Kabanata - 46

533 34 15
                                    

Tahimik na lumuha si Lourdes dahil sa galit. Ang alaala ng kanyang kapatid na bunso ay labis na sumusugat sa kanyang damdamin. Ang mga kasamaang nagawa ng mga hapones na sundalo ay nagpapaningas ng apoy sa galit sa kanyang dibdib.

Matapos ang naging pag-uusap sa kubol ay minabuti ni Theo na lumabas. Gusto niyang huminga dahil tila nagsikip ang kanyang dibdib sa mga nalaman. Maging si Almira ay sumunod sa kanya. Batid nilang ang mga pangyayari sa kuwento ni Lourdes ay kanila na mismong naranasan noong sila ay nasa  Barcelona. Napatigil sa paghakbang si Theo ng mahagip ng kanyang tingin ang malapad na likod ni Andrew na nanatiling nakaupo sa isang putol na troso. Humakbang siya ng dahan-dahan  na hindi napansin ng tatlo pang lalaki nilang kasama. Pasimple itong gumilid at pinagmasdan niya ang mukha ni Andrew na nakatagilid. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya ng awa dahil  nakatingin nga sa mga kabataan si Andrew ngunit paraang nakatingin ito sa kawalan. Lungkot....iyon ang nabasa niya sa mukha nito. Hahakbang pa sanang muli si Theo ngunit napalingon na sa gawi niya ang binata na agad nagbago ang ekspresyon ng mukha na tila may inis ng makita siya.

" Hi!" Sabay peace sign ni Theo. Napailing na lang si Andrew.

" Tsk!!"

" Uyyyy....puwedeng lumapit?!"

" Anong kailangan mo?!

" Umm....gusto ko sanang humingi ng sorry sa nasabi ko kanina at sa asal ko." Ngunit hindi lumingon ito at di kumibo.

" Uyyyy? Ano ba??? Sorry na nga!" " Hayyy naku imbyerna! Nakakainis ang guapo nga suplado naman!" Bulong ni Theo sa sarili. Dahil hindi kumikibo si Andrew ay mabilis na lumapit si Theo sa mismong harap ng binata.

" Anak ng! Ano bang problema mo?! Dun ka ngang binabae ka!"

" Bakeet may batas ba na bawal pumunta dito?!"

" Ano bang kailangan mo sa akin ha?!"

" Nagso-sorry nga po ako noh!"

Ngunit hindi kumibo ito. Dahil Doon ay biglang umupo si Theo sa inuupuan niya. Nabigla Ang binata at agad umusog.

" Ayyy social distancing?! My God ang OA two meters!" Sabay tawa ni Theo.

" Anong itinatawa mo diyan?!"

" Wala! Natutuwa lang ako sa mga kabataang iyan. Kahit may gyera may oras pa rin silang magsaya sa anumang paraan."

" Hindi porket nasa gyera hindi na puwedeng magsaya?!"

" Sus! Ako pang sinabihan mo ng ganyan! Hoy Andrew, likas sa akin na masiyahin noh! Beki na nga ako lungkot-lungkutan pa!"

" Beki?!"

" Haissttt binabae ibig kong sabihin!"

" Akala ko Becky ang tunay mong pangalan!"

Napabuga ng hangin si Theo at napahalakhak.

" Joke Yun?!

" Wala akong panahong magbiro!" Sagot ni Andrew.

Lingid sa dalawa ay pinagmamasdan pala sila ng mga kasamahan nila sa likod.

" Alam mo kasi Andrew, kailangan natin sa ating buhay na maging masaya minsan. Hindi nakakasama ang biruan basta may limitasyon. Ikaw na ngang nagsabi na porke ba nasa gyera hindi na dapat maging masaya. Andrew there's a lot of ways to be happy. Life is too short para maging serious mode lagi, relax ka lang. Yang mga dyupanes na sundalo na yan nakoowwww matatalo din natin sila nohhh! Mark my word, susuko din sila!"

" Talaga?!"

" Oo!"

" Pero kelan?!"

" Basta darating ang panahong iyon! Huwag mong hayaang daigin ka ng emosyon mo at galit dahil maaring iyan ang makasama sayo! Tulad ngayon, nandito ka sa kuta dapat cool ka lang bro parang ang nature dito napaka-cool, nakaka-relax! Hindi ka dapat laging galit, masungit at suplado! Nakakapangit yun nohhh!"

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon