Kabanata I

7.1K 150 2
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


“PLARIDEL, QUEZON—isang tahimik at maliit na bayan na matatagpuan dito sa probinsiya ng Quezon. Maliit man ang bayan na ito, sagana naman ito sa yamang-dagat at mga pananim. Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa bayan namin. Nakita niyo naman kanina sa lawak ng mga sakahan na pinuntahan natin kanina at ngayon dito naman sa malawak at malinis na dagat. Ngayon ay nandito tayo sa pier ng Plaridel. Matagal na ang pier na ito. Hindi pa ako ipinapanganak ay nakatayo na ito. Sa sobrang tagal na rin nito ay ilang bagyo na ang sumalanta sa pier na ito kaya makikita ninyo ang ilang butas nito. Pero huwag kayong mag-alala, mas matibay pa ito sa relasyon ninyo ng mga girlfriend at boyfriend ninyo.” Bahagyang natawa si Almira sa huli niyang sinabi. Hinawi niya ang kaniyang buhok na tumatakip sa kaniyang mukha. Medyo malakas kasi ang hangin doon kaya sumasayaw ang kaniyang itim at tuwid na buhok na umaabot sa kaniyang balikat.

Hindi maikakaila sa mukha ng tatlong may edad na babae na nasa harapan niya ang pagkamangha sa nakikita ng mga ito. Malawak na dagat. Kulay asul ang tubig at malinis. Naging responsable na kasi ang mga kababayan niya lalo na sa kalinisan simula nang maging kapitan ng baranggay ang kaniyang ama na si Kapitan Arnold. Iyon talaga kasi ang isinusulong ng kaniyang tatay para may mga turista na ma-engganyong pumunta sa kanilang lugar.

Mabait na kapitan ang kaniyang ama kaya naman iginagalang ito ng mga tao. Sinusunod ang sinasabi nito dahil alam din naman ng mga tao na iyon ang tama. At nagbunga naman ang ginawang paglilinis ng mga tao dahil mas lumabas ang ganda ng lugar na kanilang tinitirahan. May mangilan-ngilan na din na turista na pumunta. Gustong makita ang kanilang dagat at kabundukan pati na rin ang mga ipinagmamalaki nilang pagkain.

Nakikinabang din naman si Almira sa mga turistang nagpupunta sa lugar nila. Siya ang nagsisilbing tour guide ng mga ito at kumikita siya doon ng pera. Undergrad siya ng kursong Tourism. Unang taon lang ang natapos niya. Hindi na kasi kinaya ng magulang niya ang pag-aralin pa siya. May dalawang nakakabatang kapatid pa kasi siya na nag-aaral na kapwa nasa sekundarya. Iyon muna ang papatupusin nila. Panganay siya kaya naisip niya na dapat siya ang mag-give way.

Katulad na lang ngayon, tatlong lokal na turista ang dumayo sa lugar nila. Siya ang nag-to-tour sa mga ito at mukhang nagugustuhan naman ng mga ito ang serbisyo niya.

“Alam mo, Miss Almira, ang pretty mo. Morena, matangkad, sexy and very Filipina ang beauty mo. Sumasali ka ba ng mga beuaty pageant?” turan sa kaniya ng isang turistang babae.

“Hindi po ako sumasali sa mga ganiyan, e. Mahiyain ako pagdating sa ganiyang bagay. At salamat po sa papuri ninyo.” Humble na sagot niya.

“Oo nga. For sure, marami kang kakabuging artista! Mag-audition ka kaya sa Star Hunt,” dagdag pa ng isa.

Umiling siya. “Wala po sa hilig ko ang artista. Okay na po ako dito sa lugar namin. Para kasing hindi ko kayang umalis dito. Dito na kasi ako lumaki at nagka-isip…” Paliwanag ni Almira.

Husbands And WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon