WALANG pagsidlan ang saya ni Maureen nang matapos na ang pagsasayaw nila ni Gabriel. Masaya siya pero bitin. Kahit pagod ay nais pa niyang makasayaw nang mas matagal ang lalaki. Kanina, manaka-naka siyang tumitingin kay Almira at talagang halata sa mukha nito ang pagseselos. E, wala naman siyang magagawa dahil kaselos-selos naman talaga siya. Napaka arte naman kasi ng kaibigan niyang iyon. Ayaw pang sagutin si Gabriel. Pero mabuti nga iyon. Mas magiging madali ang pag-agaw niya kay Gabriel habang wala pang relasyon ang dalawa.
Hindi na dapat siya magpatumpik-tumpik pa. Dapat ay kumilos na siya agad. Iyong mabilis!
Matapos ang sayaw nila ni Gabriel ay inalalayan pa siya nito sa pag-alis sa dance floor. Hawak ang isa niyang kamay. Umarte pa siya na matutumba dahil sa taas ng heels kaya napakapit siya sa matigas na braso ng lalaki. “I’m sorry… I am so clumsy talaga…” Pabebe niyang turan.
“Okay lang.” Tinulungan siya nitong tumayo nang ayos. Luminga-linga ito. “Si Almira kaya? Nasaan na siya?”
Napasimangot si Maureen. Siya na nga itong katabi pero iba pa rin ang hinahanap. “Nasa tabi-tabi lang 'yon. Huwag mo na siyang hanapin. Let’s talk na lang muna,” aniya.
“Ha? Hindi mo ba iistimahin ang mga bisita mo, Maureen?”
“E, 'andiyan naman sina mommy at daddy. Saka karamihan naman sa mga iyan ay friends ni daddy. Mga hindi ko naman kilala—”
“'Ayon siya!” Biglang sumigla ang boses ni Gabriel.
Ganoon na lang ang inis na naramdaman ni Maureen nang iwanan siya ni Gabriel nang makita si Almira na mag-isa sa table. Nanonood lang ito sa mga tao.
Siyempre, hindi siya papayag na walang magandang mangyari sa kanila ni Gabriel ngayon kaya sumunod siya dito. Ang goal niya ngayong gabi ay maibaling niya ang pagtingin si Gabriel sa kaniya. Napakaganda niya kaya ngayon kaya hindi imposibleng magawa niya ang bagay na iyon. Madali lang sa kaniya ang pang-aakit kung tutuusin. Mas maganda naman siya kay Almira at marami siyang meron na wala ito.
“Kanina pa kita hinahanap, Almira. Mabuti naman at nakita na kita.” Dama niya ang saya sa boses ni Gabriel. Umupo ito sa tabi ng kaibigan niya. “Nagugutom ka na ba? Gusto mong kumuha na tayo ng pagkain?”
Hindi muna siya lumapit sa dalawa. Hinayaan muna niyang mag-usap ang mga ito.
“Lumayo na ako sa mga tao. Nahihiya kasi ako sa suot ko. Napaka simple. Hindi katulad ng ibang mga bisita na magaganda ang kasuotan. Isa pa, baka mapagkamalan akong taga-silbi. Napansin mo bang kakulay ng damit ko ang uniform nila?”
“Hay… Wala ka naman kasalanan kung kakulay mo man ang damit ng mga taga-silbi dito dahil si Maureen ang pumili ng kulay ng damit mo, 'di ba? At wala ka ring dapat ikahiya. Simple man ang damit mo, ikaw pa rin ang pinaka magandang babae na nandito!”
What? I am the prettiest here! Malabo ba ang mata ni Gabriel at hindi niya iyon makita?! Protesta ni Maureen sa sarili. Napakalaking insulto para sa kaniya ang sinabi nito. Gumastos siya nang husto para lang maging pinaka maganda ngayong gabi tapos si Almira pa rin pala ang pinaka maganda para dito. Hindi iyon maaari! Dapat na talaga siyang kumilos!
Huminga siya nang malalim at saka lumapit sa dalawa. “Hello, guys!” Humila siya ng upuan at pumwesto sa tabi ni Gabriel. Ang nangyari ay pinagitnaan nila ito ni Almira. “Thank you nga pala ulit sa pagiging escort ko tonight, Gabriel. Sobrang saya ko!”
Sinadya niyang hindi pansinin si Almira.
“Walang anuman. Kung may dapat kang pasalamatan ay hindi ako iyon. Si Almira. Kung hindi naman dahil sa kaniya ay hindi ako papayag na maging escort mo.”
BINABASA MO ANG
Husbands And Wife
RomanceIsang lalaking walang memorya ang inibig ni ALMIRA-- si GABRIEL. Pinakasalan niya pa rin ang naturang lalaki sa kabila ng kakulangan sa nakaraan nito. Ngunit paano kung sa pagbabalik ng alaala nito ay siya ring paglabas ng tunay nitong pagkatao? At...