Ibinalik sa amin ni Kuya Alejandro ang penlight at ipinakilala na rin kami ni Mayo sa kanyang ama, ina at kapatid na si Cecilia na kakambal ni Felicia.
Hindi na rin mapigil ang pag-iyak ni Cecilia sa nakitang kalagayan ng kapatid. Alam ko siya man ay alam na ang sinapit ng kapatid. Nilapitan ko si Cecilia at hinawakan ang malaki na niyang tiyan.
" Kabuwanan mo na yata? Hindi ka ba nahihirapan dito sa bundok?.
" Hindi naman ate, nasanay na rin ako."
" Gerilya din ba ang asawa mo?"
Ngunit hindi sumagot si Cecilia. Yumuko lamang ito na siya namang paglapit sa amin ni Fukuya.
" Ako ang kanyang asawa."
" Ikaw?! My GHADDD akala ko single ka! Diosmiooo!" Agad na react ni Theo na napatampal pa sa noo niya.
" Hindi ka naman nagtanong Theodorro di ba?!" Nangingiting tugon ni Fukuya.
" Tseee! Huwag mo akong ngitian ng ganyan at baka halikan kita diyan! Hindi ko akalain ah! At magiging ama ka na pala! Hmp!"
" Umayos ka bakla! Kung makaarte ka! Andyan ang misis niya!" Agad kong saway kay Theo. Nangingiting napapayuko na lamang si Cecilia.
" Sus! Biro lang naman yun eh. Frend pahinga na tayo sobrang pagod na ako."
" Sasamahan na namin kayo ni Cecilia." Ani ni Fukuya. " May kagagawa lang na kubol sa tabi ng kubol namin. Katabi lang din ng kubo kung saan doon naman ang pamilya ni Mayo."
" Saan ba yun, malapit Lang?" Agad na tanong ko. Bihira kasi ang nakikita kong kubol o dampa at kubo sa kinalalagyan namin.
" Doon pa ate Almira sa bahaging iyon ng bundok. Maglalakad pa tayo."
" My GHADDD! Maglalakad na naman!" Agad na reklamo ni Theo.
Walang nagawa si Theo kundi ang sumunod na lang kami kay Fukuya. Si Cecilia ay muling lumapit sa pamilya niya na naglalakad din patungo sa bahagi ng bundok na natatanaw na naming may mga kubol at kubo na nakatayo.
" Fukuya mga ilan kayong katao na nakatira sa lugar na ito."
" Sa tantiya ko ate mga lagpas dalawang-daan ang mga bata at kabataan naman ay mga dalawampu. Yung iba kasing pamilya ng mga narito ay nasa bayan pa rin. Yung iba matatanda na at hindi na kayang maglakbay patungo dito kaya nanatili sila doon kahit hindi nila gusto. Yung iba nagsisilbing espiya namin sa mga ginagawang masama ng mga hapones."
" Hapones ka di ba. Pero bakit mas pinili mong pumanig sa mga Pilipino?"
" Dito na ako sa Pilipinas nagbinata, hindi kaaway ang turing ko sa mga Pilipino. Wala ako sa usaping kung anong lahi ka. Ang sa akin ay kung anong mabuti at makakabuti. Hindi ako pumapanig sa masamang gawain at hindi makatao."
" Ay bongga ng Q.A nyong dalawa! Puro kayo usap diyan! Ano ba Fuku nasaan ng kubol na yan haisssstttt! Gusto ko ng humilata noh!"
" Hayan na kuya malapit na tayo!"
Isang bagong gawang kubol nga ang nakita namin sa di kalayuan. Pero makikita ang ilan panh kubol,dampa, kubo na mas malaki sa sinasabi ni Fukuya na tutuluyan namin.
" Dito naninirahan ang mga tao ate sa ilalim ng mga punong naglalakihan. Mainam dito kasi tanaw mo ang ibaba patungo doon sa lagusan ng kuweba."
Ngunit habang papalapit kami sa kubo daw ng pamilya ni Mayo ay doon na muna kami pinatuloy ni Mayo. Sa harap ng kubo nila ay may malaking papag kung saan may nakahanda na palang pagkain. Ng tignan ko ito ay mga nilagang saging,kamote, kaunting kanin, talbos ng kamote at ilang pirasong isda.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time ( THE UNTOLD )
Historical FictionMay mga pangyayari sa nakaraan na sa kasalukuyan ay nanatiling lihim. Paano na lang kung ang lihim na iyon sa nakaraan na iyong matutuklasan ay may kinalaman sa iyong pagkatao. Makakaya mo bang tanggapin ang natuklasang lihim sa iyong pagkatao na si...