Kabanata - 8

690 31 78
                                    

Agad nakapag-pabook ng eroplano si Tricia sa utos ni Lolo Mayo. Nagmamaktol man ang dalaga ay wala siyang magawa.

" Kung bakit naman kasi sa Bicol na naman gusto mo pumunta Lolo! Eh kagagaling lang natin doon!"

" Apo....Ang Tito Yoshi ang may gusto nito hindi ako. May batas ba na nagbabawal na sumama ang mga gurang?"

" Eh kasi naman huwag na dun sa hometown nyo! Wala naman na tayong natitirang kamag-anak doon eh! Saka ang layo tapos gusto nyo pang makiusyuso doon sa balita sa tv!"

Sa narinig ay sumali na si Yoshi sa usapan.

" Wala naman masama kung kami ay punta doon Lolo. Pasyal lang naman tayo doon lugar. Kung ayaw ikaw sama ako pasama iba pinsan mo."

" Hindi sa ganun Tito. Pero bakit ngayon pa eh naghuhukay sa bundok na yun eh kung madisgrasya tayo doon. Wala tayong mapapala dun!"

Biglang hinampas ni Lolo Mayo ang sandalan ng kanyang kamay sa wheelchair at mataas ang boses na pinagsabihan ang apo.

" ALALAHANIN MONG GALING AKO DUN! ANG MGA NINUNO KO NA NINUNO MO AY MULA SA LUGAR NA IYON! OO NAPAKAHABA NG PANAHON NA AKOY LUMISAN SA LUGAR NA IYON! PERO HINDI NAWALA SA PUSO AT ISIPAN KO ANG LUGAR NA IYON DAHIL SA MGA MASASAYANG ALAALA KO DUN AT KAHIT PA MGA MASASAKIT AT MALULUNGKOT NA ALAALA!"

Napahawak sa dibdib ang matanda at tila may butil na luha sa mga mata nito na tumitig sa dalaga na hindi na rin nakakibo at napagtanto ang mga nasabing hindi maganda na ikinagalit ng Lolo niya.

" Sorry lo....."

" Tandaan mo apo ang kasabihang noon pa man.....ANG HINDI LUMINGON SA PINANGGALINGAN AY HINDI MAKAKARATING SA PAROROONAN! Huwag mong kalimutan kung saan ka nanggaling apo. Wala ka ngayon, Kung wala sila sa nakaraan."

" Sorry na po....sige na ok na sakin. Pero Lolo sana 3 days lang tayo. Wala yatang hotel sa place kaya resorts malapit sa dagat ako magpapabook"

" Gusto ko iyan Tricia! Mag diving tayo doon!"

" Ano pa nga bang magagawa ko Tito eh yan naman talaga ang trip ninyo!"

" May reklamo pa ba apo?!" Si Lolo Mayo.

" Wala po lo, sige na diyan na po muna kayo at aayusin ko pa ang homecoming nyo!" Sabay talikod ni Tricia at nagsalitang hindi kalakasan. " Kung bakit naman kasi may kasabihang pang nalalaman...Ang Hindi LUMINGON SA PINANGGALINGAN AY....." Sabay salita ni Lolo Mayo kaya natigil sa kanyang sasabihin si Tricia.

" MAY STIFF NECK! ano apo! Akala mo Hindi ko kabisado ang sasabihin mo!"

Nangingiting nagpatuloy na lang sa paglalakad palabas ng silid si Tricia na pasipol-sipol. Maging si Yoshi ay naiiling na natawa na lamang sabay sa paghila ng wheelchair ng matanda.
.
.
.
.
.
Lumipas ang dalawang araw at nakabalik na ang pamilya ni Almira sa Bicol. Kasama si Theo at Kiro na bakas ang kasabikang makitang muli ang kabikolan.

" Frend....naalala ko yung una nating dating dito noon. Iyon ang panahong nagtime-travel tayo at virgin pa ako, at ikaw ay ewan ko lang. My gossshhh akala ko noon talaga matetegi na tayo doon!" Bulong ni Theo na nakaangkla ang mga bisig sa kaibigan. Karga naman ni Julius si Maru at Hawak ni Kiro si Mira sa kamay na naglalakad patungo sa arrival area.

" Sa pagkakaalam ko bakla ay super mega Virgin Mary pa ako ng time na yun. Malamang ikaw butas ng ilong mo na lang ang sinasabi mong virgin!"

" Kapal netoh! Hindi porke beks ako basta ko na lang sinurender ang p*d*y ko!"

" Wala ka nun bakla! Ako meron....see dalawa na ang dyunakis ko!"

" Ganern?!! Hindi ako nakikipagkumpitensya sayo ng paramihan ng anak noh! Tignan lang natin malamang next yr dyuntis ka na naman! Kindatan ka lang ni Julius tumitihaya ka na! Mark my words frend ilang yrs lang yang boobs mo lalagpas na yan sa pusod mo!"

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon