"Kate, napatawag ka?" masaya kong bati para hindi niya mahalata na umiiyak ako. Sino ba namang hindi iiyak, dahil hindi parin ako tanggap sa trabaho.
"Aine, kamusta?" tanong niya. Napangiwi na lang ako. At narinig ko naman ang isang iyak ng bata. "Ssshh.. Baby... Yaya paki asikaso nga si Mila!"
"Ito, okay lang naman. Hirap sa trabaho." natawa pa ako sa tinuran ko na 'yon. Pero ang totoo ay wala pa talaga akong permanenteng trabaho. Ayoko magalala si Kate sa akin. Ano mang oras na sabihin ko sa kaniya ang katotohanan, malamang sa malamang hahanapin ako nun para doon sa kanila tumira.
"Ahh... Paminsan-minsan naman bumisita ka dito sa bahay. Simula din kasi ng naghiwalay kayo ni Estes hindi kana dumalaw sa amin. Hindi mo pa tuloy nakikita ang inaanak mo! Naku habang lumalaki lumilikot! Naalala ko tuloy noong high school tayo isa ka rin sa pinaka pasaway! Nagmana yata sa'yo ang inaanak mo!" masayang kwento ni Kate. Natawa naman ako sa kwento niya na 'yon. Nalungkot naman ako ng may bigla akong naalala, na naputol naman agad.
"Nga pala, sabi ng kumpare mo nakita daw niya si Estes sa isang restaurant." masaya niyang sabi, na parang may inaasahan siyang marinig sa akin dahil sa sinabi niyang 'yon. "Kaso may kasama daw babae, maganda." lumungkot ang tono niya. Oo, nadismaya ako na naka-move on na ang dating kong asawa pero mas mukhang dismayado pa itong si Kate kaysa sa 'kin.
"Ahhh.. Hayaan mo siya. Ako naman ang may kasalanan, kaya kami naghiwalay." pinipigilan ko talagang umiyak. Kanina umiiyak ako dahil wala akong trabaho, ngayon iiyak yata ako dahil sa balita ni Kate. Aine, 'wag kang umiyak! Okay? Ikaw ang may kasalanan kaya wala kang karapatan masaktan.
"Aine, naman. Hindi mo naman kasalan ang nakaraan. Sadyang marupok ka lang at nagawa mo 'yon. At isa pa, mali lang talaga ang pinaniwalaan mo noon." pampalubag loob niyang wika.
"O syah na! Tapos na ang break time namin. Bye!" kaagad ko ng pinatay ang cellphone kong di keypad. Pinunasan ko agad yung mga luha na tumulo sa akin mga mata. Huminga muna ako ng malalim at binuga ito ng malakas. Tumayo na ako sa inuupuan kong bench tapos ay kinuha ko na ang mga gamit kong dala-dala. Nagtitinginan naman ang mga taong dumadaan sa akin, kasi mukha akong galing job interview ang kaso mukhang naman akong maglalayas.
Lumakad na ako ng paika-ika. Wala na kasi akong sapatos bukod sa heels. Wala akong pambiling tsinelas, kaya nagtitiis ako dito sa suot ko.
Nadaan ako sa isang restaurant, na salamin yung pader kaya kita mo yung mga kumakain. Syempre, madaming kumakain sa loob. Naramdaman ko naman ang pagkalam ng aking sikmura. Gutom nadin ako, kaninang pa kasing umaga ako hindi kumakain. Paalis na sana ako ng makita ko siya ulit, natalikod ulit tuloy ako ng wala sa oras.. Bakit siya andito?
Bumalik sa ala-ala ko tuloy lahat ng nanyari.
"Honey! Please I'm sorry!" sa sobrang higpit ng pagkakakapit ko sa binti niya, nakaladkad na niya ako.
"Sa tingin mo madadaan lang ako sa sorry?! Sorry? Saan? Para lahat ng ginawa mo?!" bulyaw niya sa akin. Lumuhod ako at pinagkiskis ko ang dalawa kong palad upang magmakaawa sa kaniya.
"Honey! Walang nangyare sa amin! Please maniwala ka naman!"
"Sa tingin mo ba maniniwala pa ako pagkatapos ng mga nakita ko?!"
"Magbabago ako at iiwasan ko na siya. Basta huwag mo lang akong iwan, please." hagulgol ko.
"Kung iwan man kita ngayon, kasalanan mo 'yon. Dahil Wala Ng Lahat pagmamahal ko sa iyo!" at tuluyan na siya umalis kahit ilang beses ko siyang tinawag.
BINABASA MO ANG
Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]
HumorHindi ito nakakatawa dahil trying hard ako magpatawa.