Kabanata XIV

1.8K 82 5
                                    


NAPAKURAP-KURAP si Jeric sa sinabi ni Sasha habang nakikipag-video call siya dito gamit ang kaniyang cellphone. Nawala tuloy ang antok na nararamdaman niya. Nagising ang buong diwa niya dahil sa narinig. Pinanlamigan siya na hindi niya maintindihan.Para siyang lalagnatin na hindi niya maipaliwanag.

“A-anong sabi mo?” Kinakabahan niyang tanong. Nais niyang ipaulit sa kaibigan ang sinabi dahil baka naman nagkamali lang siya ng pagdinig.

“Mahina ba signal diyan at hindi mo narinig—”

“Just say it again!” Sa labis na kaba ay naging mabilis ang pag-init ng ulo niya.

Napamaang si Sasha. “Ay, galit agad? Buntis lang? Okay, fine. Uulitin na nga! Si David na kalandian mo dito sa Australia, may tsismis na may HIV daw. At ang nakakaloka pa, sinasadya daw ng baklang iyon na manghawa sa iba. Kasi nga galit siya sa mundo. Gusto niyang hindi lang siya ang nagdurusa! Grabe, 'no?” Maarte pang itinirik ni Sasha ang mata.

Doon na siya parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Nanginig ang buo niyang katawan at hindi na siya nakapagsalita. Kung totoo ang tsismis na may HIV si David, malaki ang chance na nahawaan siya nito dahil noong unang beses na may nangyari sa kanila ay hindi sila gumamit ng condom. Nitong huli naman ay butas ang condom na ginamit nila.

Butas o binutas? Hindi kaya sinadyang butasin ni David ang condom dahil ang sabi ni Sasha ay sinasadya nitong manghawa?

“Hoy! Jeric! Nakatulala ka diyan?” untag ni Sasha.

“H-ha? W-wala. May naisip lang ako bigla. Si M-miguel,” palusot niya.

Napasimangot ito. “Akala ko kasi ay kinabahan ka dahil sa balita ko about kay David. Siguro naman ay may protection no’ng nag-sex kayo. Right?”

“O-oo naman. Palagi naman akong may condom na dala. And besides, hindi ako kinakabahan. Confident akong hindi niya ako nahawaan kung meron man siyang HIV. Alam ko kung paano protektahan ang sarili ko when it comes to that.”

“Iyon naman pala, e! Nakakaloka na rin kasi talaga ang mga trip ng tao today! Imbes na magpagamot na lang ay nanghahawa pa—”

“Sasha, inaantok na kasi ako. May sasabihin ka pa ba?” putol ni Jeric.

“Hmm… wala na. Iyon lang naman. Sige na nga, saka na tayo mag-tsikahan. Mag-rest ka muna diyan, friend. Bye!!!” Nag-flying kiss pa ito sa kaniya bago nito tuluyang pinutlo ang video call.

Butil-butil ang pawis ni Jeric nang ipatong niya ulit sa side table. Wala naman siyang ginawang nakakapagod pero hinihingal siya at parang naninikip ang dibdib. Binuksan niya ang drawer at kumuha ng sigarilyo at lighter. Nagpunta siya sa terrace ng kaniyang condo unit at doon nagsigarilyo.

“Fuck!” Malakas niyang mura.

Natataranta siya at hindi malaman ang gagawin. Takot na takot siya. Paano nga kung may HIV talaga si David? For sure ay may HIV na rin siya ngayon!

Ang hayop na 'yon! Talagang siya pa ang napiling mabiktima. At ang tanga-tanga naman niya para hindi maging maingat. Nakipag-sex siya dito nang hindi inaalam ang background nito.

Ito na nga ba ang karma niya sa pagtataksil niya kay Miguel?

Oo nga pala, si Miguel. Ano na lang ang sasabihin ng asawa niya oras na malaman nitong may HIV siya? Baka tuluyan siya nitong iwan at hindi na talaga balikan.

Mariin na ipinilig ni Jeric ang ulo para mawala ang mga iniisip. “No. W-wala akong HIV. Hindi ako nahawaan ni David. S-siguro naman ay hindi totoo ang tsismis na iyon. Tsismis nga, 'di ba? And besides, I’m taking my vitamins regularly. Malakas ang resistensiya ko. Hindi ako basta-basta mahahawa sa mga ganiyang sakit!” aniya sa sarili. Ginawa niya iyon para gumaan kahit papaano ang pakiramdam.

Husbands And WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon