Kabanata 5

2.6K 49 0
                                    

Pagpasok palang namin ng pinto sinalubong na si Estes ng yakap ng isang babae. Feel ko mangaladkad ng babaeng kulay pula ang lipstick at may nunal sa may bandang baba. Pwede?

"O, Estes nandito ka?" masayang tanong noong babae. Mukhang hindi naman nila ako pansin at ginala ko lang ang paningin ko sa loob ng shop. Ang daming damit at sobrang gaganda.

"Ahhmm... Hindi ako napadaan, ako muna yung proxy ni Leslie parasa bagong magiging secretary ng Kuya mo." Nilingon naman ako noong babaeng kamukha ni Sir Henry. Para tuloy girl version niya ito. Malamang magkapatid.

"So, ikaw yung magiging bagong secretary ni Kuya?" masaya niyang sabi at niyakap akong bigla. "Ang ganda mo naman." puri niya. Nag-init tuloy ang aking mga pisngi. Matagal ko ng alam, te.

"Hindi naman po hehehe.."


"Hmm.. alam ko na ang gagawin sa'yo." naningkit ang mga mata niya habang sinusuri ang buong katawan ko. Hinawakan niya ang kaniyang baba na parang ang lalim ng iniisip niya. "I don't like your attire." tiningnan ko naman ang kasuotan ko. Ayos naman ah? Hindi naman porket ito lagi ang suot ko panget na. Nilalabhan ko naman ito.

"Magka-taste talaga kayong magkuya. Alam ninyo yung PANGET at hindi." narinig kong turan ni Estes kaya tiningnan ko siya. Nakangisi ang siya. Maka pangit naman wagas! Hindi niya ba alam na nasasaktan ako? Parang dati naman patay na patay siya sa akin.

"Yeah. And your hair, I don't like it. Mas bagay ang medyo curl na buhok sa iyo." ani ni Nicky habang iniikutan ako. "Okay let's start." pumalakpak siya. May dalawang bakla at dalawang babae akong nakita. Yung apat na lumitaw ay alam mo talagang mga fashionista dahil sa mga suot nila.

"Miss S. bakit napacall ka?" sabi noong bakla at nakapost pa talaga siya. Post na masakit ang tiyan, ganern!

"Gusto kk ayusan ninto ang little Cinderella na ito." wika ni Nicky.

"Pak, Pak, Pak," ayun todo post yung isang bakla. "Okay, kami na ang bahala diyan."

"Kailangan lang niya ng matinding make-over." at nakapost din ang yung isang alipores ni Nicky. Babae ba talaga yun? Ahhh... Baklang babae. Gets. Napatango naman ulit ako ng ilang beses.

"Yazz, magiging pak na pak ka." turan pa ng isang baklang babae. Unang lumapit sa akin siya.

"O, teka saan ninyo ako dadalhin?" bibit na kasi ako noong apat. Patalikod nila akong binitbit kaya kitang-kitang ko si Nicky na nakangiti at si Estes na nakangisi. Kinawayan pa ako ni Estes.

Lumabas na ako ng dressing room at umakyat ako ng mini stage. Sa paglabas ko ang nagsisilbing audience ko lang naman ay si Nancy at Estes na busy na busy sa pagtingin ng magazine. Isang kulay pulang may dress na fit ang pinasuot sa akin noong apat na may laso na kulay ito at halos lagpas lang ng puwet. Hinihitak ko tuloy pababa sa sobrang hiksi.

"Bet ko, kaso baka batukan naman ako ni Kuya." comment ni Nicky na nakaupo sa sofa. Naagaw naman niya ang pansin ni Estes at tumingin sa akin.

"Next." sabi ni Estes at tumingin ulit sa magazine na tinitingnan niya. Bumalik ulit ako sa dressing room. Bakit ba kasi kailangan pa ng ganito?

Lumabas na ako ulit suot ang isang puting blouse na mahaba ang manggas. Yung palda nito ay lagpas tuhod, fit, at hanggang binti ang slits. Naalala ko si Ms. Gonzales sa ganitong attire.

"Okay. Mukha naman secretary." comment ni Nicky. Si Estes naman ay tumango na lang kahit hindi pa naman ako tinitingnan.

"Bet ko pero di ka mukhang secretary."-Nicky

"Next." -Estes

"Okay." -nicky

'tumango' si Estes.

Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon