Kabanata - 38

417 23 11
                                    

Almiras POV

Kailan kaya matatapos ang panaginip na ito?! Sana nga ay panaginip lamang. Sana lang din sabay pa ring kaming magising ni Theo sa future kung sakaling panaginip lamang Ito. Sa kabila ng malakas ang aking loob at paniniwala na makabalik kami ay naroon pa rin ang takot at pangamba.

Tinungo ko ang maliit na bintana ng kubol dahil madilim na ngunit may nababanaagan akong apoy sa labas. Napagtanto ko na may sulo sa labas ng kubol mula sa isang nakatayong kawayan doon. Nakikita din ang mga sulo sa harap ng mga iba pang kubol sa paligid. Naamoy ko din na may mga nagluluto ng kung ano-ano na diko mawari.

Nauhaw ako kaya lumabas na ako ng kubol para makahingi ng tubig at hinayaan ko na lamang si Theo sa pagkakatulog. Tinungo ko ang isang kubol na malapit sa amin ito ang kubol ni Cecilia at Fukuya. Patungo  doon ay sa gilid ako dumaan bago makarating sa harapan. Hindi pa man ako nakakarating ay naulinigan kong nagsasalita si Cecilia at isang pangalan ang kanyang binanggit na pamilyar sa akin kaya napatigil ako sa aking mga hakbang, at aking ikinagimbal ang narinig ko pang iba niyang sinabi at ng kausap niyang si Fukuya.

Napaatras ako sa aking narinig, tutop ko ang aking bibig at kumabog ang aking dibdib. Nagdesisyon akong muling bumalik sa kubol namin ngunit nakasalubong ko si Ador.

" Ate Almira saan ang tungo mo? Naghapunan na ba kayo?"

" Ha?! Ah eh hindi pa.....saan ba makakuha ng tubig? Wala na kasing laman itong lagayan namin."

" Ah....halika samahan na kita."

Habang naglalakad ay tahimik ako, naisip ko kasi ang aking narinig.

" May problems ba ate?"

" Ha?! Wala naman Ador."

" Mukha ka kasing balisa kanina, may bumabagabag ba sayo?"

" Huwag mo na akong pansinin, marahil naninibago lang ako dito."

Hindi na nagsalita pa si Ador. Sa harap ng kubo nina Mayo ay huminto kami. May mga tapayan na malalaki at galon na naglalaman ng malinis na tubig ang naroon agad na akong nagsalin sa bitbit kong lagayan ng tubig.

" Nariyan pala kayo. Sumabay na kayo sa hapunan namin." Ang asawa ni kuya Alejandro na abala sa kung ano mang niluluto nito.

" Salamat manay, nagluto naman si mamay sa kubo kaya doon na lamang ako."

" Ganoon ba, sige?" Napatingin ito sa akin. "Almira di ba?"

Nakangiting tumango ako sa asawa ni Kuya Alejandro.

" Dito kayo maghapunan ng kasama mong ginoo."

" Theo ang pangalan niya. Sige sabihan ko pagbalik ko doon sa kubol. Pero tulungan na kita sa ginagawa mo."

" Naku hayaan mo na, nakapagsaing naman na ako ng kaunting bigas at may daing na isda at talbos ng kamote na isusugba at pakukuluan ko itong mga talbos ng kamote."

Umupo na lamang ako sa papag at pinagmasdan siya sa ginagawa niya.

" Tawagan mo na lamang akong  Teresa. May isa na kaming anak ni Alejandro."

" Ilang taon ka na Teresa?"

" 28 na ako pareho kami ni Alejandro. Tatlong taon ang anak namin."

Natigilan ako sa aking narinig kung tutuusin ay kaedad lang pala namin sila ni Theo. Marahil hindi na dapat kami ni Theo magsinungaling ng ibang detalye tungkol sa amin.

" Halos kaedad lang pala namin kayo ni Theo, pareho kaming 27."

" Si Theo ba binabae?"

" Oo Teresa, best friend ko yan kahit ganyan siya. Mabait at maaasahan yan kahit na minsan ay maingay."

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon