate Theo! Hindi ka diyos ano!"

" Tseeeehhh! Dibdibin ba ang mga biro ko! Ilang taon ka ba ngayon?!"

" Bente Dos na ako noongl Mayo!"

" December 1942 ngayon sa 2021
78yrs from now! Omygeee! Sa 2021 ay centenarian ka na Mayo! Bibigyan ka ng govt ng 100thousand pesoses!"

" Anong ibig mong sabihin? Hindi ko maintindihan."

" Ganito yun, sa year 2021 kung saan kami galing ang mga Pilipinong umaabot sa edad na 100 ay pinaparangalan at binibigyan ng pinansyal na ayuda na isandaang libong piso ng pamahalaan natin." Paliwanag ni Almira.

" Isandaang libong piso?! Napakalaking halaga niyon! Kayamanang maituturing namin sa panahong ito! Ilang sentimo at piso nga lamang ay pinaghihirapan ng pagkakitaan namin! Napakapalad nyo naman mga ate, hindi na yata kayo naghihirap sa panahong pinanggalingan ninyo!"

" Mapalad kami dahil wala ng digmaan sa aming panahon Mayo. Ngunit may mga bansang nananatiling hindi payapang namumuhay ang mga mamamayan sa dahilang patuloy na may mga grupong hindi kilala ang kapayapaan at naghahasik pa rin ng kaguluhan. Malungkot ding isipin na sa panahon namin laganap ang korapsyon at pang-aabuso ng ilang mga taong nasa kapangyarihan."

" Ganun ba, nakakatakot pa rin palang mamuhay sa panahon ninyo."

" Hindi naman sa ganun. Nais mo bang malaman kung kelan matatapos ang giyera?!" Tugon ni Theo.

" Hindi nga?! Alam mo ate Theo?!"

" Ayyy engot! Of course dahil alam namin ang history ng Philippines mula sa Spanish invasion, American and this time ay mga Japanese! Itinuro yan sa amin sa school at maraming libro at information sa social media about sa mga yun noh!"

" Oo Ate Theo gusto kong malaman! Gusto kong malaman lahat ng magaganap sa hinaharap!"

" Hindi mo kailangang malaman ang lahat sa future Mayo. Baka makasama ito sa future kung ito ay iyong malalaman."

" Tama si Frend Mayo. Mas makakabuting sa ilang bagay ay manatiling wala kang alam."

" Kunsabagay maaring tama kayo. Ngunit nasa digmaan tayo, maaaring marami pang mangyari at mamatay. Ngunit kung may sasabihin kayong naganap dito ay maaring maraming maligtas kung sakali."

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon