Kabanata XXI

1.9K 83 4
                                    

GULAT na gulat si Gabriel sa sinabi ni Ralph. Tama ba ang dinig niya? Gusto nitong makilala ang kaniyang asawa na si Almira? Sa totoo lang ay nabibigla siya sa mga nangyayari. Ang bilis lang na kakakilala lang niya kanina kay Ralph tapos ngayon ay inaakusahan siya nitong bakla dahil lang sa pakiramdam nito. Oo, tumatanggi siya na bakla siya pero ang hindi niya maunawaan ay may parte ng kaniyang pagkatao na parang nagdududa sa kaniyang sinasabi.

Naguguluhan na siya. Gulung-gulo na ang utak niya dahil sa pagdating ni Ralph!

“S-seryoso ka ba? Wala namang dahilan para makilala mo ang asawa ko,” ani Gabriel.

Mahinang tumawa si Ralph. “I just want to meet her. Sige na. Siguro, sobrang ganda niya kaya ka niya napapayag na magpakasal sa kaniya. Wait, alam ba niya na bakla ka?”

“Sir, pasensiya na pero hindi pwede. Kung ipipilit ninyo na bakla ako, magre-resign na lang—” Hindi naituloy ni Gabriel ang sasabihin dahil bumukas ang pinto ng kanilang bahay at lumabas si Almira.

May pagtataka sa mukha nito nang makita siyang nasa labas kasama si Ralph. “Gabriel? Kanina ka pa ba?” Nilapitan siya nito. Hinalikan niya ito sa pisngi. “Sino 'yang kasama mo? Bisita mo yata. Bakit hindi mo papasukin sa loob?”

“Ako ang engineer sa building na itinatayo ni Gabriel. Ako si Ralph Madela. Ikaw siguro ang asawa ni Gabriel?” Inilahad ni Ralph ang kamay na inabot naman ng kaniyang asawa.

“Ako nga po. Ako si Almira. Nakakahiya naman at inihatid niyo pa ang asawa ko kahit unang araw pa lang niya sa trabaho. Kung gusto ninyo ay dito na kayo kumain. Nagluto ako ng kaldereta.”

Gusto sanang pigilan ni Gabriel si Almira sa pag-imbita nito kay Ralph dahil alam niyang hindi iyon magandang ideya. Malakas ang pakiramdam niya na may binabalak si Ralph. Kinakabahan siya na baka sabihin nito kay Almira ang hinala nitong bakla siya.

“Sure! I would love to. Salamat!” Nakangiting sagot ni Ralph.

“Pero dito muna kayo, ha. Bibili lang ako ng softdrinks sa labas,” ani Almira sabay tingin sa kaniya. “Asawa ko, ikaw muna bahala sa boss mo, ha. Mabilis lang naman ako. Luto na naman iyong ulam. Maghain ka na lang.” Pagkasabi nito niyon ay umalis na rin ito agad.

Tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay si Ralph. Diretso agad ito sa kusina at umupo. Sumunod siya doon. Papaalisin na niya ito kesa kung ano pa ang mangyari. Malalaki ang hakdang na nagtungo siya sa kusina at ganoon na lang ang gulat niya nang sinalubong siya ni Ralph sa pinto at kinabig sa batok. Hinalikan siya ulit nito nang walang paalam. Sa gulat niya ay hindi agad siya nakapalag. Isinandal siya nito sa dingding at pinaghahalikan ang leeg. Hawak nito ang dalawa niyang kamay. Naramdaman pa niya ang pagsipsip nito sa leeg niya. Inipon niya ang lakas at malakas na ipiniksi ang mga kamay. Nang makawala siya kay Ralph ay malakas niya itong itinulak sabay suntok sa mukha.

“Umalis ka na bago pa kung anong magawa ko sa iyo!” dinuro niya ito.

“'Tang ina kang bakla ka! Tatanggalin kita sa trabaho!” galit na sigaw ni Ralph.

“Tanggalin mo dahil hindi na talaga ako babalik doon! Bastos ka! Umalis ka na dahil kapag hindi ako nakapagpigil, papatayin talaga kita!” Hindi niya inaasahan na masasabi niya iyon. Marahil ay dahil na rin sa sitwasyon at pagiging makulit ni Ralph. Kailangan niya itong takutin para lang tigilan siya.

Masama ang tingin nito sa kaniya. “Hindi pa ako tapos sa iyo. Bakla!” At lumabas na ito ng kusina. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong lumabas ng bahay na iyon.

Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang marinig niya ang ugong ng sasakyan nito na papaalis. Nanghihinang napasandal siya sa dingding at sinabunutan ang sarili. Mabuti na lang at napaalis na niya ito. Ang ikinatatakot lang niya ay ang huli nitong sinabi na hindi pa ito tapos sa kaniya.

Husbands And WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon