NOTE: Pasensiya na sa nilagay kong characters sa previous chapter. Nakalimutan ko kasi na may nailagay na pala ako sa Kabanata I. Haha!
MATIYAGANG nag-abang si Almira sa labas ng construction site kung saan dating nagtatrabaho si Miguel. Eksakto lang ang dating niya dahil ayos sa trabahador na napagtanungan niya kanina ay naroon pa raw ang engineer na si Ralph. Kailangan niya talaga itong makausap. Baka sakaling pumunta o kinausap ito ni Miguel nang gabing umalis ito sa bahay. Hiling niya ay alam nito kung nasaan ang kaniyang asawa. Teka, tama pa bang tawagin niyang asawa si Miguel gayong walang bisa ang kasal nila? Hindi na siguro pero mahal pa rin niya ang lalaki sa kabila ng tunay nitong kasarian.
Ilang sandali pa ay nakita niyang naglalabasan na ang mga trabahador. Tinalasan niya ang mata at baka malagpasan siya ng taong hinihintay. Hanggang sa makita na niya si Ralph na lumabas ng construction site. Isang magarang sasakyan ang nilapitan nito. Nang bubuksan na nito ang pinto sa may driver’s seat ay agad siyang naglakad ng mabilis palapit dito.
Bago pa man tuluyang maisarado ni Ralph ang pinto ng kotse ay napigilan na iyon ni Almira. Hinawakan niya ang gilid niyon. “Sir Ralph!” tawag niya sa lalaki.
Kumunot ang noo nito. Sa wari niya ay hindi siya nito natatandaan. “Yes?”
“Ako po si Almira. A-asawa po ako ni Mig—Gabriel…” Kung noon ay walang gatol siya sa pagsasabing asawa niya si Miguel, ngayon ay parang hindi na siya sanay. Gabriel ang pangalan na sinabi niya dahil hindi naman alam ni Ralph na Miguel ang totoong pangalan nito.
“Yeah. Natatandaan kita, Almira,” tatanga-tangong turan ng lalaki. “Ano’ng sa atin? May kailangan ka ba?”
“Pasensiya ka na po sa pang-aabala ko. May itatanong lang sana ako tungkol kay Gabriel.”
“Sure. Ano ba 'yon?” Bumaba ito ng sasakyan at maayos siyang hinarap.
“Ilang araw na po kasing hindi umuuwi sa bahay si Gabriel. Nawawala siya. Baka kasi nakausap niyo siya. Baka alam ninyo kung nasaan ang asawa ko. Labis na po kasi akong nag-aalala sa kaniya.”
Kapansin-pansin ang paglungkot ng mukha ni Ralph. “Almira…” Huminga ito nang malalim. “Ayoko sana itong sabihin sa iyo dahil nangako ako kay Gabriel pero…” Huminto ito sa pagsasalita. “Never mind! I have to go. Nagmamadali kasi ako, e.”
Lumakas ang hinala niya na alam nito kung nasaa si Miguel. Hindi niya ito pwedeng paalisin nang hindi nito sinasabi ang nalalaman. “Sandali lang, Sir Ralph!” Muli niyang pigil. “K-kung may alam kayo kung nasaan si Gabriel, nakikiusap ako na sabihin mo na. Nag-aalala na ako sa asawa ko kung ano na ba ang nangyari sa kaniya. Parang awa mo na!” Luluhod pa sana siya pero mabilis siyang hinawakan ni Ralph sa magkabila niyang balikat.
“You don’t have to do that!” pigil nito sa kaniya sabay hinga ulit ng malalim. “I know, magagalit sa akin si Gabriel kapag sinabi ko sa iyo pero hindi kaya ng konsensiya ko na makita kang nababahala dahil nawawala siya. Yes, alam ko kung nasaan si Gabriel.”
May kaunting pag-asang sumungaw sa mata ni Almira. “Talaga, sir? N-nasaan siya? Nasaan ang asawa ko?” Mabilis niyang tanong.
Luminga-linga si Ralph na para bang nababahala ito na may makakita sa kanila. “Naroon siya sa bahay ko. Nakiusap siya sa akin na doon muna siya. I asked him why but he did not tell me the reason why. Bakit ba siya umalis sa bahay ninyo?”
“Nagkaroon po kasi kami ng hindi pagkakaunawaan. Sir, kakapalan ko na ang mukha ko. Baka pwedeng sumama ako sa bahay mo para makausap si Gabriel. Baka sakaling magkaayos na kami at umuwi na siya. Parang awa niyo na…” Pakiusap ni Almira.
BINABASA MO ANG
Husbands And Wife
RomansaIsang lalaking walang memorya ang inibig ni ALMIRA-- si GABRIEL. Pinakasalan niya pa rin ang naturang lalaki sa kabila ng kakulangan sa nakaraan nito. Ngunit paano kung sa pagbabalik ng alaala nito ay siya ring paglabas ng tunay nitong pagkatao? At...
