Sa huling araw ng taon ay samahan natin ang magkaibigang Almira at Theo sa kanilang huling gabi sa Barcelona. Ating damayan sila sa kanilang lungkot at panlulumo ng hindi mangyari ang kanilang inaasam na makabalik sa kanilang panahon.
Ano nga ba ang dahilan ng tadhana kung bakit sila dinalang muli sa nakaraan at kung bakit nanatili pa rin sila sa nakaraan.
Happy New Year!:)
------------------------------------------------------
Isang anino sa di kalayuan ang nakita ni Almira at Theo na papalapit sa kanila. Isa itong lalaki na agad itinayo si Mayo na may tama sa balikat.Nanlaki ang mata ni Theo at Almira ng mapagsino ang lalaking tumulong kay Mayo na kahit madilim ay kanilang napagsino ito. Sabay pang nabanggit nila ang pangalan ng naturang lalaki.
" Ki....KIRO?!"
Ngunit hindi pinansin ng naturang lalaki ang dalawa. Agad nitong pinasan si Felicia at mabilis na tinungo ang isang malaking bangka na nasa dalampasigan.
" MAYO BILIS! KAILANGAN NA NATING MAKAALIS DITO!!"
" Sandali may tama siya ng baril!" Sigaw ni Almira.
Hindi naman maalis ni Theo ang tingin nito sa lalaki.
" Kiro....ikaw ba yan?" Naluluhang sabi nito." Paanong napunta ka dito?"
Tinanggal naman ni Almira Ang manggas ng damit ni Mayo. Tsinek ang naturang tama ng baril. Ngunit ito ay daplis lamang kaya binendahan na lamang niya ito.
" Ate....Fukuya ang pangalan niya." Saad ng nangingiwing si Mayo.
" Tama si Mayo ginoo, Fukuya ang pangalan ko! Sinong mga ito Mayo?!"
" Mga bago ko silang kaibigan. Tulad natin mga gerilya din!"
" Kung gayon, kailangan na nating magmadaling makaalis dito! Palapit na ang mga putukan!"
" Tama si Fukuya mga ate! Delikado na tayo dito!"
" Mga ate?!" Takang tanong ni Fukuya at nakatingin kay Theo na bakas sa mukha ang iniindang sakit sa hita.
Hanggang sa biglang may pagsabog at putukan. Isang tumatakbong gerilya ngunit duguan ang nakita nila at sumisigaw.
" LUMAYO NA KAYO DITO! PAPALAPIT ANG MARAMING HAPONES BILISAN NINYO!!!"
Isang iglap ay mabilis na kinarga ni Fukuya si Theo at tumakbo na sa bangka. Sumunod na ring tumakbo si Almira at inaalalayan si Mayo. Nagkubli naman sa isang puno ng niyog ang naturang gerilya.
Ngunit nagsisigaw si Theo at nagpupumiglas.
" Wait!!! Hindi kami sasama! Kailangan naming makabalik sa amin! Hindi kami tagarito iwan nyo na lang kami dito!"
Isang malakas na pagsabog at mabilis ng nagsagwan si Fukuya at dalawa pa nitong kasamahan sa bangka. Walang nagawa si Almira at Theo na nagkubli na lamang habang nakadapa sa bangka. Mabilis at sanay sa dagat si Fukuya pati ang mga kasama nito kaya mabilis silang unti-unting nakalayo. Mas lalong dumami ang pagsabog at putukan na kanilang naririnig kaya nanatiling nakadapa sa bangka ang umiiyak ng magkaibigan dahil sa takot. Nakalayo ng tuluyan ang bangka at maririnig pa rin ang mga palitan ng putok mula sa mga baril. Panaka-nakay may pagsabog. Madilim, may ambon sa laot, sa kabila niyon ay makikitang pinapanood na lamang ng naluluhang magkaibigan ang Barcelona. Kalungkutan, pangamba, takot ang kanilang nararamdaman. Pagtataka kung bakit hindi nangyari ang kaparehong pagkakataon sa nakaraan na sila ay makabalik na sa hinaharap.
Nagliliwanag na mapula mula sa apoy ang himpapawid sa Barcelona dulot ng mga sunog habang papalayo sila ng papalayo. Muling umupo sa sahig ng bangka at sumandig ang magkaibigan bakas ang matinding pagod. Duguan ang damit, marusing at nanginginig ng bahagya dahil sa pagkabasa sa ulan.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time ( THE UNTOLD )
Historical FictionMay mga pangyayari sa nakaraan na sa kasalukuyan ay nanatiling lihim. Paano na lang kung ang lihim na iyon sa nakaraan na iyong matutuklasan ay may kinalaman sa iyong pagkatao. Makakaya mo bang tanggapin ang natuklasang lihim sa iyong pagkatao na si...