Iniwan na ako ni Sir Henry sabi niya kasi ay matulog na ako. Pero sa ilang ikot ko dito sa mala royal blood kong kama hindi ako makatulog. Naiisip ko kasi kung hindi kaya ako nagtaksil sa nakaraan, meron pa bang maituturing na kami ni Estes? Kung magkahiwalay man kami at nalaman niya talaga na si little peanut talaga ay anak namin, babalik kaya siya para sa akin?
Bumuntong hininga na lang ako at hinarap ang kisame nitong kwarto. Umaasa kasi ako kung kailan wala ng lahat. Wala na si Estes at ang little peanut ko. Siguro, hindi talaga ako karapat dapat na maging isang asawa at ina para sa kanilang dalawa, kaya pareho silang kinuha sa akin.
Naramdaman ko naman ang pagtulo ang isang likido mula sa aking mata. Napangiti na lang ako. Ilang timba na kaya ang nailuha ko, sa t'wing maaalala ko ang mga kasalanan ko sa mag-ama ko? Nagtaksil ako kay Estes at ako pinabayaan ko naman ang baby namin.
Tama, upang makabawi sa mga kasalanan ko pipilitin ko na pagsilbihan si Estes. Kahit masakit dito sa puso ko ang mga pananakit niya. Para sa'yo peanut ko. Hindi tayo lalayo sa Daddy mo, lalo na at maputa siya sa mukhang takong na 'yun. Try natin ng powers natin, little peanut. Tulungan mo ko mula d'yan.
4:00 ako nagising at tulog pa si Sir Henry. Sabagay, mamaya 7 pa ang pasok niya. Pumunta ako sa kwarto n'ya at tulog na tulog pa nga. Binuksan ko ang ilaw. Wow! Ganda ng kwarto ko mas malaki yung kwarto niya kaysa sa akin.
'Agad ko naman nakita yung basket ng maruruming damit ni Sir Henry. Maingat akong lumabas ng kwarto niya at lumabas. Labahan time!
Naglinis ako habang naglalaba. May washing machine naman siya sa loob ng bahay, kaya hindi ako nahirapan sa pagsasabay ng dalawang gawain. Sinamapay ko naman ang mga damit bamin ni Sir Henry sa may terrace nitong unit niya. Pasadong 5:30 na ng umaga ng magsimula naman akong magluto.
Madaming laman ang refrigerator. Syempre, dahil walang'ya nga ako sa pagkain, pinagdiskitahan ko ang isang chocolate. Hindi naman niya malalaman, e. Hihihihihi.
Mga pang umagang pagkain lang ang niluto ko. Hotdogs, fried eggs, at fried rice. Pinagpag ko ang kamay ko ng matapos ko na itong maihain sa lamesa. Gisingin ko na siya, pasado 6:00 na.
"Ay! Butiki!" nagulat ako sa paglingon ko. Bakit andito siya?
"Anong ginagawa mo dito?" nanlilisik naman ang mata niya sa akin. Kung nakakahiwa lang ang mga titigan niya, matagal na siguro akong pira-piraso. Napahakbang naman ako paatras ng lumapit siya akin. "Bakit ka nandito? Tinatanong kita!" mukhang beastmode na siya.
"Wait, sasagot naman ako. Atat? Atat?" napa isang hakabang pa ulit ako dahil lumapit na namma siya sa akin. Naku, mahina mo ako. Baka siya maging umagahan ko. Chos! Hindi naman ako ganung babae. Saka harassment 'yon.
"Bilis!" hukmakbang na naman siya palapit sa akin. Nabunggo na ang likod ko kanto noong lamesa. Napadaing naman ako sa sakit.
"K-kasi.. pano ba 'to?" napakamot na ako ng ulo. Hindi na pala ako nakapagsuyod kagabi. May kuto talaga yung si Ms. Gonzales.
Bigla naman niya ako hinigit gamit ang isang kamay. Magkadikit ang katawan namin. Malapitan ko naman natitigan ang asul niyang mga mata na para kasing payapa ng dagat. Tulong me, pls? Anybody home?
Yung labi niyang mapupula. Ay! Badtrip hinalikan nga pala ito ni Olivia kahapon! Yung takong o bisugo na 'yon gagawin ko siyang deep fried!
"Get your hands off to her. Pinatira ko siya dito." bigla namang dumating si Sir Henry na halatang bagong ligo. Tinulak niya si Estes para lumayo sa akin. Hindi ngayon maipinta ang mukha ni Estes.
"Teka, bakit dito siya nakatira?" hindi niya maipirmi ang tingin sa aming dalawa. Halatang gulong-gulo siya.
"Bakit? Kailangan ko bang hingin ang permiso mo? Sorry, bahay ko to, kaya may karapatan ako kung sino man ang patitirahin ko." mukhang hindi naman nagustuhan niya Estes ang sinagot ni Henry sa kaniya. Tapos tiningnan niya ako ng masama.
BINABASA MO ANG
Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]
HumorHindi ito nakakatawa dahil trying hard ako magpatawa.