" Iyon na nga eh! Kaya kailangan nating muling isipin at balikan mga kaganapan noon na siyang nangyari at baka magulo ng tuluyan ang hinaharap na mundo ng dahil sa atin!"
" Magulo ng tuluyan ang hinaharap na mundo?ano Yun?"
Isang tinig sa likod ng dalawa ang nagpatahimik sa kanila at saka dahan-dahan silang humarap dito. Agad umeksena kunwari si Theo sa taong sumali sa usapan nila. Nakapamewang itong lumapit at itinapat pa sa mukha nito ang gaserang hawak niya.
" At sino ka namang anino na bigla na lang susulpot at sasali sa usapan ng may usapan?!"
" Theodorro di ba pangalan mo kuya? Hindi po ako anino, oo may kaitiman ang balat ko pero ito ang pinakamagandang lalaki sa bayan namin kuya! Ako nga po pala si Mayo."
" Mayo???" Agad na usisa ni Theo sa nagpakilalang Mayo." As in Mayo, Hunyo, Hulyo,Agusto, Septyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre lubi-lubiiii! Nakakalokang nemsung!" Sabay halakhak ni Theo kaya hinila ni Almira paatras ito sa buhok.
" Kung makapanlait ka wagas! Ikaw nga Theodorro!" Agad na Sabi ni Almira.
" Oo nga po ate parang katunog inidoro!" Sa sinabi ni Mayo ay napatawa si Almira.
" Tseeee! Mga letse kayo! Hoy ikaw anino sa dilim hindi mo ako kuya!"
" Akala ko po kasi mas matatanda kayo sa akin kaya kuya at ate tawag ko sainyo, magbebente dos pa lamang po ako."
" Sige na Mayo, Kuya at Ate tawag mo sa amin. Ang galang mo naman huwag mo na kaming popoin."
" Ah sige Almira. Nandyan ba si Ginoong Sanzumaru?" Sabay turo nito sa Kubol.
" Ah oo, tulog na siya."
" Ganun ba, sige bukas na lamang ko siya kakausapin. Habang naglalakbay tayo patungong kuta ng mga gerilya."
" Isa ka rin bang gerilya Mayo?"
" Oo Almira, napilitan akong umanib kasama ang aking tiyuhin sa Albay dahil sa kalupitan ng mga hapones sa bayan namin doon."
" Taga Albay ka pala! Anlayo po bakit ka nakarating dito sa lugar na ito ha anino Este Mayo!" Usisa na ni Theo dito.
" Mahabang kuwento Theo."
" Puwes ikuwento mo!"
" Hindi ba puwedeng sa mga susunod na araw na lamang. Gabing-gabi na saka maaga tayong maglalakbay bukas."
" Etsosero ka!"
" Ha?"
" Wala sabi ko, sige na matulog ka na."
Kakamot-kamot sa ulong naglakad si Mayo patungo sa isang papag sa di kalayuan. Doon ay tumabi ito sa iba pang kasamahan nito. Ngumiti at kumaway pa ito sa dalawa. Nanatiling nakamasid naman ang dalawa sa paligid. Muli ay isang damdaming kanila ng naramdaman noon ang nanumbalik sa kanila. Napabuntonghininga na may kalungkutan si Theo habang pinagmamasdan ang kinaroroonan ni Mayo. Marahil nilalamok ang mga ito sa pagtulog. Ang iba naman ay tahimik lamang sa ibang panig ng kuwebang kinaroroonan nila sa pangalawang pagkakataong.
Naramdaman ni Almira ang kung anumang niloloob ni Theo. Batid niya na apektado ito at nakaramdam ng lungkot muli sa tanawing kanilang nasisilayan. Nilapitan at tinapik-tapik niya ito sa likod.
" Lika na, magpahinga na rin tayo."
Bitbit ang gasera ay sumunod na ang biglang nanahimik na si Theo kay Almira.
Sa loob ay pansamantalang namagitan ang katahimikan. Hanggang sa pumatak ang luha ni Theo na agad nitong pinahid.
" Ano ba yan baks! Walang dramahan! Ayoko!"
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time ( THE UNTOLD )
Historical FictionMay mga pangyayari sa nakaraan na sa kasalukuyan ay nanatiling lihim. Paano na lang kung ang lihim na iyon sa nakaraan na iyong matutuklasan ay may kinalaman sa iyong pagkatao. Makakaya mo bang tanggapin ang natuklasang lihim sa iyong pagkatao na si...