Bakit wala? Nasaan na 'yon? Yung wedding ring namin ni Estes? Asan na? Hinalughog ko na ang mga bag at buong stock room pero wala parin. Pilit kong inalala kung saan ko nailagay. Noong isang araw lang suot ko 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali kasi noong naglinis a—
Oh My Gulay! Nasa room 185 ko naiwan!!
Naisubo ko tuloy ang hinalalaki ko at kinagakagat ko yung kuko ko do'n. Kinakabahan ako! Anong gagawin ko?! Pa'no ko kukunin yung wedding ring namin ni Estes?
Nagmadali ako na umakyat sa 18th floor para maka-usap yung tenant. Baka naman kasi nakita nila. Sure naman ako, doon ko talaga naiwan.
Tumatakbo ako papunta do'n pero nahinto ako dahil nakita ko s'ya. S-Si Estes? Bakit siya pumasok sa kwarto na 'yon? Naku, anong gagawing ko? Doon din kasi dapat ako papasok. Oo, nagkaharap na kami noong sa job interview kaso hindi ko parin talaga siya kayang harapin.
Unalis na lang ako kaysa mag-intay ng matagal. Sa susunod ko na lang siguro kakausapin yung tenant do'n. At sana lang bago 'yon umalis. Kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko ang di keypad jong cellphone. Tumunog kasi, at rumihistro lang ang isang unknown number.
0927********
:Lumabas ka sa hotel. Tapos pumunta ka sa isang malapit na Restaurant. Okay?Nagtipa naman ako sa aking cellphone ng sagot ko.
Me
:Sino po ito?Sumagot naman siya, nalaman ko na si Sir Henry pala. Napatingin naman ako sa orasan at 11:54 na ng umaga. Matagal ko palang hinanap yung singsing namin ni Estes. Hay! Sana lang at mabawi ko iyon.
Ngayon habang naglalakad, nagtaka naman ako kung paano nakuha ni Sir Henry yung number ko? Tumigil na ako sa isang restaurant na mga ilang hakbang lang naman ang layo sa hotel. Salamin yung pader no'n kaya kita ko na s'ya na kumakaway sa akin. Pumasok na ako sa loob at tinuro niya ako na umupo sa katapat niyang silya. Kumaway siya sa isang waiter na agad namang lumapit.
"Ano ho 'yon, Sir?"
"Kuhanin mo nga yung order ng babaeng nasa harapan ko ngayon." pagkasabi n'ya no'n ay tumingin sa akin yung waiter. Nginitian ko siya at ganun din naman ang ginawa niya. Bet ko yung waiter na 'to! Pwede ikaw na lang order ko? Huy! Loyal ka kay Estes. Hay ano ba itong pinag-iisip ko
"Ma'am ano pong order ninyo?" ayun, nilabas na niya yung listahan niya. Inilapag na din niya yung book menu sa harapan ko.
"Ikaw, Sir Henry?" tanong ko. Nakakahiya naman kasi mas nauna pa akong umorder kaysa sa kaniya.
"I'm done." sabi niya. Tinuon ko na lang ulit yung paningin ko sa waiter.
"Ahhmmm... isang juice at isang lasagna na lang." at isinarado ko na yung book menu, na agad naman kinuha na nung waiter at umalis.
"Bakit mo nga pala ako ako pinapunta dito?" tanong ko sa kan'ya. Huminga siya ng malalim. May bagay siya na kinuha sa ilalim ng lamesa namin. Isang paper bag na kulay itim. Nilagay niya ito sa harap ko.
"Here. Open it. Memorize it." simple niyang sabi. Hinatak ko palapit sa akin yung paper bag upang tingnan kung ano ang nasa loob no'n. Isang makapal na libro, at isang makapal na folder, at isang katerbang notebook ang mga nan doon. Napalunok ako ng wala sa oras.
"Why? There something wrong?" tanong n'ya. Napansin na niya siguro na nagpapawis ako at kabado. Sino ba namang hindi kakabahan kung ganito kakapal ang kakabisaduhin. Umiling na lang ako sa kaniya. Kailangan ko din ng trabaho, kaya kailangan kayanin ko 'to. "Alright, I don't want to be harsh with you. So, I give you 4 days to memorize it." mas lalo naman akong pinawisan. Seriously?! 4 days ? Tinggin niya ba konti Lang yung binigay niya na 'yon? Samantalang yung My Last Farewell ni Jose Rizal isang linggo namin kinabisado, noong high school ako. Tapos ito, na sangkaterbang kakabisaduhin, 4 days?
BINABASA MO ANG
Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]
HumorHindi ito nakakatawa dahil trying hard ako magpatawa.