Kabanata 19

1.5K 30 4
                                    

Nagising lang ako dahil parang gumalaw itong kama ko. Kung hindi naman ako nagkakamali, nandito parin kami sa bahay ni Estes. Ito ang pangatlong araw, namin ni Kyla. Minulat ko naman ang mata ko at bigla tumabad sa akin ang bagong paligo na si Estes. Pinagtripan lang naman niya na titigan ang mukha ko.

Umupo ako doon sa kama at umasog ng bahaya sa sulok, sa ganun medyo naka distansua ako sa kaniya. Anong kapangahasan na tingnan niya ang mala dyosa kong mukha? Chos! Maganda lang! Babatuhin ko ng unan ang aangal.

"Bakit ka nandito sa kwarto namin?" sagot ko. Ang alam ko kasi share kami ni Kyla ng kwarto, magkatabi rin kami sa kama. Bahagyang natawa naman siya sa sinabi ko.

"Well," umalis na siya sa kama at tumayo siya. Oh Mama, I see hottest pandesal again! Nasaan na yung dairy cream!! "Nasa kwarto kita, wala sa kwarto niyo ni Kyla." rinig kong sabi niya. Ang aking naman paningin hindi maalis doon sa kaniyang pandesal ests abs, at nagsilbi pang design ang mga butil ng tubig. Amoy baby, bagong paligo. Hihihi. Sinubukan ko naman ilipat ang tingin sa baba. Dismayado naman ako. Bakit may nakatabing na twalya? Isinusumpa ko ang nag imbento ng twalya. Maging sino man siya!!

Napalunok na lang ako ng tatlong beses. Syempre binilang ko talaga yung paglunok ko. Naramdaman ko na naglalaway na ako, kaya tinukom ko ang bibig ko. Ng tumingin naman na ako sa kaniya nakita ko siyang naka ngisi.

"Ano enjoy ka ba sa magandang tanawin?" mapanudyo niya sabi.

"Raff! Raff!" sagot ko. Kaso bigla naman akong natauhan sa sinabi ko na yun. Si Chiki! Naku patay ako! Kawawa naman yung aso ni Sir Henry iniwan ko lang sa bahay. Nawala naman sa isip ko.

"O, saan ka naman pupunta?!" tanong niya, pero hindi ko na sinagot at agad na akong pumunta sa kwarto talaga namin ni Kyla. Naku! Lagot ako kapag natepok yung aso na 'yun.

Wala naman akong nakita na Twin Sister sa kwarto. Nasaan naman na kaya yun? Naalala ko na! Natulog yun sa sala. Nauntog nga pala siya.

"Raff! Raff!"

"Ay! Asong Kiki!" nagulat ako ng may biglang tumahol. "Paano ka napunta dito, Chiki?" tanong ko sa malikot na aso. Wala naman itong ginawa kung hindi ang ikaskas ang balahibo niya sa paa ko.

"Raff!Raff!" tahol niya na may kasama pang labas dila.

"Ano? Translate mo nga? Paano Chiki?"

"Raff!Raff!" Baka naman nagteleport ito aso na ito?

"Nagtelepot ka?"

"Raff! Raff!"

"Teka nga translation nga! Nosebleed na ako dito!" angal ko.

"Dala natin 'yan noong isang araw pa. Hindi mo lang napansin dahil ganiyan ang itsura." sabi ni Estes. Naka pang opisin na siya. Ang bilis magbihis, eno? "Halos ako na nga nagpakain niyan. Hindi mo kasi siya napapansin, dahil mukha siyang puting basahan." explain ni Estes. Sabagay, mukhang basahan naman talaga ang asong ito.

Kinarga ko na lang si Chiki. Medyo mabigat din siya at malikot. Dinilaan naman niya ang mukha ko. Gusto ko sanang mandiri, kaso hindi narin masama. Hindi tulad ng kay Kyla kahit hapon na amoy panis padin.

"Sorry, Chiki." sabi ko at binaba ko na siya. "Speaking amo. Hindi pa ba uuwi si Sir Henry?" tanong ko sa kaniya. Sumimangot naman siya sa akin, na akala mo mali yung tinanong ko sa kaniya.

"Bakit? Ayaw mo na ba akong kasama? At hinahanap mo na si Henry?" nakakatakot naman ang boses nito. Nagtatanong lang naman ako, a.

"A, kasi ko gusto lang naman malaman kung kailan siya uuwi." nauutal kong sabi. Lumapit siya sa akin. Inangat niya yung kamay niya. Hala! Sasampalin yata niya ako. Ipinang ilag ko na yung dalawa kamay ko. Pinikit ko narin ang mga mata ko at iniintay ko na lang lumapat yung — labi?

Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon