Kabanata - 45

408 30 6
                                    

" Frend naman eh! Hindi ka ba nabo-bored dito. Para na din tayong naka-lockdown dito tulad noong 2020 dahil sa pandemic na syutang inang virus na iyon! Buti na lang malakas resistensiya ko at nagampanan ko ng buong puso ang pagiging frontliner sa Japan! Frend malapit na ang pasko sa panahong ito, gusto kong mamasyal noh!"

" Ganun ba?! Sige bababa tayo sa bayan kahit delikado!"

" Yes!"

" Pero in one condition!"

" My goodness! May nalalaman ka pang condition dyan! O sya ano ba yun?!"

" Gawin mong facemask yang panty mong pula pagdating sa bayan!"

" Tseee! Baka gusto mong ibalik ko ang mahigpit at permanent social distancing at hindi na Kita kakausapin frend noh!"

Pumagitna bigla si Mayo sa dalawa.

" Tama na! Ang iingay nyo! Naguguluhan na ako sa inyo hindi ko maunawaan pinag-aawayan nyo!"

Tumigil naman ang dalawa at nag-iismiran sa paglalakad habang nasa gitna nila si Mayo.
.
.
.
.
Habang naglalakad ay nadaanan nila si Ador palabas sa kubol nito dala ang kamera niya. Agad nitong tinawag si Mayo at ang magkaibigang Almira at Theo.

" Doon tayo sa bahaging iyon Mayo."

" Anong meron?!"

" Nagluto ng Tanghalian si Lourdes. Tinolang manok at doon tayo kumain pati kayong dalawa ate."

" Ayyy like ko yan native na manok na tinola!"

" Tama ate Theo!"

" Correction, ate ganda! Hmp!"

" Sinabi mo eh.." natatawang iling ni Ador.

" Vhaklang twoahhh!" Agad na sabi ni Almira kay Theo.

" Tseeeehhh!"

" Bakit dala mo yang kamera mo?" Tanong ni Mayo kay Ador.

" Matagal ko na din hindi ito nagagamit. Kukuhanan ko kayo ng larawan."

" Ayyy may pictorial tayo?!" Tanong ni Theo. " My God ang ganda ng camera mo Ador! Vintage collection na yan!"

" Bunganga mo bakla!!" Agad na sita ni Almira.

" Ibig kong sabihin nagkokolek ka ng camera Ador?!" Sabay pamewang at irap kay Almira nito.

" Ha? Hindi naman, bigay lang ito ng kamag-anak namin sa akin noong nag-aaral pa ako sa Maynila. Simula ng magka-giyera mabilis kaming nakauwi dito ng kapatid ko."

" Tama ng daldal!" Sita ni Mayo kay Theo. " Kumain na tayo doon kina Lourdes at gutom na ako."

" Oo na Lolo noh!" Isang siko sa tagiliran ang ibinigay agad ni Almira sa kaibigan.

" Frend! I hate you! Nakakarami ka na! bullying is a crime! Mapanakit ka talaga!" Mangiyak na saad ni Theo.

" Ganun ba?! Sige ipa-tulfo mo ako dito! Gooooo!"

Bago pa nakasagot si Theo ay sumigaw na sa di kalayuan si Lourdes.

" ATE GANDA! ATE ALMIRA KAIN TAYO!"

Agad tumakbo si Theo at inirapan si Almira. Agad kumunyapit sa braso ni Lourdes ito.

" O bakit?!"

" Ikaw ng bestie ko ngayon!"

" Bestie?!"

" Ikaw ng matalik kong kaibigan ngayon! Ayaw ko na sa matabang babaeng yan noh! Lagi akong binubugbog! Mapanakit ng kapwa!"

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon