Galit ako na pumasok ng building ng Empire. Bwisit, imbis na nasa bahay na lang ako ni Estes at hindi na papasok para hindi makita ang demonyo na yun. Bigla namang may humitak sa akin.
"Ahhhh-"
"Shhhhh..." huminahon naman ako ng si Estes lang pala ang humitak sa akin.
"Ano ka ba ginulat mo naman ako." napasabo na lang ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba.
"Bakit ka nandito? Dapat nasa bahay ka lang?"
"E kasi, e, kasi naman." Paano ko ba ito sasabihin sa kaniya. Help me! Help me!
"Ano?" mukhang hinihintay niya talaga ang sasabihin ko.
"Tumawag sa akin si Francis kanina." bulong kong sabi, pero sapat yun para marinig niya.
"Ano naman ang sinabi niya sa'yo? Na hindi ka pwedeng umalis sa pagiging secretary niya? Aine naman, ako na ang bahala. Bumalik ka na sa bahay." pinagtabuyan naman niya ako paalis pero hindi ako nagpatinag.
"Ayoko." matigas kong sabi.
"Sige na naman, Aine." Hindi pwede akong umalis. Narinig ko naman ang sinabi ni Francis kanina, kayang-kaya niyang tanggalan ng trabaho si Estes. Ang worst naman baka wala ng tumanggap sa kaniya.
"Ayoko. Mamatay naman ako sa konsensya, kapag tinanggal ka niya sa trabaho." mula sa pagkakatalikod ko hinarap naman niya ako. Kita mo 'tong tao na ito, kanina pinapaalis ako. Yieee. Kinikilig ako.
"Sinabi n'ya yun?!" mukhang galit na siya. Yay!
"Oo." nauutal kong sabi.
"Kung sinabi niya yun, isusugal ko ang trabaho na 'to, malayo ka lang sa kaniya." desperado niyang sabi. Bumilis naman ang tibok ng puso ko ng sinabi niya yun. Lalo na habang lumalalim ang tingin ko sa mga asul niyang mga mata, para naman akong hinihigop ng mga yun.
Nakakaasar naman ito si Estes. Enebe? Dalagang Pilipina, yeah!
"Hindi ako papayag sa gusto mo, Estes." seryoso kong sabi. Pinangako ka rin sa sarili ko na proprotektahan ko ang mga taong mahal ko, lalo na si Estes. Tinanggal ko na ang dalawa niya kamay na nakalay sa dalawang balikat ko.
"Aine nam-"
"Hindi Estes, kahit sa pagkakataon na ito, pagbigyan mo naman ako." tinalikuran ko na siya. Totoong, ayoko ng makita ang demonyo na yun, pero ayoko isugal ang trabaho ni Estes para lang dun. Nagulat naman ako ng niyakap niya ako patalikod.
"Sige pagbibigayan kita, pero ipangako mo na nasa tabi lang kita." may kung ano naman na kumirot sa dibdib ko. Nadama ko kasi ang lungkot at pangamba sa turan niya na 'yon. Estes, pwede 'wag ka namang ganiyan? Nasasaktan ako.
"Oo, pangako." Sana sapat na ang sagot ko na itong sagot ko, para pumanatag na siya. Inalis ko na ang mga kamay niya na nakayakap sa akin at naglakad na ako palayo sa kaniya.
"Aine!" tawag niya. Nilingon ko naman siya.
"Bakit? Estes naman di ba, sabi ko-"
"Dito ang papuntang elevator." turo niya sa dapat ko talagang puntahan. Isssh.. ang tanga ko talaga.
"Hehehehe. D'yan nga! Sabi ko nga. Hehehe." nakita ko naman siya na tumawa. Sorry naman, tanga lang. Nilagpasan ko na siya at naglakad na papuntang elevator.
Nang makarating na ako sa desk ko, inayos ko na ang mga gamit na gagamitin ko. Napatingin naman ako sa pagbukas ng pinto ng CEO's Office. Nanlaki naman ang mata ko. Bakit nandito si Olivia? Mas minabuti ko na lang iiwas ang tingin sa kaniya.
"Kamusta ka naman, Aine?" narinig ko na siya sa malapitan. Talaga nilapitan pa talaga niya ako. Inangat ko naman ang ulo ko para sa kaniya. Nginitian ko naman siya ng peke tapos binawi ko naman agad.
BINABASA MO ANG
Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]
HumorHindi ito nakakatawa dahil trying hard ako magpatawa.