Kabanata 15

1.8K 34 4
                                    

Nakatingin lang ako sa labas habang nasa kotse kami. Si Kyla naman tulog na tulog sa back sit. Tumutulo pa ang laway. Ilang beses na nalaglag ang ulo, tulog mantika padin. Madali talagang makatulog 'yang twin sister ko na yan.

Hindi parin maalis sa isip ko yung nakita ko kanina. Muling nagtagpo na naman kasi ang landas namin ng lalaki na 'yun. Pangalawa, yung si Sir Henry na hindi ko pa sure kung bakit ganito siya ngayon. Hay!

"Ang lalim na naman ng iniisip mo." bati ni Estes pero hindi ko siya nilingon.

"Wala lang 'to. Sige 'wag mo na akong intindihin. Mag-drive ka na lang." hindi ko naman narinig na sumagot si Estes.

Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang nakita ko? Baka naman kasi magalit ito? Saka magalit din sa akin at maalala na naman ang kasalanan ko sa kaniya. Okay na ako sa ayos kami ngayon. Ayoko ng sirain 'to.

Sa pagdating namin ng building ng Empire, todo puri si Kyla sa mga nakikita niya. Akala mo naman taong bundok. Naunang bumaba sa kotse si Estes tapos naiwan na kaming dalawa ni Kyla.

Nakarating naman na kami sa desk ko. Ang loka ko kung twin sister dumiretso sa loob ng opisina ni Sir Henry. Napasunod tuloy ako sa loob.

"Wow! Twin sister! Ito ba ang opisina mo?" nilibot niya ang paningin niya sa buong opisina. Bilib naman ako dito sa twin sister ko hindi man lang nakita yung nakasimagot na lalaki na naka-upo. Siguro nagtataka si Sir Henry na mau pumasok na hindi niya kilala sa opisina niya.

"Aine, who is she?" baritonong tanong niya. Ako bigla naman ako nanginig sa takot. Pahamak din minsa itong twin sister ko, e. Ibaon ka lang kaya ito sa kabaong niya?

Napansin naman na ni Kyla yung si Sir Henry. Aba, ang Gaga lumandi parang maiihi pa sa salawal.

"Ikaw twin sister, ha! Hindi mo sinasabi na may tinatago ka palang boylet dito sa opisina mo." napatapik na lang ako sa noo ko dahil sa ginawa niya na 'yun.

"I'm sorry to interrupt you but I'm not her boylet, I'm the CEO of this company." sabi ni Sir Henry. Nalaglag naman ang panga ng aking twin sister.

"Hehehe. Sir Henry pasensya na po sa inasal ng twin sister ko." lumapit na ako sa kaniya. Ang gaga mukhang istatwa na sa lagay niya. Napahiya kasi.

Ngumiti na lang sa akin si Sir Henry kaso biglang lumungkot. Ilang araw ko narin nararamdaman na may bumabagabag sa kaniya. Ano kaya yun? Kaso wala akong time. Ililigpit ko muna ang Chakadal na may ribbon na ito.

Kinawit ko na lang sa leeg niya ang braso ko. Hinitak ko siya palabas. Naistatwa na nga ang gaga!

"Twin Sister!!!" sigaw ko sa tenga niya.

"Nabasag na yata eardrums ko." angal niya. Ayun balik na siya sa pagiging kabayo este tao. Sa totoo lang ang kamukha nito twin sister ko ay si Kakay kung nakikita ninyo lang. Hindi kami bagay na maging twin sister kasi napakaganda ko. Kumurap naman ng ilang beses ang mga mata ko.

"Okay lang yun. Hindi naman eardrums ang nabasag sa'yo, kung di yung mamga tutuli mo sa tenga." Umaabot kasi ng isang taon na hindi naglilinis ang twin sister ko. Tuwing New Year ang paglilinis niya ng tenga. Buti nga mabait na Ina ang nanay nito, kung hindi ang tutuli niya tulok na. Kaso burado na sa Philippines nanay niya, kaya 'wag na nating banggitin.

"Sa lahat ng sinabi mo 'yan lang ang maganda!" ang sabi niya.

"Bakit?"

"Kita mo kasi, dahil sinabi mo na tutuli lang ang mababasag sa loob ng tenga ko, nawala ang pangamba ko na mabingi." Oo nga naman, tama siya. Syempre, nakakatakot din ang mabingi, no. Biruin mo, hindi ko na maririnig ang 'I love you' ni Estes, dahil ako ang mas pinili niya kaysa sa Olivia na 'yun. Try ko din minsan ang hindi paglilinis ng tenga.

Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon