Kabanata XI

2K 79 9
                                    

HINDI maalis ang pagkamangha ni Almira nang makita niya si Maureen na suot ang kulay puti nitong gown. Naroon na sila sa pagpapatahian nito ng gown. Nakapagpasukat na rin siya ng simpleng dress. Pero ang pinili na lang niya ay iyong ready to wear na para mas mura. May nagkasya naman sa kaniya. Kaunting remedyo na lang ang gagawin doon ng mananahi. Kumbaga, arkila lang. Ibabalik din niya matapos niyang gamitin.

Nagpaikot-ikot pa si Maureen sa harapan nila ni Gabriel. “What do you think, guys? Bagay ba sa akin?” Huminto ito at nag-pose pa na akala mo ay isang modelo.

“Bagay na bagay sa iyo, Maureen! Ang ganda-ganda mo na talaga lalo dahil sa gown na iyan!” Nakangiting saad ni Almira. Sadyang nagagandahan talaga siya sa kaibigan kaya hindi mapalis ang ngiti sa labi niya.

“How about you, Gabriel? Ano’ng masasabi mo? I need your opinion!”

“Maganda. Bagay sa iyo,” matipid nitong komento.

Bumalik na ang baklang mananahi na nagsukat sa kanila kanina na si Matilda. Umalis kasi ito para kumuha ng isa pang gown. Eksaherada nitong binitiwan ang gown. “OMG! Isang anghel!” Lumuhod pa ito pero tumayo din naman agad. Nilapitan si Maureen. “Ang ganda-ganda mo sa gown na iyan, Miss Maureen! Iyan na ba ang napili mo?”

“Yes. Ito na nga. Pero gusto ko ay magtahi ka ng bago. Ayokong gumamit ng gamit na.” Nanliit bigla si Almira sa sinabi ni Maureen. Pakiramdam niya kasi ay siya ang pinaparinggan nito dahil ang napili niyang susuotin na dress ay iyong ginamit na ng iba.

“Naku, Miss Maureen, alam mo naman kapag patahi tapos rush pa kasi sabi mo this week na ang party mo. Medyo… pricey!”

“Matilda, ako pa ba? Hindi problema sa akin ang pera!”

“Iba na rin talaga kapag anak ni mayor! Sige, Miss Maureen. Gagawin ko na agad ang damit mo!”

“Very good, Matilda!”

Nabaling ang mata ni Matilda kay Gabriel. “For sure, magiging very proud ang escort mo sa party na iyon.” Itinuro nito si Gabriel na may kasama pang kindat.

“Hindi po ako escort ni Maureen. Hindi rin ako invited sa party niya.” Magalang na pagtatama nito. “Ang totoo po kasi niya ay nanliligaw ako dito kay Almira.”

Nakalabing tumango-tango si Matilda. “Akala ko lang naman kasi ay…” Pinakatitigan ni Matilda si Gabriel. “Alam mo, parang may na-fi-feel ako sa iyo. Parang… parang…” May gustong sabihin ang bakla pero parang nag-aalinlangan ito na sambitin.

“Parang ano?” sabay pa nilang tanong ni Maureen.

Ipinayapay ng bakla ang isang kamay sa hangin. “Ah, wala. Nagkamali lang siguro ako ng feel. Hindi naman siguro!” anito sabay tawa ng malakas. Kita ang ngala-ngala na umuuga pa. “Anyway, ibabalik ko na itong gown na ito tutal naman ay may napili ka na, Miss Maureen. I’ll be back!”

Pakendeng-kendeng na umalis si Matilda.

“Oo nga pala, ililibre ko kayo ng dinner after natin dito, ha. Pa-thank you ko sa inyong dalawa kasi sinamahan ninyo ako.” Malaki ang ngiti na pahayag ni Maureen.


-----ooo-----


PAGKATAPOS nga nila na pumunta sa pagawaan ng mga damit ay dinala sila ni Maureen sa isang korean restaurant. Hindi pamilyar kay Almira ang uri ng kainan na napili ng kaibigan niya. Sa mga simpleng fast food lang naman siya nakakakain at hindi sa mga katulad nitong mamahalin.

Ang tawag daw doon ay samgyupsal. May ihawan sa gitna ng table nila at may iba’t ibang karne na iba’t iba rin ang hiwa. May manipis, medyo makapal, maliit at malaki. May lettuce din at mga sawsawan na hindi siya pamilyar. Meron pang iba na hindi talaga niya alam kung ano pero mukhang masasarap naman lahat. Tapos ang naroon lang na gagamitin sa pagkain ay chopsticks. E, hindi siya marunong gumamit niyon.

Husbands And WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon