" May huli akong katanungan sainyo Almira at Theo bago natin tapusin ito." Si Kuya Alejandro.
" Q & A pa?!" Agad na reaksyon ni Theo.
" Kilala nyo di ba si Heneral Sanzumaru?!"
Nagkatinginan kami ni Theo at ako na ang sumagot.
" Nakasama namin siya sa Barcelona noong nagtatago kami sa kuweba sa bundok. Umanib kasi siya sa samahang gerilya."
" Umanib sa samahang gerilya?! Paanong nangyari iyon?! Sa pagkakaalam ko napatay siya noon pang mga nakaraang buwan?!"
Napailing ako sa tanong ni Kuya Alejandro. Hindi man lang ba niya naisip ang kalagayan ng kapatid niyang si Cecilia. Agad nagsalita si Mayo na tila nagpapaliwanag.
" Pasensiya na ate nasabi ko kasi kay manoy na nakasama natin doon si Heneral Sanzumaru at buhay pa siya."
Agad kong nakuha ang pinupunto ni Kuya Alejandro kung bakit niya kami tinanong tungkol sa Heneral. Hindi para sa kaalaman ng lahat kundi ay malaman niya kung buhay pa talaga ito dahil ang heneral ang ama ng dinadala ni Cecilia. Hindi ko tuloy malaman kung alam ba ng mga tao ang tungkol kay Cecilia at Heneral o inililihim ng pamilya kaya si Fukuya ang ipinakilalang ama ng dinadala nito.
" Kami ni Theo ang nagligtas at gumamot sa Heneral matapos itong tambangan at traydurin mismo ng mga kasamahan niyang hapones noon. Nang gumaling siya ay sumama at umanib na siya sa amin. Ipinangako niyang tutulong sa samahang gerilya at makaganti sa isang opisyal na hapones na si Satoshi na siyang utak ng pagpapatay sa kanya."
" Yun lang?! Nagtiwala agad kayo sa hapones na iyon?!"
" Bakit Kuya, may nais ka pa bang malaman? Sa pagkakaalam ko nadestino dito noon si Heneral na umabot din ng buwan. Naging mapayapa din ba dito noon?. Nakasama namin siya at alam ko na mabuti siyang tao kaya walang dahilan na hindi kami magtiwala sa kanya. May atraso ba siya sa inyo?"
Natigilan si Kuya Alejandro sa tanong ko.
" Wala.....wala naman."
Now I know, itinatago ng pamilya ni Kuya sa mga tao na si Heneral Sanzumaru ang nakabuntis kay Cecilia dahil hindi niya masabing may kaugnayan ang dalawa. Sa pagkakaalam ng mga tao si Fukuya ang asawa at ama ng ipinagbubuntis ni Cecilia.
Nakaramdam tuloy ako ng takot at lungkot kung paano ko sasabihin na patay nang totoo si Heneral Sanzumaru. Paano na lang kung biglang may dumating na galing Barcelona at sabihing patay na ito at masahol pa ay kung kilala pa namin at makita kami dito na buhay. Kung sasabihin ko namang patay na ito ay baka makasama sa kalagayan ni Cecilia lalo na at umaasa pa rin itong siguro na maari pa silang magkita ni Sanzumaru.
Natapos ang pagpupulong at nagsibalikan na ang mga tao sa kani-kanilang kubol. Ngunit may mga kalalakihang sa paligid ng kuta ay nanatili lamang at nagpapatrulya sa aking pagkakaalam. Si Andrew at Fukuya naman may ilan ding kasamang kalalakihang ay tinungo ang bahagi ng kuta na mas mataas sa kinalalagyan ng kubo namin. Nanatili lang kami ni Theo sa pagkakaupo habang nag-uusap pa din si Kuya Alejandro, Mayo at kanilang ama.
" Frend I know you.....nabasa kita agad sa way mo ng pagtanong kay Kuya Alejandro yung sandali siyang natigilan sa pagsasalita ay obviously may itinatago siya. Weird niya noh! Nagtanong pa siya sa whereabout ng taong may galit siya."
" True! Kaya sa puntong iyon doon ko na nakuha ang sagot sa tanong ko sa aking sarili kung alam ba ng mga tao dito na si Sanzumaru ang ama ng ipinagbubuntis ni Cecilia."
" I must say na itinatago nila talaga! Kaya lang frend, anong gagawin natin eh tegi na si Papa Sanzu."
" Saka na natin sasabihin ang totoo at baka makasama kay Cecilia na malamang wala na ang mahal niya."
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time ( THE UNTOLD )
Historical FictionMay mga pangyayari sa nakaraan na sa kasalukuyan ay nanatiling lihim. Paano na lang kung ang lihim na iyon sa nakaraan na iyong matutuklasan ay may kinalaman sa iyong pagkatao. Makakaya mo bang tanggapin ang natuklasang lihim sa iyong pagkatao na si...