Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng readers na patuloy na sumusubaybay sa story ng mag bff na Almira at Theo. Ito na po ang huling chapter.
Joke hehehe. Huling chapter kung saan kasama ni Almira at Theo ang mga naunang karakter sa IAPAT. Sa pagpapatuloy po ng story na ito ay may mga bagong karakter na makakasama sila. Anuman po ang mga maaring maganap sa mga susunod na chapter ay abangan po. Pag-iisipan ko din po kung may ibabalik akong karakter na kung sakali man ay may kaugnayan sa kanila or mahalaga sa story.
------------------------------------------------------Almira's POV
Matapos kong lagyan ng gamot para hindi maimpeksyon ang natamong sugat ni Theo sa may hita bunga ng tama baril ay binendahan ko na ito para maampat ang pagdurugo. Sa awa ng diyos ito ay daplis lamang. Kasalukuyang kaming naglalakad sa gitna ng pilapil kung saan nakasama naming muli ang isang binatilyong sakristan patungo kami sa simbahan ng San Vicente Ferrer ng Barcelona.
Bumuhos ang ulan at kasabay noon ang pagpatak ng aking mga luha gayon din si Theo na patuloy na humihikbi habang inaalalayan namin. Alam ko na hindi ang sugat ang masakit sa kanya kundi ang kanyang damdamin dahil sa pangalawang pagkakataon ay nasaksihan naming muli ang tinaguriang battle of Barcelona ng world war 2. Bagamat hindi na namin masyadong inalala pa ni Theo mga kaganapang aming nagawa noon ay hindi na namin iyon naisip. Sa gitna ng digmaan ang tanging nasa isip namin ay makaligtas at makatulong sa mga taong mahalaga sa amin. Ngunit sa pagkakataong ito ay wala kaming magawa. Wala sa aming mga kamay ang karapatang baguhin ang nakaraan o naganap na.
Authors note: Ang susunod na kaganapan ay siyang naganap sa unang IAPAT para sa kaunawaan ng mga bago at dating readers. Salamat!Flashback scene po ito at POV ni Almira.
Flashback
Iika-ikang tumayo si Sanzumaru na dumungaw mula sa taas. Muling pinaputukan ang tila wala ng buhay na katawan ni Satoshi.
Ang baul na puno ng kayamanan ay muling ipinasok ni Sanzumaru sa loob ng silid. Binuhusan ito ng gaas na nasa lampara at sinunog. Tuluyang nag apoy na ang buong munisipyo. Ika-ikang bumaba si Sanzumaru na wala ng nagawa kundi ang lumaban sa barilan sa kapwa hapones. Patuloy na nakipagbarilan pa rin ang mga gerilya. Makikita na rin ang mga ilang patay na nagkalat sa panig ng mga gerilya at hapones.
Kinabahan si Sanzumaru...agad niyang hinanap si Almira at Theo pati ang iba niyang kasamahan. Agad niyang nakita ang mga ito na nakakubli kasama si Maria na patuloy na nakikipagbarilan. Nang tumakbo sa kinukublihan ang tatlo ay tumayo na din ito....ngunit nakita niyang nakatayo na sa gilid ng barikada ang duguang si Satoshi at itinutok ang baril na hawak nito sa nahuhuling si Almira na tumakbo. Mabilis na tumakbo si Sanzumaru na tila lahat ng kanyang lakas ay ginamit na niya. Sunod-sunod na putok at nakitang iniharang ni Sanzumaru ang kanyang katawan sa dalaga. Agad namang tumilapon na si Satoshi sa mga tama sa katawan nito at dahil na rin sa pagsabog malapit sa kanya kaya hindi na maaring mabuhay ito.
Tumumbang patalikod si Sanzumaru.
Napalingon si Almira....doon ay nakita niyang nakahandusay ang isang katawan na hindi niya inasahang magliligtas sa kanya. Isang malakas na sigaw mula sa dalaga dahilan para mapalingon din si Maria at Theo.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time ( THE UNTOLD )
Historical FictionMay mga pangyayari sa nakaraan na sa kasalukuyan ay nanatiling lihim. Paano na lang kung ang lihim na iyon sa nakaraan na iyong matutuklasan ay may kinalaman sa iyong pagkatao. Makakaya mo bang tanggapin ang natuklasang lihim sa iyong pagkatao na si...