Kabanata - 37

467 22 8
                                    

" Paano kaya nakarating yung mga tao dito? Paano sila nagsimulang magkuta dito?"

" Hayyyyy naku frend! Wala pa akong panahong magresearch sa bagay na iyan! Plssss magpahinga na muna tayo, pagod na pagod na ako. Kelangan natin ng energy!"

Tama si Theo kaya muli ko itong inalalayan pumasok sa kubol. Natuwa naman kami dahil komportable nga kami sa pagpapahinga, may unan, kumot, may kulambo pa sa gilid na nakatupi at higit sa lahat ang hanging amihan Disyembre na nag-aanyayang magpahinga at matulog.
.
.
.
.
.
Mabilis na nakatulog ang magkaibigan dahil sa pagod na kanilang naranasan.

Samantalang sa kubo ng pamilya ni Mayo ay hindi matigil ang pag-iyak ng kanyang ina. Naikuwento na nito na isa ang kanilang Tiya Pura sa napatay ng mga hapones ng lumusob ito sa isang baryo sa pinanggalingan niya. Hindi na rin maitago na isa si Felicia sa mga kadalagahang naroon sa baryong iyon na tinangay ng mga sundalong hapones at dinala sa mga comfort station dahil natagpuan nila ito sa isang silid ng isang bahay kung saan ginawang comfort station at iyon ang bahay nina Julian.

" Dalawang buwan siyang nanatili doon sa bahay na iyon mamay. Kahit mapait ang sinapit niya ay nanatili siyang buhay."

" Ang Tiyo mo bakit hindi ninyo kasamang nakabalik?!"

" Nang lumusob po kami kagabi Papay ay nagkahiwalay-hiwalay na kami. Sa pagtakas ay napatay na din ang dalawa ko pang kasama. Hanggang sa tamaan ako balikat kung saan nailayo ko na si Felicia doon. Ngunit mapalad ako dahil naroon na pala ang dalawa kong kaibigan na si Almira at Theo na siya namang pagdating ni Fukuya at mga kasama niya."

" Ang dalawang iyon sigurado ka bang kaibigan mo sila at kaisa natin?!"

" Opo Papay, sa katunayan may alam sila sa panggagamot doon sa kuta ng mga gerilyang nakasama ko at doon sa bundok kung saan lumikas ang mga taong taga Barcelona. Hindi mo nga lamang sila maunawaan minsan pero mabuting tao sila at maaring makatulong sa atin dito."

" Nag-aalala ako sa kalagayan ng kapatid mo! Alam kong hindi natin maitatago sa mga tao ang sinapit niya, ipagdasal natin at tulungang muli siyang bumalik sa dati at makalimutan mapait na sinapit niya."

" Opo Papay! Hindi po ako titigil na hindi maiganti si Tiya Pura at Felicia sa mga hapones na sundalong iyon! Pagpaplanuhan po naming muli ang pagbalik sa Barcelona at pakikiisa sa kilusang gerilya doon!"

" Ang heneral na si Sanzumaru nakasama mo ba o nakita?!"

" Opo Papay, sa katanuyan kasapi siya ng mga gerilya at kasamahan namin."

" ANO?! BAKIT ANONG NANGYARI?!"

Ngunit bago pa man nakasagot si Mayo ay kaunting ingay na narinig mula sa labas. Kaya dumungaw ang mga ito sa bintana at mabilis na lumabas kung saan sinalubong nila ang ilang mga tao na dumating at may mga pasang sako.

Agad kinausap ni Alejandro at Ador ang mga ito. Nakihalubilo na rin si Mayo at ama nito.

" Salamat sa diyos at ligtas kayong nakabalik dito sa kuta!" Ani ni Alejandro.

" Halos isang linggo din kayong nasa bayan, anong lagay ng mga tao at pamumuno ng mga hapones?" Tanong naman agad ni mang Ramon na agad namang sinagot ng isa sa mga dumating.

" Maaring hindi po kayo maniwala Mang Ramon, sa pananatili namin doon na kahit nagtatago ay mapayapa naman. May bagong namumunong opisyal na hapones at Captain ang ranggo nito siya si Captain Hotaru Yamato. Napakabata pa mga tatlumpong taon lang daw yata iyon ayon sa mga tao sa bayan."

" Anong nangyari doon sa abusadong opisyal dati?!"

" Ayon sa impormante natin at espiya sa Garrison nila ay inilipat ito sa ibang bayan na sakop na nila."

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon