Kabanata XVI

1.8K 83 10
                                    

MY PLAN WORKS! Matagumpay na tili ng utak ni Maureen.

Nangyari ang plinano niya kanina sa kaniyang utak. Magkukunwari siyang masama ang pakiramdam tapos ay magpapasama siya kay Gabriel sa kwarto niya habang si Almira ay tinatawag ang parents niya. Kapag pumunta na sina Almira, ang mommy at daddy niya ay dapat maabutan siya ng mga ito na kunwari ay may nangyayari sa kanila ni Gabriel. Iyon ay upang umurong na si Almira sa kasal. Tapos ang parents naman niya ay ipapakasal siya kay Gabriel. Kilala niya ang mga ito na masyadong sagrado ang tingin sa sex. Relihiyoso din ang mga ito. Kaya alam niyang pilit siyang ipapakasal nito kay Gabriel.

Mabilis na umalis si Gabriel sa ibabaw niya. Siya naman ay hinablot ang kumot upang ipangtakip sa kaniyang dibdib. Ngunit ang kasiyahan niya ay nawala nang mapansin niyang may mga bisita na nasa likuran ng mga magulang niya. Ang iba ay may hawak na cellphone at halatang kinukunan ang nangyayari.

“Anong ginagawa nila dito? Mommy! Daddy!” sigaw niya sabay turo sa ibang tao.

Pumasok agad ang mommy at daddy niya sa loob ng kwarto. Isinara nito ang pinto at ini-lock. Hindi nakasama sa loob si Almira.

“Ano ito, Maureen?! Sino ang lalaking iyan?!” Mataas ang boses na tanong ng daddy niya. Halatang galit ito at ang mommy niya base sa ekspresiyon ng mga mukha nito.

“Sagutin niyo muna ako. Bakit sumama sa inyo ang mga bisita? Get them! Nakunan nila ng pictures and videos ang nangyari!”

“Narinig kasi nila kay Almira na masama ang pakiramdam mo. Gusto nilang sumama. Hindi naman namin alam na ganiyan pala ang ginagawa ng masama ang pakiramdam!” sagot ng mommy niya. Tumingin ito kay Gabriel na nakayuko lang. “And you, man! Who the hell are you?!”

Tumiim ang bagang ng daddy ni Maureen. Marahas na pinisil ng daddy niya ang braso ni Gabriel at inumangan ito ng suntok. “Sumagot ka! Sino ka?!” Malakas nitong bulyaw.

Agad namang niyakap ni Maureen si Gabriel. “Daddy, huwag mo siyang sasaktan! Siya si Gabriel—my boyfriend. At papakasalan niya ako. Papanagutan niya ang nangyari sa amin.” Pagsisinungaling niya.

Gulat na gulat si Gabriel sa sinabi niya. “Ano?! Hindi—”

Binitawan na ng daddy niya si Gabriel. Tumango-tango ito. “Dapat lang. Dapat lang na magpakasal kayong dalawa. Matapos makita ng mga tao ang ginagawa ninyo? Ano na lang ang iisipin nila? Na meron akong anak na puta!” Dinuro nito si Gabriel. “At ikaw, panagutan mo ang anak ko. Kilala mo naman siguro ako. Ako si Mayor Dante Balagtas! Kayang-kaya kitang burahin sa mundo kapag hindi mo pinagutan ang nag-iisa naming babae!”

“Nagkakamali kayo! Hindi ako—”

“Don’t worry, daddy. Matagal na naming pinaplano na magpakasal. Naghihintay lang talaga kami ng right time para sabihin sa inyo ni mommy. Papakasalan po ako ni Gabriel!”

“Mabuti naman kung ganoon. Ang mabuti pa ay kakausapin namin ng daddy mo ang mga bisita para mabura ang mga pictures at videos,” sabi ng mommy niya at lumabas na ito kasama ang daddy niya.

Kinumpronta naman siya ni Gabriel nang silang dalawa na lang ang naroon. “Bakit ka nagsinungaling?! Bakit mo sinabi na magpapakasal tayo?! Hindi ikaw ang papakasalan ko. Si Almira!” sinaklit nito ang braso niya.

Napangiwi siya dahil medyo mariin ang pagkakapisil nito sa kaniyang braso. “Ouch! Sinabi ko lang naman 'yon dahil for sure magagalit ang parents ko sa akin. They will kill me. Us! Saka, 'wag ka nang choosy! Lugi ka pa ba sa akin?” aniya sabay piksi. Nabitawan siya ni Gabriel.

Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Gabriel habang bahagyang nakaawang ang bibig. “Anong pinagsasabi mo? Seryoso talaga na papakasalan kita? Alam mong ikakasal na ako kay Almira! Siya ang mahal ko. Isa pa, walang nangyari sa atin. Pinwersa mo lang ako—”

Husbands And WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon