Kabanata XIX

2K 76 10
                                    

SEX. Making love. Pakikipagtalik. Pagsisiping. Iyan ang nalaman ni Gabriel na ginagawa ng bagong kasal sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Alam niya ang bagay na iyon pero kinakabahan pa rin siya lalo na’t hindi siya sigurado kung paano iyon gawin bagaman at eron naman siyang ideya. Gaya nga ng sabi ni Almira ay normal ang bagay na iyon sa mag-asawa. Sa sinabi nitong iyon, kahit papaano ay nagkaroon siya ng lakas ng loob.

“K-kung nais mo ay hindi kita pipigilan, Gabriel…” May halong kabang sagot ni Almira. Humarap ito sa kaniya at nakipagtitigan.

Napalunok si Gabriel nang mapagmasdan ang magandang mukha ni Almira. Malapit na malapit ang mukha nila sa isa’t isa kaya kahit madilim ay nakikita niya pa rin ito. Kusang gumalaw ang isa niyang kamay para haplusin ito sa pisngi. Napapikit si Almira na para bang dinadama nito ng husto ang kaniyang haplos.

Siya na ang naunang gumalaw para halikan ito sa labi. Sa una ay simple lamang. Nang maglaon ay naging mas mapaghanap ang halik ni Gabriel. Sinasakop ng kaniyang bibig ang labi ni Almira. Pati ang dila niya ay nagkaroon ng sariling buhay at ginalugad na ang loob ng bibig ng kaniyang asawa. Kapwa sila hinihingal nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

Isang alanganing ngiti ang sumilay sa labi ni Almira.

“Itutuloy na ba natin, asawa ko?” tanong niya.

Mabilis na tumango si Almira at nagulat siya nang kinabig nito ang kaniyang batok at ito na ang humalik sa kaniya ngayon. Mas mapusok! Mas marubdob! Akala mo ay uhaw na uhaw. Nagulat siya dahil hindi niya iyon inaasahan kay Almira. Mahiyain kasi ito at mahinhin. Dahil sa ginawang iyon ni Almira ay mas lalo siyang nag-init. Inihiga niya ito nang maayos at pumaibabaw na siya dito. Naramdaman niya ang pagkabuhay ng kaniyang pagkalalaki.

Patuloy sila sa paghahalikan. Hindi na nga nila namalayan na kapwa na sila walang saplot. Ramdam niya ang init ng katawan ni Almira. Nagdudulot ng kakaibang kiliti ang bawat haplos ng kamay nito sa kaniyang katawan.

Ngunit habang nasa ganoon silang posisyon ay may eksenang bigla na lang pumasok sa isip ni Gabriel. Nasa isang pamilyar siyang silid. May malaking kama at nandoon siya kasama ang isang lalaki na malabo ang mukha kaya hindi niya malaman kung sino. Hubo’t hubad silang dalawa at nakahiga. Nasa ibabaw siya ng lalaki habang naghahalikan sila. Malalakas ang ungol nila na para bang wala nang bukas. Bakas sa mukha nila ang ligaya.

Kumirot ang ulo ni Gabriel at napahinto siya sa ginagawa kay Almira. Napaupo siya sa gilid ng kama habang gusto ang mukha at hawak ang masakit na ulo. Patuloy ang imahe sa utak niya at ayaw maalis. Sa sobrang sakit na ay pinagsusuntok na niya ang ulo. Hindi niya maintindihan kung bakit nakikipagtalik siya sa isang lalaki sa imaheng nakikita niya sa loob ng kaniyang utak. Ano’ng ibig sabihin niyon?

Hinawakan ni Almira ang dalawa niyang kamay. “Gabriel! Gabriel! 'Wag! Tama na!” pigil nito sa kaniya. “Huwag mong saktan ang sarili mo!”

Napayakap siya sa asawa at napaiyak. “M-may nakikita ako, Almira… A-at hindi ko gusto ang nakikita ko.” Hihikbi-hikbing sabi pa niya.

“Ano ba 'yon?” Bahagya siyang inilayo nito para kausapin. “Ano ang nakikita mo?”

Napayuko si Gabriel. Hindi niya alam kung tama bang sabihin niya dito ang tungkol sa nakikita niya na nakikipagtalik siya sa isang lalaki. “I-iyong aksidente. Bumabalik siya sa isip ko,” pagsisinungaling niya. Natatakot siya na baka kung ano ang isipin ni Almira oras na sabihin niya ang totoo.

“Hay… Pagod ka lang siguro. Sa ibang araw na lang natin ito gawin. Magpahinga ka na lang muna, Gabriel.” Maswerte siya at maaalalahanin ang kaniyang asawa.

“A-ayos lang ba sa iyo?” Pinunasan nito ang luha niya.

Tumango si Almira. “Oo naman. Mas importante ang kalusugan mo. Magpahinga na tayo…”

Husbands And WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon