Mula sa kalayuan ay makikita ang pag-alimpuyo ng alikabok sa daan. Tanda na may paparating na maraming sasakyan na aming unti-unti ng nasisilayan. Napahawak sa aking bisig si Cecilia na nasa likod ko. Samantalang humakbang sa may harapan ko si Fukuya na tinatanaw ang mga paparating na sasakyan. Nakaramdam agad ako ng pagkabahala noon sa dahilang nasa gitna kami ng kalsada. May mga sumigaw na tao sa paligid na tumabi na kami. Pero pinigilan ako ni Fukuya na hindi natitinag sa kanyang kinatatayuan.
" Manoy umalis na tayo dito baka kung anong gawin nila sa atin!"
Nangangambang hinila ako ng aking kapatid. Ngunit hindi na ako nakagalaw sa pagkabigla. Maging si Fukuya ay nabigla at napaatras ng bahagya at itinakip ang sarili sa aming magkapatid. Hindi ko sukat akalain na may mga sundalong hapones na nakatayo sa maliit na military jeepney at nakaumang sa amin ang mga baril nila.
May mga nakabisikleta din na mga hapones, may parang trysikel, at higit sa lahat mga trak ng puno ng mga sundalong hapones.
" SOKO KARA DE NASAI! MAYU!
( Umalis kayo diyan! Alis!"Sigaw ng mga hapones habang papalapit sa amin at di na namin nagawang makahakbang sa takot.
Huminto ang mga sasakyan na nananatiling nakatutok sa amin ang mga baril ng mga nasa harapan.
Ngunit isang malakas na boses ang kumuha ng atensyon ng mga sundalong hapones.
" JŪ O SAGERO! ( Ibaba ang mga baril!)"
Agad tumalima ang mga ito at bumaba sa kanilang mga sasakyan at matikas na tumayo sa kalsada.
Sa isang military Jeep bumaba ang isang matikas na lalaki na hindi maitatangging isang opisyal ng batalyon na iyon. Humakbang ito patungo sa harap ng mga sundalong nag-umang ng baril sa amin at pinagmasdan kaming saglit na tatlo. Tinignan nito ang traktor na aming sinakyan na nakahimpil sa gitna ng kalsada. Agad nagpaliwanag si Fukuya sa sarili nilang lenguwahe sa hapones na nasa harap na niya. Yumuko si Fukuya na halos kalahati na ng kanyang katawan. Alam ko tanda iyon ng respeto sa kanila. Sa di inaasahan ay napasunod kami ng aking kapatid sa pagyukod. Nangangamba man at nanginginig ay....
" Paumanhin po, paumanhin." Tanging nawika ko ngunit hindi ito nagsalita. Nanatili akong nakayukong at hindi ko alam kung, seryoso, galit, o nakangiti ang mukha ng opisyal.
Kinalabit ako ni Fukuya na umayos na sa pagkaka-tayo pati ang aking kapatid. Hindi kasi namin maintindihan sinasabi nito. Doon ko mas nasilayan ang mukha ng opisyal na hapones. Hindi ganong maputi at tila may pagka- Pilipino ang mukha nito. Kinakausap na nito agad si Fukuya.
" Ikaw isa Japanese?" May bahagyang ngiti nitong tanong sa kaibigan ko na tila nabigla din sa pagsasalita nito ng tagalog.
" Ha?! Marunong kayo mag-tagalog?!"
Agad kong naitanong . Kaya nabaling sakin muli ang tingin nito. Ngumiti ito at doon ko napagtanto na kakaiba ang ngiting meron siya. Hindi siya tulad ng iniisip ng karamihan na nakakatakot na hapones lalo pa ito ay isang sundalo. Ngiting palakaibigan iyon ang nakita ko sa opisyal na iyon.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time ( THE UNTOLD )
Historical FictionMay mga pangyayari sa nakaraan na sa kasalukuyan ay nanatiling lihim. Paano na lang kung ang lihim na iyon sa nakaraan na iyong matutuklasan ay may kinalaman sa iyong pagkatao. Makakaya mo bang tanggapin ang natuklasang lihim sa iyong pagkatao na si...