MALAKI ang ngising nakapaskil sa labi ni Ralph nang makita ito ni Miguel na pumasok sa kwartong kinaroroonan niya. Hindi niya maintindihan pero nagdulot ng kaba ang ngisi nito na iyon. Para bang may ginawa ito na dapat niyang ikatakot. Naglalaway na siya dahil sa mouth gag na nakalagay sa bibig niya. Simula nang ilagay iyon ni Ralph sa kaniya ay pilit na niya iyong inaalis gamit ang dila niya. Medyo nagalaw niya iyon at parang kaya niyang alisin.
Kumuha ng damit si Ralph at nagbihis ito sa harapan niya ng pambahay. “Alam mo bang nasa ibaba ang asawa mo? Siya na mismo ang lumapit sa akin. Itinanong niya kung alam niya kung nasaan ka,” bahagya pa itong natatawa. “Hindi ako sinungaling na tao kaya sinabi ko na nandito siya. Sumama siya sa akin at alam mo naman ang balak ko, 'di ba?”
Nagpumiglas si Miguel. Gusto niyang makawala at saktan si Ralph! Hindi na dapat nito idinamay si Almira. Kung siya lang ang gusto nito, siya na lang. Panay ang ungol niya. Pilit siyang sumisigaw pero hindi niya magawa. Gusto niyang bigyan ng babala si Almira. Ngunit paano?
“Hayaan mo, any minute ay tatalab na ang pampatulog na inihalo ko sa iced tea niya. Sandali lang at sisilipin ko siya sa ibaba. Baka tulog na ang mahal mong asawa…” Lumabas na si Ralph ng kwartong iyon.
Hindi na siya pwedeng humiga na lang dito. Dapat na siyang kumilos kung hindi ay mapapahamak pati si Almira. Baka hindi niya mapatawad ang sarili oras na madamay ito sa kademonyuhan ni Ralph. Kaya naman ginawa niya ang lahat para maalis ang mouth gag sa bibig niya. Gamit ang dila ay ginalaw niya ang bilog na nakapasak sa kaniyang bibig. Pinagpapawisan na siya. Nag-concentrate siya sa ginagawa hanggang sa nagtagumpay siyang maialis ang bilog sa bibig niya. Naiurong niya iyon at napunta sa kaniyang pisngi!
“Umalis ka na!!! Almiraaa!!!” Ubod lakas niyang sigaw. Paulit-ulit siyang nagsisigaw para bigyan ng babala ang asawa. Hiling niya sana ay narinig siya nito at umalis na ito.
Halos mawalan na siya ng boses sa pag-sigaw. Tumigil lang siya nang muling bumukas ang pinto. Tila tinakasan siya ng lakas nang makita si Ralph na buhat ang walang malay na si Almira.
“Too late, Gabriel. Napatulog ko na siya…” anito sabay tawa.
“Hayop ka! Pakawalan mo ang asawa ko! Huwag mo siyang idadamay dito dahil papatayin kita!” Halos maiyak na sigaw ni Miguel.
Iniupo ni Ralph ang walang malay na si Almira sa upuan. Kumuha ito ng lubid at itinali nito ang katawan at mga kamay ng asawa niya sa upuan. Napaiyak na lang si Miguel nang makita niya si Almira. Miss na miss na kasi niya ito. Oo, nais na niya itong makita pero hindi sa ganitong sitwasyon.
“Nakikiusap ako sa iyo, 'wag mong sasaktan si Almira. Huwag mo siyang idamay dito…” Umiiyak niyang samo kay Ralph.
“Oh? Ang tapang-tapang mo kanina tapos ngayon para kang maamong tupa. Wala naman talaga akong balak na idamay si Almira, e. Kaya lang ginalit mo ako, Gabriel. Masyado kang pakipot!”
“Parang awa mo na, Ralph…”
“Huli na para magmakaawa ka sa akin. Buo na ang desisyon ko. And besides, na-e-excite ako sa gagawin ko. Very thrilling!” Hinila nito ang upuan ni Almira at inilagay iyon malapit sa tabi ng kama. Nasa kaliwang bahagi niya.
Almira, patawarin mo ako kung nadamay ka pa… Umiiyak niyang sabi sa sarili.
-----ooo-----
PUMASOK sa isang pangmayamang subdivision ang kotseng sinusundan nina Jeric at Maureen. Mabuti na lang at pinapasok sila ng guard ng walang kahirap-hirap. Sinabi niya kasi na kasama sila ng naunang sasakyan. Patuloy lang siya sa pagda-drive at pagsunod sa kotse hanggang sa huminto iyon sa isang malaking bahay.
BINABASA MO ANG
Husbands And Wife
RomansaIsang lalaking walang memorya ang inibig ni ALMIRA-- si GABRIEL. Pinakasalan niya pa rin ang naturang lalaki sa kabila ng kakulangan sa nakaraan nito. Ngunit paano kung sa pagbabalik ng alaala nito ay siya ring paglabas ng tunay nitong pagkatao? At...