Kabanata - 34

477 26 4
                                    

" Ako nga pala si Ador."
Lumabas ang piktyur namin ni Theo sa Polaroid camera niya at ipinagpag ito at saka ibinigay sa akin.

" Para sa iyo binibini, ako nga pala si Ador."

" Huwattt binibini?!"

Agad kong siniko si Theo.

" Almira naman ako ginoo." Pakilala ko kung saan sumabad na naman si Theo.

" Ador ba kamo?! Hmmmm kaano-ano mo si Kardo Dalisay?!"

" Ha? Sino yun ginoo???"

" What ako ginoo?!"

Pinisil ko na lamang ng bahagya ang sugat ni Theo sa hita kaya napasigaw ito na baklang-bakla na ikinalingon nilang lahat sa amin.

" Nyeta naman frend! Sakit nun nakakainis ka! Nangingiwing naiiyak na sabi ni Theo.

" Pasensya na, nasagi ko kasi ang sugat niya sa hita."

" BINABAE BA YAN?! KUNG MAKASIGAW AKALA MO BABAE! TSK!"

Sigaw ng mestiso lalaki sa amin na fluent managalog, nakakalokang nagkatinginan na lang kami ni Theo, ngunit agad ding gumanti ng sigaw ito.

" HOY MESTISONG HILAW ANO NAMAN KUNG BINABAE AKO! TSURA NITO AKALA MO NAMAN KAGUAPUHAN! YABANG MO DIN NOH PUWEDE KA NAMANG MAGTANONG NG MAHINAHON! HIGH BLOOD MASYADO MY GHADDD!"

Sabay paypay ni Theo ng kanyang kamay sa kanyang mukha na tumirik pa kunwari ang mga mata.

" BINABAE KA NGA! ANONG GINAGAWA NG BINABAENG TULAD MO SA KILUSAN?!"

Hindi ko napigilang
si Theo na iika-ikang naglakad papalapit kina Mayo.

" Bakettttt?! May batas bang bawal ang baklush na maging gerilya?! My goodness! Kayo talagang mga puti numero uno pagdating sa discrimination! Hmp!"

" Tama na iyan!!" Sigaw ng mas may edad na lalaki sa aming lahat. " Sinong mga ito Mayo?!"

" Manoy mga bagong kaibigan ko sila. Kasamahan kong gerilya doon sa Barcelona. Sila si Almira at Theodorro."

" Hello...este magandang umaga po kuya." Agad kong bati habang nakasimangot si Theo.

" Gerilya ba kayo?! Sa inyong itsura ay parang hindi. Mapuputi kayo at makikinis ang balat. Tagarito ba kayo sa bikol?"

Nabigla ako sa tanong ng kuya ni Mayo. Tama nga siya dahil halos apat pa lamang naman na araw kaming muli sa past mula sa future.

" Taga Maynila kami, nagbakasyon kasi kami sa Barcelona noon ng sumiklab ang digmaan. Kaya ngayon ay halos isang taon na kami dito sa bikol."

" Oo Manoy, Tama si frend, sadyang maputi at makinis lang talaga kami. Kung inyong mamarapatin ay maari na ba kaming sumali sa kilusan?" Ani ni Theo.

" Walang pinipiling kasarian o lahi ang aming kilusan. Ang mahalaga ay pinapahalagahan mo ang demokrasya at kapayapaan ng bansang ito."

" Ayy salamat po. Buti pa si Manoy walang discrimination, hindi tulad ng iba diyan dayuhan pero kung makaasta ang yabang!Hmp!"

" Marunong ba kayong gumamit ng baril at nakapatay na ba kayo ng kalaban?!" Agad na tanong ng mestisong lalaki kay Theo.

" Ayyyyyy! Duda ka ba sa kakayahan namin ni frend?! Oy oy oy nakikita mo itong sugat sa dyita ketch?! Bala ng gunlalu ang may gawa nito noh!"

" Tama na iyan Andrew! Mga kaibigan ko sila!" Sigaw ni Mayo kaya tumigil na rin ito. " Ate Almira, Theo sila pa si Andrew, Lou at Ador mga kababata namin ni Fukuya  at siya naman si manoy Alejandro panganay kong kapatid."

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon