Ang mga nakaraang kabanata po ay ang mga naganap sa panahong pansamantalang nilisan ni Heneral Sanzumaru ang Barcelona at nagtungo sa lalawigan ng Albay. Iyon po ay mababasa ninyo sa IAPAT unang aklat.
Ang mga kaganapan dito ay halos kasabay ng panahong nasa Barcelona na sa nakaraang panahon ang magkaibigang Almira at Theo. Kung may katanungan po kung paano magtatagpo ang landas ni Almira, Theo at mga bagong karakter ay...ABANGAN lang po palagi!:)
============================" Huwag mong sabihing may pagtingin ka sa heneral na iyon?!"
" Labis ka namang magsalita Manoy! Pagtingin agad?! Maanong humahanga lang muna."
Sagot ni Cecilia sa akin na nakangiti. Muli ay pinagkukurot siya ni Lourdes.
Bago magtanghali ay muling dumating sa aming kinalalagyan ang Heneral na si Sanzumaru. Kandaugaga kami tuloy pati mga taong naroon sa pagyukod bilang pagbati dahil iyon ang ipinapatupad nilang pag-galang sa kanila. Pinagtinginan kami ng mga taong naroon sa dahilang nakikipag-usap ito sa amin na may kaunting tagalog na lenguwahe.
" Bumalik po kayo Heneral..." Agad na sabi ni Cecilia na nakangiti kaya masayang sumagot din itong nakangiti.
" Ako sabi kanina Fukuya na punta inyo lugar. Para makirara pamirya niya Japanese at punta dagat."
" Heneral tayo na po para bago mananghalian naroon na tayo."
" Salamat Mayo. Kayo sabay na akin sasakyan."
" Naku! Huwag na po! May traktor naman si Fukuya."
" Huwag na kayo po at opo sa akin. Alam ko gamit iyan pag-galang matanda. Hindi naman ako matanda. Darawamput Pitong taon ramang ako. Saka pag Tayo usap ni Fukuya ay Sanzumaru lang tawag ninyo akin."
Sa sinabing iyon ng Heneral ay bahagyang natawa kami. Tama nga siya hindi nga kaming lahat nagkakalayo ng edad.
Sa huli ay kami ni Cecilia ang sumabay kay Sanzumaru. Si Lourdes na seryosong nakamasid lamang sa amin ay kay Fukuya sumakay.
Pauwi ng baryo sa gilid ng kalsada malapit sa lugar
ni Lourdes ay bumaba na ito ng makita niyang nasa lilim ng punongkahoy ang dalawa niyang batang kapatid na si Milagros at Lucio." Manayyyy! Manayyyy!"
Masayang sigaw ng dalawa na kumakaway-kaway pa sa amin na tumakbo sa kalsada para salubungin ang kanilang kapatid. Nagulat ng agad ding pinahinto ni Sanzumaru sasakyan, dahil nasa unahan siya ay agad itong bumaba. Kaya napasunod ako ng pagbaba.
Ngunit ng makita ng dalawang bata si Sanzumaru at dalawang kasama nito ay biglang natakot at nagtago sa likod ng kanilang kapatid.
" Manayyyy! Nakakatakot sila may baril! Sila yung mga hapones, masasama sila sabi ng mga kalaro namin!"
Agad silang kinausap ni Lourdes kung saan nakalapit na kami sa kanila. Maging si Fukuya ay lumapit na din sa amin kaya agad itong kinausap ng kaibigan ko na sa aking palagay ay humihingi ng paumanhin sa ilang beses nitong pagyuko. Napangiti lamang si Sanzumaru at lumapit pa sa dalawang bata na kinakabahan at natatakot.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time ( THE UNTOLD )
Historical FictionMay mga pangyayari sa nakaraan na sa kasalukuyan ay nanatiling lihim. Paano na lang kung ang lihim na iyon sa nakaraan na iyong matutuklasan ay may kinalaman sa iyong pagkatao. Makakaya mo bang tanggapin ang natuklasang lihim sa iyong pagkatao na si...