NAGISING si Jeric isang umaga na para bang kinakapos siya ng hininga. Maayos naman siyang nakatulog pero tila pagod na pagod siya. Ano ba ito? Ngayon lang niya ito na-experience. Bumaba siya ng kama. Nagtungo sa kusina at uminom ng tubig. Kahit papaano ay lumuwag ang kaniyang pakiramdam. “Ano bang nangyayari sa akin?” tanong niya sa sarili.
Isang linggo na ang nakakalipas simula ng umuwi siya dito sa Pilipinas at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang lead kung nasaan ba si Miguel. Noong isang araw ay kinausap niya ang magulang ng kaniyang asawa. Wala pa ring alam ang mga ito. Ngayon lang niya napagtanto na para silang naghahanap ng isang piraso ng karayom sa tambak ng mga dayami. Ang sabi nga ni Sasha, mahirap daw talagang mahanap ang taong ayaw magpakita. Napaisip tuloy siya na paano kung ayaw naman talagang magpakita ni Miguel. Pero ano ang dahilan nito? Nagpaalam naman ito sa kaniya na babalik bago umalis.
Kung ano man ang nangyari kay Miguel at nasaan ito, isa lang naman ang hiling niya. Sana ay ligtas ito at malayo palagi sa kapahamakan.
Ngayong araw siya makikipagkita sa private investigator na nakuha niya. Tutulong ito sa paghahanap kay Miguel. Malaki ang perang ibabayad niya pero wala siyang pakialam. Ang importante ay makita na ang kaniyang asawa.
Lunch time pa sila magkikita ng private investigator kaya maaga pa. Gusto pa sana niyang bumalik sa pagtulog pero nawala na ang antok niya. Naghanda na lang siya ng almusal.
Nakaramdam na naman ng labis na kalungkutan si Miguel habang kumakain ng mag-isa. Noong nasa Australia kasi sila ni Miguel ay palagi silang sabay kumain. Makwento si Miguel kahit na minsan ay wala siyang ganang makinig dito. Binalewala niya noon si Miguel at nakita lang niya ang halaga nito nang mawala ito. Miss na miss na niya si Miguel. Gagawin niya ang lahat makita at makasama lang muli ang kaniyang asawa…
-----ooo-----
“NO! This can’t be!” Kulang na lang ay magwala si Maureen nang malaman niyang umalis na sina Almira at Gabriel sa bahay ng mga ito. Iyon ang ibinalita ng daddy niya habang nag-aalmusal silang tatlo ng mommy niya. Ayon sa daddy niya ay noong isang araw pa daw umalis ang mga ito. Pumunta kasi ito kahapon sa bahay nina Almira at iyon ang sinabi ng ama ng kaibigan niya.
“Maureen, calm down—”
“Calm down?! Paano ako kakalma, mommy? Tell me! Iyong lalaking papakasalan ko ay itinakas ng Almira na iyon! Gumawa kayo ng paraan!”
Kapwa natahimik ang mga magulang ni Maureen. Nagkatinginan ang mga ito.
Tumikhim ang daddy niya. “Anak, may itatanong kami sa iyo ng mommy mo. Maging matapat ka sa amin. Totoo bang may nangyari sa inyo ni Gabriel at matagal mo na siyang nobyo gaya ng nauna mong kwento sa amin?” diretsong tanong nito.
Sabi na nga ba niya at may duda na ang mga ito sa sinabi niya. Ngunit wala naman siyang pakialam na malaman ng dalawa ang totoo dahil alam niyang hindi kayang magalit ng mga ito sa kaniya. Siya pa rin ang masusunod.
“Does it matter kung totoo ang sinabi ko o hindi? Daddy, ang reputation ng family natin ang pwedeng masira kapag hindi ako pinakasalan ni Gabriel. Maraming tao ang nakakita sa amin sa kwarto ko. Remember? Ano na lang ang sasabihin nila sa akin? Sa atin? Please, daddy! Kumilos naman kayo! O kung hindi ninyo kaya, ako ang kikilos! Hahanapin ko si Gabriel kahit saang sulok ng mundo pa siya itago ni Almira. That bitch!” gigil na sigaw ni Maureen. Halos umusok na ang ilong niya sa galit.
Gusto niya talaga si Gabriel. Gustong-gusto!
-----ooo-----
“KAYONG dalawa ay idinedeklara ko nang mag-asawa. Pwede mo nang halikan ang iyong asawa!” sabi ng judge na nagkakasal kina Gabriel at Almira.
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Almira si Gabriel. Puno ng saya ang puso niya at alam niyang ganoon din ang lalaking nasa kaniyang harapan. Simple lamang ang kasal nila ni Gabriel. Sa opisina lang ng judge isinagawa ang pag-iisang dibdib nila. Ang handaan naman ay sa bahay ng tita niya. Malaki ang pasasalamat nila sa tita nila dahil pumayag itong sila muna ni Gabriel ang magbantay sa bahay nito na walang nakatira. Hindi man iyon kalakihan pero ayos na iyon sa kanila. Ang importante ay nakalayo na sila kay Maureen.
BINABASA MO ANG
Husbands And Wife
RomansaIsang lalaking walang memorya ang inibig ni ALMIRA-- si GABRIEL. Pinakasalan niya pa rin ang naturang lalaki sa kabila ng kakulangan sa nakaraan nito. Ngunit paano kung sa pagbabalik ng alaala nito ay siya ring paglabas ng tunay nitong pagkatao? At...