PUPUNGAS-PUNGAS si Jeric nang magising siya ng umagang iyon dahil sa pagtunog ng kaniyang cellphone. Sa pagmulat ng kaniyang mata ay medyo nagulat siya nang malaman na wala siya sa kaniyang kwarto.
“Fuck! Kill that noise!” reklamo ng lalaking nakahiga sa tabi niya. Nasa iisang kama lang sila ng lalaki na walang saplot sa katawan katulad niya. Nakadapa ito at nakatagilid ang mukha.
Sino ba ang animal na ito? Tanong niya sa sarili.
Upang makita niya kung sino ba ang katabi niya ay sinilip niya ang mukha nito. Nalaman niyang si David na naman pala ito. Mahina niyang minura ang sarili sabay sapo ng ulo nang may kumirot doon. Hang-over. Ang sakit ng ulo niya.
Nagpakalasing na naman siya kagabi kasama si Sasha sa isang bar at ang huli niyang natatandaan ay nakita nila doon si David. Inaya ito ni Sasha sa table nila kahit tutol siya. Nag-aalala kasi siya na masundan pa ang nangyari sa kanila ni David. At nangyari na nga dahil sa kalasingan niya. Heto na naman siya sa isang hotel katabi ang naturang lalaki.
“Kill that!” sigaw ulit ni David.
Napapitlag siya. Patuloy pa rin pala sa pagtunog ang kaniyang cellphone. Nagmamadali siyang bumaba ng kama kahit walang saplot. Hinagilap niya ang kaniyang cellphone at natagpuan niya iyon sa bulsa ng pantalon niya na nasa sahig.
Tumatawag ang nanay ni Miguel sa Viber. Mabuti na lang at call lang at hindi video call. Kung hindi ay mahihirapan siyang i-explain kung bakit wala siya sa kwarto ng anak nito.
In-accept niya na ang tawag at idinaiti ang aparato sa tenga. “Hello po, mama. Kamusta po kayo diyan?” Pilit niyang pinasigla ang boses kahit kinakabahan.
“Hindi ko masabing okay kami, Jeric. Oo nga pala, nasaan ka ngayon?” Halata sa boses nito ang kalungkutan. Tila may malaki itong problema. Kinabahan siya at naisip si Miguel.
“N-nandito po sa bahay. Wala po akong pasok ngayon, e.” Pagsisinungaling niya. Hiling niya, huwag naman sana siyang tamaan ng kidlat mula sa kaniyang kinatatayuan. ‘Bakit po pala kayo napatawag?”
“Pasensiya ka na kung naistorbo ko yata ang pagpapahinga mo—”
“Naku, 'ma, hindi po kayo istorbo. Ano po ba iyon?”
Iyon naman ang gusto ni Jeric sa pamilya ni Miguel. Kahit noong una ay alam niyang hindi pabor ang mga ito sa relasyon nila ni Miguel, sa huli ay natanggap din sila nito. Naisip na rin siguro ng mga ito na wala nang magagawa ang mga ito dahil nagpakasal na sila ni Miguel.
“Jeric, si M-miguel kasi… nawawala si Miguel! Mahigit isang buwan na!” deklara nito.
Nanlamig nang husto si Jeric sa kaniyang narinig. “Ano pong nawawala? Paano?”
“Nagbakasyon kasi siya at hindi sinabi kung saan pupunta. Magso-soul searching daw. Pero mahigit isang buwan na ang nakakalipas pero hindi pa rin siya bumabalik!” Doon na bumuhos ang emosyon ng nanay ni Miguel. Narinig na niya ang pag-iyak nito.
“T-tinawagan niyo na ba siya?” Kahit gusto na rin niyang umiyak ay pilit pa rin siyang nagpapakahinahon.
“Iniwan niya ang cellphone niya nang umalis siya kaya wala kaming contact sa kaniya, Jeric. Ini-report na naman namin sa mga pulis at hinahanap na siya. Kaya lang hanggang ngayon ay wala pa rin silang lead kung nasaan ba ang anak ko. Tinawagan kita dahil karapatan mong malaman ang nangyari sa asawa mo kahit alam kong hindi kayo ayos ngayon…”
“Mama, salamat po at pinaalam mo sa akin. Huwag po kayong mag-alala, tutulungan ko kayo na mahanap si Miguel.”
“Salamat din sa iyo, Jeric. Sige na, magpahinga ka na. Maraming salamat…”
![](https://img.wattpad.com/cover/180806295-288-k986631.jpg)
BINABASA MO ANG
Husbands And Wife
RomanceIsang lalaking walang memorya ang inibig ni ALMIRA-- si GABRIEL. Pinakasalan niya pa rin ang naturang lalaki sa kabila ng kakulangan sa nakaraan nito. Ngunit paano kung sa pagbabalik ng alaala nito ay siya ring paglabas ng tunay nitong pagkatao? At...