Nilapag ko ng maayos ang bag ko sa lapag at pagkatapos ay binuksan ko ang kaisa-isang ilaw dito sa storage room. Dinala ko ulit ang mga bag ko at binaba ulit sa dapat kalagyan nito. Itong storage room na ito ay tambakan ng mga lumang gamit mula sa mga room unit. Kaya binuklat ko ang isa sa mga kahon. Kinuha ko ang isang unan at dalawang kumot. Pinagpag ko ang mga ito, pero nabahing naman ako sa mga alikabok na pumasok sa ilong ko. Nilatag ko na ang isang kumot at nilagay ang unan sa ulunan. Umupo ako at kinuha ko sa nakatabi kong bag ang tinapay at bottle water na binigay sa akin, ni Aling Mercita. Niyakap ko ang tuhod ko habang kumakain ng tinapay. May bigla naman sumagi sa isip ko.
"Ano naman yang ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya. May ginuguhit kasi siya sa sketch pad niya. Nakita ko naman na isang bahay 'yon. Umupo ako sa tabi niya at tumingin sa mala-dagat niyang mata.
"Ito?" inangat pa niya ang ginuhit niya nang mas lalo ko pang makita. "Ito, ang titirhan ng Mahal kong Asawa!" masaya niyang sabi.
"E, sino naman ang asawa mo?" tanong ko, na 'wari ay hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.
"Sino pa ba? Nasa tabi ko lang! Siya lang naman ang future Aine S. Dickinson." nahampas ko naman siya sa braso dahil sa turan niya na 'yon. Kinikilig kasi ako. "At siya ang magmamay-ari ng lahat ng bagay na meron ako at kasama ang magiging mga anak namin." sabay halik niya sa noo ko.
Napangiti naman ako sa mga ala-ala namin na 'yon. Hindi ko namalayan na nakangiti na akong mag-isa. At hindi ko rin namalayan na naubos ko na ang tinapay ko, kaya uminom na ako ng tubig.
Pagkatapos non, humiga na ako at nagkumot. Mabilis din akong dinalaw ng antok.
Ngayon andito ulit ako sa isang job interview. Iniintay ko lang na tawagin ako. Yumuko muna ako para tingnan ang paa ko. Namumula na ang likuran ng paa ko, siguro sa paglakad ko kanina. Kasalan ko naman, naglakad kasi ako mula hotel hanggang job interview ko. Sayang kasi ang pamasahe tutal medyo malapit naman. Wala pa naman akong band-aid.
"O, band-aid! Utang mo 'yan! Dalawa na yung utang mo."
"Bakit dalawa?"
"E, sinapak mo kaya ako sa maraming tao kahapon!"
Napangiti tuloy ulit ako ng may isang ala-ala na naman akong naalala.
"Ms. Aine Santos, pasok na po sa loob!" tawag nung empleyado na nakadungaw sa pinto. Nagtaas ako ng kamay.
"Okay Po!" ayun at tumayo na ako at nagpagpag na ako ng damit ko. Pumasok na ako sa loob at may apat na taong tumitingin ng resume ko. Nakangiti pa naman ako, kaso biglang nawala habang palapit ako ng palapit papuntang gitna. Natanggal na ang tingin niya sa resume ko. Inangat naman niya ang ulo niya, kaso isang malamig na mata lang ang nakita ko. Yung mga labi niya na laging nakangiti para sa akin, pero ngayon hindi na. Oo nga pala, wala ng lahat.
"Miss. Aine Santos!" ayun at nagising ako sa tawag ng isa niyang kasamahan. Matanda na ito dahil sa mga kulubot niya sa kaniyang mga mukha.
"Ah-E... Yes Po?" ayun nautal-utal na ako. Ano ba yan, Aine?! First question palang taob ka na! Ay wala pa nga palang tanong.
"Bakit ginusto mong makapasok sa Empire?" tanong niya habang ginagalaw-galaw ang ballpen niya.
"Kasi po kailangan ko ang job na ito at kailangan ko po ang pera." sabihin man nilang hindi maganda ang sagot ko. Pwes, yun naman talaga ang dahilan ng mga naga-apply dito.
"Bakit kailangan mo ng pera?" tanong ni Estes sa akin. Para bang sinabi niya na, nasaan na ang mga nakuha kong pera mula sa kaniya? Ni katiting wala akong ginastos do'n sa binigay niya sa akin. Totoo ang pinakita kong pagmamahal sa kaniya, walang katumbas na halaga 'yon.
