LUMIPAS ang magdamag pero walang Ralph ang dumating. Ang buong akala ni Miguel ay darating ito kagabi ngunit hindi. Nanatili siyang nakatali sa kama hanggang umaga. Mag-isa at nanghihina na dahil sa gutom at uhaw. Ang huling pagkain pa niya ay kahapon ng umaga. Hindi naman kaya papatayin siya ni Ralph sa gutom at uhaw bilang pagganti?
Diyos ko, huwag Niyo po muna akong kukunin. Gusto ko pang mabuhay para kay Almira… piping dasal ni Miguel habang nakatingin sa kisame.
Maya maya ay bumukas ang pinto. Pumasok si Ralph na gusto ang suot na polo at magulo ang buhok. Pagkalapit nito sa kaniya ay nahinuha niyang lasing ito. Amoy-alak.
“Sorry, ha. Hindi ako nakauwi kagabi. Nagkayayaan kasi kami ng friends ko na mag-bar!” anito. Tumabi ito ng higa sa kaniya. Umunan ito sa isa niyang braso.
Kung hindi lang nakatali ang mga kamay niya ay kanina pa niya ito naitulak. Kinikilabutan siya sa tuwing nagkakalapit ang kanilang mga balat. “N-nagugutom ako. H-hindi pa ako kumakain…” aniya sa mahinang boses.
Namumungay ang mata na tiningnan siya ni Ralph. “Ha? Bakit naman hindi ka pa kumakain?” Bigla itong tumawa. “Ah, oo nga pala. Nakatali ka nga pala. Ano bang gusto mong kainin? O baka gusto mong ako na lang ang kainin mo, ha?” ngisi pa nito.
“Nanghihina ako, Ralph…”
“Iyan nga ang gusto ko. Para wala kang kalaban-laban sa akin!” Malakas pa itong tumawa sabay alis sa kama.
Matagal na nawala si Ralph pero pagbalik nito ay may dala na itong pagkain. Tinapay na may palaman na cheese spread at isang baso ng tubig. Muli siya nitong sinubuan dahil nakatali pa rin ang mga kamay niya. Kahit papaano ay bumalik na ang lakas niya nang magkaroon ng laman ang tiyan.
“Ano ba talaga ang balak mong gawin sa akin? Bakit hindi mo na lang ako pakawalan? Labag sa batas itong ginagawa mo. Kidnapping ito at pwede kang makulong,” aniya matapos kumain.
“Nakalimutan mo na ba sinabi ko kahapon? Saka na kita papakawalan kapag nagsawa na ako sa iyo. Wala pa ngang nangyayari sa atin, e,” kaswal nitong sagot.
“Nag-aalala na kasi ang asawa ko. Baka kung anu-ano nang iniisip niya…”
“Ano ka ba, Gabriel? Huwag mo nang isipin ang asawa mo. Alam naman nating dalawa na hindi babae ang hanap mo kundi ang katulad natin. Bakit mo ba pinakasalan ang babaeng iyon? Pinakasalan mo ba siya para hindi ka paghinalaan ng pamilya mo?”
Tumiim ang bagang ni Miguel sa sinabi ni Ralph. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. “Mahal ko si Almira kaya ko siya pinakasalan.” Mariin niyang sambit.
“Hanggang ngayon ba ay lolokohin mo pa rin ako? Bakla ka! Bakit hindi mo pa aminin?”
“Hindi ako bakla! Hindi ako tumatanggi dahil sa nahihiya ako kundi dahil sa hindi naman talaga. Bakit ba pinipilit mo ang bagay na iyan?”
“Sige nga. Tingnan natin kung hindi ka bakla!”
Labis na kinabahan si Miguel nang mag-umpisang maghubad ng damit si Ralph. Inuna nito ang polo at isinunod ang pantalon. Tanging brief na lang ang natira dito. Sumampa ito sa kama at dumagan sa ibabaw niya. Hinalikan siya nito sa labi. Nalasahan niya ang alak sa laway nito. Pilit siyang umiiwas pero hinawakan ng dalawang kamay nito ang kaniyang mukha kaya wala na siyang nagawa para umiwas.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang nakatikom ang bibig. Pilit namang ipinapasok ni ralph ang dila nito sa loob ng bibig niya. Hanggang sa hindi na niya kinaya ang ginagawa ni Ralph kaya ibinuka niya ang bibig niya at nang pumasok ang dila nito ay mariin niya iyong kinagat. Nang pakawalan niya ang dila nito ay malakas itong sumigaw. Nagkaroon ng espasyo sa pagitan nila kaya walang pagdadalawang-isip na tinuhod niya ang pagkalalaki ni Ralph.
BINABASA MO ANG
Husbands And Wife
RomanceIsang lalaking walang memorya ang inibig ni ALMIRA-- si GABRIEL. Pinakasalan niya pa rin ang naturang lalaki sa kabila ng kakulangan sa nakaraan nito. Ngunit paano kung sa pagbabalik ng alaala nito ay siya ring paglabas ng tunay nitong pagkatao? At...