" What?! Ibinaon nyo sa lupa ang mga iyon Lolo?! Hindi ba sila nasisiraan ng bait?!"
" Iyon din agad naisip ko noon apo. Pero iyon ang nararapat sa mga panahong iyon na walang kasiguruhan ang lahat."
" Iyon kasi Tricia ang ginagawa ng mga tao noong world war 2. Paraan para hindi manakaw, mawala mga ari-arian nila. Lalo pa at may dapat talagang pag-ingatan at itago ang pamilya ni Lolo."
" Tama si Yoshi. Sa oras o araw na sa palagay namin ay hindi dadadaan ang mga nagpapatrulyang mga hapones ay ipinagpatuloy namin ang paghuhukay sa ibat-ibang bahagi ng bakuran namin. Kagamitan, Alahas, pera mga importanteng dokumento ay siniselyuhan naming mabuti para hindi masira kung tumagal man ito sa pagkakabaon."
" Buti walang nakaalam sa ginagawa ninyong iyon Lolo!"
" Magkakalayo naman ang kabahayan noon at malalawak ang bakuran. Sa aking palagay ginawa din iyon ng ilan naming kapitbahay."
" Nakakakaba siguro ng time na yun lo, kung nakita siguro kayo nung mga hapones lalo na yung Hideoki ba yun at si Karlotta malamang kasama kayong ibinaon nun sa hinuhukay ninyo!"
" Hampasin na kaya kita nitong tungkod ko! Yung ipinapakuha ko sayo kunin mo na at igawa mo ako ng tsaa! Batang ito daming Alam!"
" Hmp! Oo na po susunod na!"
Ilang saglit lamang ay dala na no Tricia ang isang tasang ginger tea at ang wooden box na ipinakuha ni Lolo Mayo. Sapat na init para makahigop ito at muling binalikan ang kanyang pagsasalaysay sa mga apo.
" Ito ang unang pagkakataon na ipapakita ko sa inyo ang mga larawan ng aking pamilya na matagal ko ng naitago."
Sa mga larawan ay makikitang bagong kasal ang ama at ina ni Mayo. Mayroon din ng binyagan silang magkakapatid at mga larawang sila ay lumalaki na. Higit sa lahat larawan ng buong pamilya kung saan kasama ang pamilya ng kanyang kuya Alejandro at pamilya nito.
" Hindi yata uso noon ang ngumiti Lolo ah! Ang seryoso ninyong lahat sa picture! Teka kasama ito sa ibinaon nyo sa lupa? May mga damages na kasi malamang sa moisture."
" Ganyan noong panahon. Tignan mo si Mamay naka barot saya pa at si Papay ay naka amerkana. Itong iba kasama doon sa baul na ibinaon namin ng aking ama at kapatid. Itong iba nanatili say aking pagiingat kahit nasa gitna kami ng giyera."
" May date pa sa gilid, May 14, 1940. Grabe 81 yrs na halos ito. Wait?! Bday mo ito Lolo eh, May 14!"
" Tama apo. Kaarawan at kapiyestahan ng aming baryo ang San Isidro. Kuha ito sa bayan matapos kaming magsimbang buong pamilya at nagpakuha sa kodakan sa bayan na pag-aari din ng pamilya ni Andrew."
" Ang guwapo ng kuya mo Lolo parang ang papa mo. Si Felicia at Cecilia magkaiba ang mukha pero kapag titignan mong mabuti nahahawig sila sa mama nyo. Pero teka ikaw parang ang layo mo sa kanila. Itong bestie mong hapon cute siya in fairness!"
" Aba'y! Natural apo ako yata pinaka kaaya-ayang itsura sa pamilya kaya malayo talaga!"
" Oo na! Ikaw na! Hmp!"
Napangiti na lang si Lolo Mayo at Yoshi dahil batid nilang ganun si Tricia, mapang-alaska pero sa huli kapag ito pa rin ang napipikon. Hanggang isang larawan ang kinuha ni Yoshi na nakaagaw sa kanya ng pansin maging kay Tricia.
" Lo.....di ba ito si General Sanzumaru? Ito ay ikaw at ang kapatid mong kambal? Ito Yung Fukuya?"
Isa itong larawan na maliit lamang. Nasa gitna ang heneral at nasa magkabilaang gilid nito si Fukuya, ang magkakapatid na Mayo, Cecilia at Felicia. Hinawakan ito ni Lolo Mayo at pinagmasdan muli.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time ( THE UNTOLD )
Historical FictionMay mga pangyayari sa nakaraan na sa kasalukuyan ay nanatiling lihim. Paano na lang kung ang lihim na iyon sa nakaraan na iyong matutuklasan ay may kinalaman sa iyong pagkatao. Makakaya mo bang tanggapin ang natuklasang lihim sa iyong pagkatao na si...