"K-Kasi," iniipit ko pa ang aking sagot sa aking bibig. Ayoko talaga sabihin ito, per no choice. "K-Kasi wala akong maayos na tirahan." nahihiya kong sabi. Nakita ko naman na nagsalubong ang dalawa niyang kilay.
"Ano ba ang kaya mong gawin para sa trabaho?" tanong noong babae na medyo bata-bata pa naman, siguro ka-edad ko.
"Gagawin ko po lahat ng makakaya ko at ibibigay ko ang best ko." pagkatapos kong isagot iyon ay ngumiti pa ako.
"May tanong ako!" nanlaki ang mata ko dahil hindi ko siya napansin. Yung lalaki kahapon este si Sir Henry. Nginitian naman niya ako at kumindat pa. "Ano ang message mo para sa sarili mo?" tanong niya habang todo ang ngiti.
"Ano naman ang koneksyon non sa trabaho?" sarkastikong wika ni Estes na katabi ni Sir Henry. Hindi na lang niya ito pinansin. Iniintay niya talaga ang sagot ko. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa tanong niya. Syempre, nag-isip muna ako.
"Dear Aine, Sorry kung ginawa kitang pasaway at mapapaniwalain. Sorry kung ginawa mo ang isang bagay ng dahil sa mga maling akala. Sorry, dahil sa nawala ang pinakamamahal mo tao. Noong nawala siya doon mo natutunan ang lahat. Sorry k-kung nawala yung isang an-- ..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Bumubuhos na parang gripo ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko na kinaya yung nangyayari sa akin sa loob kaya lumabas na ako palabas. Kainis bakit ba napaka iyakin ko? Dati hindi naman ako ganito.
Nakaupo lang ako sa isang bench habang umiiyak. Wala akong pakialam kung marinig man ako ng mga taong dumadaan. Patawad... Patawad... Patawad dahil sa 'kin nawala ka.
"Ito, panyo!" dinilat ko ang mga mata kahit umiiyak pa talaga ako. May panyo nga sa harap ko at tinunton ko naman kung sino ang may-ari noon.
"Sir Henry!" tumayo akong bigla.
"Ayaw mo bang tanggapin ang panyong alok ko?" tiningnan ko ulit ang panyo na kulay puti.
"A-e?"
"Tanggapin mo na lang." nilagay na talaga niya yung panyo sa kamay ko.
"Bakit po kayo umalis doon?" nagtataka kong tanong.
"Ano pa ba? E, 'di sinundan ka!" tumawa siya pagkatapos niya sabihin 'yon. Napansin naman niya na naweirduhan ako sa ginawa niya, Kaya ayun tumigil din siya. "Ehem! Kasi ganito yan na guilty ako sa tinanong ko sa'yo. Ayan tuloy umiyak ka at umalis." pagkatapos noon ay nagpout siya. Ngayon ko lang napansin parang kulay ng sariwang dahon ang mga mata niya, bumagay sa kinis ng balat niya.
"Okay lang po 'yon." nagpunas na din ako ng mukha gamit ang panyo niya. Mukha na yata akong mamaw dahil nakangiti siya sa akin.
"Ikaw na ang magiging secretary ko." napatigil ako sa pagpupunas ko at tiningnan ko siya sa mga mata niya. Wait? Tama ba ang narinig ko?
"Naku, Sir kung guilt lang yan e, mainam na sigurong h'wag na ninyo akong tanggapin bilang secretary ninyo."
"Hindi kita tinanggap, Aine. Inuutusan ka ngayon ng isang matipunong kagaya ko." at nag-aura pa talaga siya. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa tinuran niya na 'yon. Ngumiti na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin. Sabagay kailangan ko ng trabaho. Mas mabuti ng pera ako.
"O, ayan ngumiti ka na huh. Ibig sabihin payag ka na sa gusto ko." parang kanina lang malungkot ako pero ngayon ngumingiti ako. Nakakatawa din minsan ang mood ng mga tao. Wow! Hindi tao te? "Bakit lumungkot ka na naman?"
"A, wala Po ito, Sir."
☑️
BINABASA MO ANG
Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]
HumorHindi ito nakakatawa dahil trying hard ako magpatawa.