Kabanata VII

2.4K 81 2
                                    

NAPALUNOK ng laway si Almira nang maghinang ang mga mata nila ni Gabriel. Tila may malakas na magneto sa pagitan nila at hindi nila magawang alisin ang pagkakatitig sa isa’t isa. Awtomatiko din ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya iyon napigilan. Maya maya ay ipinilig ni Gabriel ang ulo at umiwas ng tingin sa kaniya. Siya naman ay naiilang na iniba rin ang direksiyon ng mata. Inilagay niya iyon sa dagat.

“M-malamig dito. Pasok na tayo sa loob. Kailangan mong magpahinga, Gabriel.” Niyakap niya ang sarili.

Akmang tatalikod na siya para bumalik sa bahay nang hawakan siya ni Gabriel sa braso. “Sandali lang!” anito.

Napapitlag siya dahil tila may kung anong kuryente ang dumaloy sa buo niyang katawan nang dumaiti ang palad ni Gabriel sa kaniyang balata. “B-bakit?” Natataranta niyang tanong.

“Gusto ko sana nang makakausap ngayon. Hindi pa kasi ako makatulog. Pwede bang samahan mo ako dito kung hindi naman ako nakakaabala. Please?”

Hindi kayang tanggihan ni Almira ang pagmamakaawa sa mukha ni Gabriel. Napakagwapo nito sa ganoong ekspresiyon. “Sige. Walang problema.” Pagpayag niya. “Pero kapag inaantok ka na, magsabi ka lang. Baka mapagalitan ako ni tatay kapag inakala niyang pinupuyat kita.”

“Ako ang bahalang magpaliwanag sa kaniya kung sakali. 'Wag kang mag-alala.”

Hinubad ni Almira ang kaniyang tsinelas. Inilagay niya iyon sa may buhangin at inupuan. Ginaya naman ni Gabriel ang ginawa niya. Nakaharap sila sa dagat at sinasamyo ang hangin na nagmumula doon.

Sa pagkakataon na iyon ay nawala na ang pagkailang niya kay Gabriel. Wala man itong naaalala sa nakaraan nito, pakiramdam naman niya ay mabuti itong tao.

“Ano ba ang gusto mong pag-usapan?” panimula niya.

“Sa totoo lang…” sandali itong huminto. “Hindi ko rin alam, e. Hindi lang talaga ako makatulog.”

“Ikaw, ha. Dinamay mo pa ako sa pagpupuyat mo!” Natatawang bulalas ni Almira. “Dapat nagpapahinga ka na, e.”

“Pasensiya ka na. Alam mo naman na wala pa akong kakilala dito. Saka salamat na rin at ang tatay mo ang kumupkop sa akin. Baka kung ibang tao, baka pinagsamantalahan na ang sitwasyon ko.”

“Wala iyon, Gabriel. Ginagawa lang naman ni tatay ang tungkulin niya bilang kapitan ng baranggay. Ganiyan talaga siya. Matulungin. Suportado naman namin siya sa mga ginagawa niya.”

Narinig ni Almira ang pagbuntung-hininga ng katabi. “Ang hirap pala ng ganito, 'no? 'Yong wala kang maalala kahit na ano sa nakaraan at pagkatao mo. Hindi ko alam kung anong klase ba akong tao. May pamilya pa ba ako? Asawa? Nobya?” Sinulyapan niya si Gabriel at may awang humaplos sa puso niya nang makitang tila hirap na hirap ang mukha nito.

Asawa? Nobya? Sana naman ay wala! Turan ni Almira sa sarili.

Hoy, Almira! Ano bang pinagsasabi mo? 'Wag mong sabihin na gusto mo agad si Gabriel? Pang-aaway ng isang bahagi ng utak niya sa kaniya. Tama naman. Hindi niya dapat magustuhan si Gabriel dahil bukod sa kakakilala pa lang nila ay hindi pa niya alam kung anong uri ba talaga ito ng tao. Baka mamaya ay may asawa na pala ito o kaya ay nobya.

“Hmm… Mahirap talaga na mawawala lahat ng alaala mo. Malungkot man iyon o masaya,” pag-sang-ayon naman niya.

Nagpatuloy pa ang kwentuhan nila ni Gabriel. Sumunod na napagkwentuhan nila ay ang buhay sa lugar nila. Nagtanong din ito ng tungkol sa kaniya at ikwenento naman niya ang trabaho na meron siya. Ito lang ang nagtatanong dahil wala naman siyang maitatanong dito. Wala naman itong naaalala, e.

Hanggang sa humikab na nga si Gabriel.

“O, 'ayan, inaantok ka na, ha!” aniya. Naging magaan na ang pakiramdam niya sa lalaki matapos ang mahigit isang oras na pag-uusap.

Husbands And WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon