" MAGHANDA NG LAHAT SA PAGTAWID SA ILOG!"
Sigaw ni Kuya Alejandro kaya agad na rin kaming nagprepare. Nanguna ang ilang kalalakihan. Sumunod si Kuya Alejandro, Mayo, Lourdes at Felicia. May ilan pang lalaki at si Fukuya na kung saan pinasan niya si Theo dahil mahihirapan ito sa pagtawid kung masagi ng mga batong naaanod ang sugat sa hita niya. Kinindatan pa ako nito na tipong kinikilig. Ikinatuwa ko rin kung saan inalalayan ako ni Ador at Andrew na gentleman din pala sa kabila ng may kagaspangan nitong ugali.
Mapayapa kaming nakatawid sa ibayo at pansamantalang nagpahinga at muling itinuloy ang paglalakad. Tulad ng sinabi ni Ador ay hindi kami umakyat ng bundok. Namaybay kami sa ibabang bahagi nito na sinasabi nilang shortcut na sila lang ang nakakaalam. Basa, malumot, maraming punong nababalutan ng lumot at mga fern na iba-ibang klase. Kaya namangha naman kami ni Theo sa ganda ng tinatahak naming landas na puro green ang makikita. Hanggang sa nakarinig na kami ng tunog ng bumabagsak na tubig. Hindi pa namin ito nakikita pero alam kong iyon na ang waterfalls na sinasabi nila. Isang ilog muli ang tinawid namin na hindi kalaliman, sa ibayo ay tinahak naming muli ang malumot na kakahuyan at makalipas ang sampung minuto ay tumambad na sa amin ang isang talon o waterfalls na tila nag-aanyaya kami ay magtampisaw.
Nanatili kami sa mataas na ibayo ng ilog na dinadaluyan ng tubig mula sa talon. Pinagmasdan ko ang paligid na mistulang isang paraisong itinago sa pagitan ng mga bundok sa lugar na iyon.
" Frend grabe ang ganda dito!"
" Alam mo pamilyar sa akin ang waterfalls na ito. I think ito yung waterfalls na dinarayo ng mga tourist sa future. Nakalimutan ko lang ang tawag dito."
" Malamang sa future may pagbabago na ang looks nito. Ngayon ay talagang paraiso ang lugar pero sa future ibang-iba na lalo pa at marami ng tao ang dumarayo dito."
" Iyan ang huli at pinakamalaki. Sa itaas ng bundok na iyan ay may mga maliliit din na talon. Kung babaybayin mo itong dinadaluyan ng tubig mula diyan ay doon sa tinawid nating malapad na ilog ang labas mo patungong dagat." Paliwanag sa amin ni Kuya Alejandro.
" Ibig sabihin kuya kung binaybay natin yung ilog na iyon patungo dito ay magtatagal tayo?"
" Tama Almira. Maraming pasikot-sikot na landas ang ilog na iyan at maari kang magtagal patungo rito kung iyong babaybayin. Yung tinahak natin na daan yun ang pinakamadali patungo dito. Nakikita nyo naman na nagtataasan ang puno dito at ang talon na iyan ay nasa gitna ng mga bundok sa lugar na ito."
" Malayo pa ba tayo sa kuta nyo kuya. Pagod na pagod na ako at makirot na talaga ang sugat ko."
Daing ni Theo. Kaya hinimas-himas ko na lamang ito sa likod. Alam ko pagod na pagod at hirap na siya sa kanyang kalagayan lalo at may sugat pa siya. Maging ako man ay tila bibigay na ang katawan sa sobrang pagod.
" Nais nyo ba talagang manatili sa aming kuta?! Maari namang sa iba kayong lugar manatili kung hindi nyo nais dito. Sa bayan maari din kayong manatili doon ngunit kasama ninyong mamuhay ang mga hapones na namumuno doon."
" Kuya nandito kami kasama ninyo dahil pinili namin ito ng kaibigan ko. Kung nagaalala kayo na hindi namin kakayaning mamuhay dito ay nagkakamali kayo."
" Kung ganun ay tayo na sa kuta namin." Nakangiting pahayag ni Kuya Alejandro.
Bago kami muling maglakad ay nakarinig kami ng mga tila huni ng mga ibon. May kinuha si Fukuya sa kanyang bulsa na maliit na bagay na yari sa pinutol na kawayan. Hinihipan niya ito na nagcreate na kaparehong mga tunog na aming naririnig, hanggang sa pinakamataas na bahagi ng waterfalls ay may mga taong kumakaway sa aming grupo. Nagsimula kaming muling naglakad at binaybay namin ang gilid ng bundok.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time ( THE UNTOLD )
Historical FictionMay mga pangyayari sa nakaraan na sa kasalukuyan ay nanatiling lihim. Paano na lang kung ang lihim na iyon sa nakaraan na iyong matutuklasan ay may kinalaman sa iyong pagkatao. Makakaya mo bang tanggapin ang natuklasang lihim sa iyong pagkatao na si...