Sa lahat po na nagbabasa ng story na ito maraming salamat. Higit sa lahat sa mga readers na hindi nakakalimot magpasalamat sa bawat update na aking ibinibigay. Masaya ako na hindi kayo nakakalimot at patuloy ninyong sinasamahan ako sa bawat kabanata ng adventure ng mag bff na Almira at Theo. Marami pa pong magaganap abangan ninyo dear readers.
------------------------------------------------------" Sinong mag-aakalang naganap na ang eksenang ito sa atin. Ikaw ba pamilyar pa sayo nangyari noon mula sa mga oras na ito?"
" Of course my frend! Kahit kailan hindi ko iyon makakalimutan! At sa mga oras na ito.....frendddd....kinakabahan talaga ako, iba yung kaba ko ngayon, natatakot ako at baka maiba ang mga mangyayari sa pagkakataong ito."
Tama si Theo, kaba at takot ay hindi mawawala sa amin dahil ang mga magaganap ay siya ring kaganapan sa muli naming pagbalik sa future noon. Ngunit paano ngayon? Ganun din kaya ang mangyayari.
" Ay frend nagsuot ka din pala ng bracelet." Si Theo na napansing may bracelet din ako sa wrist.
" Hindi mo napansin kagabi, isinuot niya sa akin."
" Hmmmm! Ikaw ha!"
" Pero alam mo, ngayon ko lang narealize na may bracelet akong suot noon at ito nga iyon. Pero alam mo bang nung nakabalik tayo sa future ay wala akong suot sukdulang nakalimutan ko na at nawala sa isip ko. Ngayon nga ay ipinaalala sa akin sa pagkakataong ito."
" Hala! Baka hindi mo namalayang noon ay napigtal o nahulog sa kamay mo."
" Ewan ko. Hindi naman siguro ito ang susi natin sa pagbabalik natin sa future mamaya-maya lang." Napangiti pa ako sa sinabi ko kay Theo. Ngunit biglang may tinig sa likod namin at alam ko na si Julian iyon.
" Ano kamo, pagbabalik nyo sa future???"
Nabigla kami ni Theo sa tinig ni Julian kaya dahan-dahan kaming lumingon. Ngunit mabilis na lumapit sa kanya ang kaibigan ko.
" Ayyy ikaw pala yan papa Juls!"
" Anong sinabi mo kanina Almira pagbabalik sa future? Anong ibig mong ipakahulugan niyon?"
" Ha? Ah eh kasi Julian pinag-uusapan kasi namin ni Theo itong lugar. Ang ganda kasi at kung sakali mang matapos na ang giyera gusto naming bumalik dito sa future."
" Oo papa Juls! Gusto naming bumili ng lupa malapit sa dagat kung sakali."
Ngunit hindi kumibo si Julian. Nakakakaba ang tingin nito lalo na at nagpalipat-lipat sa aming dalawa ni Theo na para bang nagsasabing...may itinatago itong dalawang ito sa akin...agad akong umiwas ng tingin na siya namang paglapit sa amin ng nagngangalang Mang Ignacio. Sinabi nito kay Julian na dadalhin na ang mga bangka sa dagat.
" Nakakaloka! Muntikan na naman tayo dun frend!"
Hindi na ako kumibo, pinagmasdan ko si Mang Ignacio na may hawak na tambuli. Iyon ang gagamitin niya para tawagin ang pansin ng mga kasamahan niyang may mga bangka. Muli ay tila namangha kami ni Theo sa eksena na parang sa movie. Mula sa kasukalan o tagong bahagi ng dalampasigan ay nagsilabasan ang maraming kalalakihan. Hinihila ng mga ito ng mabilisan ang mga bangka. May mga malalaki at may mga katamtamang laki lamang. Lahat ay may vintas na siyang gagamitin sa paglalayag gamit din ang mga sagwan.
Maaga pa para sa takdang paglalakbay namin sa dagat. Kaya nagpasyang ang lahat na kumain kahit kaunti ang karamihan para may lakas. Maging kami ni Theo ay kumain na rin kasabay si Sanzumaru, Mayo, Maria at Delfin.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time ( THE UNTOLD )
Historical FictionMay mga pangyayari sa nakaraan na sa kasalukuyan ay nanatiling lihim. Paano na lang kung ang lihim na iyon sa nakaraan na iyong matutuklasan ay may kinalaman sa iyong pagkatao. Makakaya mo bang tanggapin ang natuklasang lihim sa iyong pagkatao na si...