Kabanata 21

1.5K 32 2
                                    

Aine

Sabi ni Sir Henry, uuwi na daw silang dalawa ni Leslie sa Maynila. Yieee!! Salamat matapos ang dalawang linggo uuwi na din sila. Namiss ko din kasi si Leslie. Pagdating na pagdating nila makikichismiss ako.

"Twin Sister. Huhuhuhu." nilingon ko naman si Kyla na umiiyak, na pumasok ng kwarto.

"Bakit?" umupo siya sa kama at nagngangangawa parin.

"Yung mga katulong sa kusina. Huhuhuhu. Ayaw akong pakuhanin ng pagkain. Sa tuwing kukuha ako ng pagkain, tinatapik nila yung kamay ko. Huhuhuhu." kahit kailan talaga ang pangit niyang umiyak. Kamukha niya yung mga nasa Wrong Turn.

"Para kasi yun kila Sir Henry." sabi ko. Ngayon kasi sila darating sa bahay. Excited na ko!!!

"Sino yun?" nasabi ko na ba, na mabilis ding makalimot itong kakambal ko na ito. Kaya kung may ipapatago ka dito, sa iba mo na lang ipatago.

"Yung Doktor yun." pagsisinungaling ko. Hehehe. Ano kaya reaksyon nito mamaya? Sure, boyka to mamaya.

"Waaaaaaahhhhh! Tologo!!! Waaaaaaaahhhh!!!! I need to prepare!!" ayun at hindi siya mapakali. Yung doctor talaga ang hindi niya nakalimutan. Pero ang totoo, hindi naman talaga yung doctor ang darating.

Ayun at lumayas na ang gaga. Hindi ko nga alam kung saan yun pupunta. Kamag-anak siguro yun ni Author, pusang gala! Chos lang, Author! Hehehehe.

Kinuha ko na ang mga damit ko sa aparador. Tutal darating naman na sila Sir Henry, wala na akong dahilan para mag-stay dito. Sinuksok ko na sa bag yung mga damit ko.

"Saan ka naman pupunta?"

"Ay! Butiking my abs!!" nagulat ako ng bigla na lang siya lumitaw sa may pintuan. Si Estes lang pala.

"Uuwi na. Tutal, uuwi na din naman sila Sir Henry." kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. Lumapit siya sa akin at sinumulan niyang ibalik ang mga damit ko sa aparador.

"Hala! Estes naman, pahihirapan mo naman akong magtiklop." ako nagtitiklop at siya nagbabalik. O, sige marathon kami! Kung sino unang mapagod. Hihihihi

"Hindi ka aalis." sabi niya. Pero ako tuloy parin ang pagliligpit at pagtitiklop.

"Bakit naman?" tanong ko. Kung ano ang tinitiklop ko at nilalagay ko sa bag ko, ay siya namang kinukuha niya at hinahanger niya. Hindi ako susuko! Kaya mo to Aine! Estes hindi mo ako matatalo. Mapapagod ka rin.

"Pag umuwi sila ni Leslie, sigurado akong doon na titira siya, kay Henry. Ang awkward naman kung nandun ka. Saka magkaka-anak na sila." tuloy parin siya sa pag hanger. Ako ito tuloy sa pag iimpake.

"Edi yung anak nila bunso at ako panganay. Di ba, happy family! Hihihi!" napasabunot naman siya sa buhok niya. "Oha! Huminto ka panalo ko! Yehey!"  hinilot na lang niya ang sintido niya.

"Hindi ko alam kung manhid ka ba o tanga ka talaga?" sarkastiko niyang tanong. O, sige, pili tayo.

"Ahhhhmm... Tanga. Yiieeee! Give me one star! Yung very good. Nasagot ko na yung tanong mo. Hihihihi. Hindi ko alam may tinatago pala ako talino. Hohohoho." masaya kong sabi. Medyo mahirap kaya yung tanong niya. Biruin mo, pipili ka between two choices. Mahirap yun, kasi kapag pumili ka ng isa, may magtatampo na isa. Parang pagpili lang sa pagitan ng, mahal mo o mahal ka. Hugot!

"Aine naman!" naiirita na niyang sabi. Napahilamos na lang siya ng mukha.

"Bakit?" tanong ko.

"Ahh, basta hindi ka aalis dito." mahinahon niyang sabi.

"Bakit?"

"Issshh.. Because I want you to be here! Here besides me. Okay? Understand!" galit niya sabi. Yay! Galit na siya. Ikaw kasi Author ang kulit-kulit mo.

Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon