Kabanata XXX (Ang Pagwawakas)

5.3K 180 41
                                    

“WHAT the fuck…” Mahinang mura ni Jeric nang ibang eksena ang maabutan niya sa isa sa mga kwarto sa ikalawang palapag ng bahay na pinuntahan nila ni Maureen. Nakasilip siya sa pinto. Bahagya iyong nakaawang kaya malaya niyang nakikita ang nangyayari sa loob.

Imbes na ang inaasahang pagtatalik ni Almira at ng lalaki nito ay iba ang kaniyang nakita. Naroon si Almira pero nakatali ito sa upuan. Hindi niya rin inaasahan na naroon si Miguel. At iyong lalaki na kasama ni Almira? Bakla pala ang hitad! Ginagahasa nito si Miguel at hindi siya makakapayag na magtagumpay ito. Kaya naman bumaba siya at nagtungo sa kusina. Kumuha siya ng kutsilyo. Paglabas niya ng kusina ay nagtataka si Maureen nang makita siya.

“Bakit ka may kutsilyo? Nahuli mo na ba?” curious nitong tanong.

Hindi niya sinagot si Maureen. Blanko na ang utak niya sa ibang bagay. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay ang mailigtas si Miguel mula sa lalaking iyon. Iniwanan niya si Maureen at umakyat ulit. Dire-diretso siya sa pagpasok sa kwarto at nagulantang ang lahat sa pagdating niya.

“Hayop kang baboy kang bakla ka! Layuan mo ang asawa ko!” Matapang niyang sigaw habang nakaturo ang kutsilyo sa lalaking akmang ipapasok ang matigas nitong pagkalalaki sa pwet ni Miguel.

Gulat na gulat ang lalaki kaya hindi agad ito nakagalaw.

Nasa tabi niya lang si Almira. Hindi siya ganoon kasama para hindi ito tulungan. Dahil sa ito ang malapit sa kaniya ay ang babae muna ang pinakawalan niya. Gamit ang kutsilyo ay pinutol niya ang lubid sa katawan at mga kamay nito. Tumayo ito sa tabi niya habang umiiyak.

“Thank me later!” aniya kay Almira sabay irap. Hinarap niya ulit ang lalaki. “Ano, bakla? Hindi ka ba talaga aalis diyan? Gusto mo ba ng stab wounds?! Kaya kitang bigyan ng one hundred stad wounds. 'Wag mo akong susubukan!”

Hindi alam ni Jeric kung saan siya humuhugot ngayon ng tapang. Marahil ganito talaga kapag nasa panganib ang taong mahal o importante sa iyo.

Matiim niyang tiningnan ang lalaki. Hindi man lang niya ito nababakasan ng takot kahit na meron siyang kutsilyo. “Who the hell are you?” tanong pa nito sa kaniya.

“Ako lang naman ang asawa ng gagahasain mo!” Matapang na sagot ni Jeric.

“Asawa? Akala ko ba…” Dumako ang mata nito kay Almira.

“Magulo ang kwento namin at wala na akong oras na magkuwento sa iyo! Umalis ka na lang sa asawa ko at papatayin talaga kitang animal ka! Alis!”

“Okay. Fine. Relax…” Mukhang madali itong kausap dahil umalis na ito sa pagkakaibabaw kay Miguel. Bumaba ito ng kama at nagsuot ng shorts.

Siniko ni Jeric si Almira. “Ikaw! Para may silbi ka, pakawalan mo si Miguel. Bilis!” utos niya. Nilapitan niya iyong lalaki at tinutukan ito ng kutsilyo. “Huwag kang gagawa ng hindi ko magugustuhan at sasaksakin ko mukha mo!” banta pa ni Jeric.

Sa gilid ng mata niya ay nakikita niyang inaalis na ni Almira ang pagkakatali sa kamay ni Miguel. Ayaw niyang alisin ang mata sa lalaki at baka magkaroon ito ng pagkakataon na makawala o hindi naman kaya ay lumaban. Sisiguraduhin niyang mabubulok ito sa kulungan dahil sa ginawa nito kay Miguel.

“Ano ba, Almira?! Bilisan mo!” sigaw ni Jeric.


-----ooo-----


GANOON na lang ang pagpapasalamat ni Almira sa pagdating ni Jeric. Wala siyang ideya kung paano ito nakarating sa bahay ni Ralph pero wala na siyang pakialam. Ang importante ay hindi natuloy ang gagawin ni Ralph kay Miguel.

Kahit bahagyang nanghihina pa rin ay ginawa niya ang lahat para mabilis na maalis ang pagkakatali ng mga kamay ni Miguel sa headboard. At sa wakas ay napakawalan na niya ito. Tinulungan niya itong bumaba ng kama at tumayo. Kinuha niya ang puting kumot at ibinalot iyon sa katawan ni Miguel.

Husbands And WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon