Kabanata 30

2K 30 2
                                    

"Kuya!" napatingin naman ako sa dumating. Ba-Bakit nandito si Olivia? 'Wag sabihing tama ang mga hinala ko?

Narinig ko naman na umubo si Estes. Kailangan ko na siya dalhin sa hospital, pero paano?

"Bakit mo siya pinaputukan!" sigaw ni Olivia. Binaba naman na ni Francis ang kamay niya na may hawak na baril. Napakasama nila! Paano nila nagagawa 'to?

"Dapat si Aine talaga ang papuputukan ko. Wala e, humarang 'yan." pagkasabi noo ni Francis tiningnan naman ako ni Olivia ng matalim. Galit na galit ang mga mata niya sa akin. Wari'y gusto niya akong pagpirapirasuhin.

"Kahit kailan talaga, wala ka ng magandang ginawa sa buhay ni Estes." sigugod naman niya ako pero mahigpit ako na niyakap ni Estes. Nakakaramdam naman ako ng takot dahil may tama na nga siya, pero sinasalag parin niya ang mga hampas ni Olivia.

"Estes tama na." bulong ko. Naramdaman ko naman ang mga luha na bumabagsak sa mga mata ko.

"Hindi ako papayag na masaktan ka nila." mahinang sabi niya. "Mamatay muna ako bago ka nila masaktan."

"Ano ba Estes! Hanggang ngayon ba naman kinakampihan mo parin ang babae na 'yan?" sigaw ni Olivia.

Napasabay naman ako sa pagbigay ng tuhod ni Estes. Napa iyak na lang ako. Tuloy parin kasi ang pagtulo ng dugo sa kanang dibdib niya. Nahihirapan narin siya huminga.

"Estes 'wag kang bibitaw." sabi ko.

"Ano Olivia? Hindi pa ba natin tatapusin 'yang dalawa?" narinig kong tanong ni Francis. Hindi sila tao, mga hayop sila.

"Kuya tumahimik ka muna. Tuturuan ko muna ng leksyon ang babae na 'to." galit na sabi ni Olivia.

"Estes?" tawag ko sa kaniya, pero hindi na siya sumagot. Inalis ko na siya sa pagkakayakap sa akin. Hindi maaari. Agad kong chineck ang pulso niya sa leeg. Mabuti at nawala lang siya ng malay, pero bumabagal narin ang pagpintig ng pulso niya. Tinapik tapik ko naman ang pisngi niya. "Estes, 'wag kang sumuko." garalgal kong sabi.

Napadaing naman ako ng biglang may sumabunot sa akin, dahilan parang mabitawan ko si Estes. Nakita ko na lang na napahiga siya sa lupa.

"Hindi ka na talaga nadala!" sigaw ni Olivia habang sinasabunutan ako. Pilit ko rin na inabot ang buhok niya, kaya nagsabunutan kami.

"Bakit ba ang lalim ng galit mo sa akin?!" sabi ko.

"Bakit ko naman sa'yo sasabihin?!"

"Layuan mo ang Twin Sister ko!!" nagulantang na lang ako ng biglang bumulagta sa harapan ko si Olivia. Nakita ko naman si Kyla na, may hawak na bakal. Pinamukpok niya yun sa likod ni Olivia. Nilingon ko naman si Francis.

Inangat niya ulit ang kamay niyang mau hawak na baril. Nilingon ko naman si Kyla dahil sa kaniya nakatutok ang baril. Kakalabitin na niya ang gatilyo ng baril. Mabilis ang akong tumakbo papunta kay Kyla, para harangin ang baril na tatama sa kaniya. Nakaramdam naman ako na yumakap sa akin. Nanlaki ang aking mga mata. Bakit? Bakit? Kahit hirap ka na pilit mo parin sinalag ang bala para sa akin?

Dahil sa pagkabila ko sa pangyayari, nakita ko na lang siya na bumagsak sa lupa. Nabingi ako sa mga nangyayari. Bumigay na ang aking mga tuhod at na paluhod na lang ako.

"Estes!" sigaw ni Kyla. Bakit ang bagal ng oras? Hindi ba ito matatapos?

Narinig ko naman ang isang putok ng baril. Nakita ko na lang si Francis na dumurugo ang binti at nabitawan ang kaniya baril. Nakita ko ang mga pulis na parating. Pinisasan nila si Francis. Agad naman silang kumapit sa amin. Bakit parang ang bagal ng mga kilos nila? Saka parang wala na akong marinig?

Napatingin naman ako kay Kyla. Alam ko umiiyak siya, pero bakit hindi ko marinig. Tumingin naman ako kay Estes na nakahiga sa lupa. Sunod-sunod lang ang naging patak ng mga luha ko. Hindi ko maibuka ang aking bibig. Bakit ganito?

"Estes!!!!!Lumaban ka!!!!" hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas na yun.


Hinawakan ko lang ang kamay ni Estes habang nire-revive siya sa loob ng ambulansya.

"Estes kumapit ka lang. Hindi ko pa nasasabi sa'yo na gusto kong magsimula tayo ulit. Pag namatay ka, susundan talaga kita." sabi ko hababg umiiyak. "Wala na bang ibibilis ito?" tanong oo doon sa driver ng ambulasya.

"Malapit na po tayo." sabi noong driver.

Mabilis akong bumaba at sinundan si Estes na sinusugod ng mga nurse, papuntang emergency room. Pinigilan na lang kami ng nurse na pumasok. Kinakabahan ako, para kay Estes. Nanginginig naman ngayon ang buo kong katawan. Natatakot ako! Natatakot ako na iwanan niya.

Naramadaman ko naman ang yakap ni Kyla. Lalo naman tuloy dumagsa ang mga luha ko.

"Ano ka ba Twin Sister, maliligtas siya." pampalubag na sabi ni Kyla.

"Paano kung hindi na?" sabi ko habang humahagulgol ng iyak.

"Ano ka ba? Alam mo naman healer 'yun." umiiyak narin si Kyla. "Siya si Estes, yung nasa ML, healer diba?"

"Ano ka ba?! Nasa ganito na nga tayong sitwasyon, nagbibiro ka pa." suway ko sa kaniya. Umalis na siya sa pagkakayakap sa akin.

"Pinatatawa lang kita." sabi niya, pero maski siya umiiyak.

Mahigit dalawang oras na kaming naghihintay ni Kyla sa labas ng emergency room. Kinakagat ko na lang ang mga kuko ko.

Nakita ko naman isa pang nakapang opera na suot. Dalawa silang tumatakbo at pumasok sa loob, kung saan inooperahan si Estes.

"Kayo po ba sila Kyla at Aine." nag angat naman kami ng ulo sabay ni Kyla.

Tatlong pulis ang nakita namin. Mukhang nandito sila para tanungin kami tungkol sa mga nanyari. Tumango na lang ako. Pangako magbabayad ang dalawa na yun sa ginawa nila kay Estes.

Tagapagsalaysay

Nagising na si Olivia mula sa pagkawal niya ng malay. Dinampot na siya ng mga pulis. Nakita naman niya na sinasakay ang iika-ika na Kuya niya, sa isang police car. Nagpumiglas naman siya sa mga pulis na nakahawak sa kaniya.

"Kuya!!" sumigaw siya. Nilingon namn siya ni Francis. Nanlaki naman ang mga mata niya ng nakita niyang nagpupumiglas si Olivia sa mga babaeng pulis.

"Ano bang ginagawa ninyo sa kaniya?! Bitawan ninyo siya! Wala siyang kinalaman dito!" nagsimula ng magpumiglas si Francis sa mga pulis na nakahawak sa kaniya.

"H'wag ninyong ikulong ang Kuya ko! Wala siyang kasalanan!" pagmamaka awa ni Olivia. Hindi na niya nakita ang Kuya niya dahil sapilitan na siyang pinasok sa police car.

Sa lahat ng mga nangyari, nakaramdam si Olivia ng pagsisisi. Nakaramdam din siya ng awa para sa Kuya na tumulong sa kaniya. Bumalik naman sa ala-ala niya kung paano siya tinulungan nito.

"I'm sorry, Kuya." bulong niya.

Sa kabilang police car naman, patuloy sa pagpupumiglas si Francis. Hindi niya matanggap na sinama si Olivia ng mga pulis.

"Ano ba sinabi ko ng walang kasalanan si Olivia! Ako ang nagplano ng lahat!" pero sa pagkakataon na 'yon at huli na ang lahat. Hindi na siya pinakinggan ng mga pulis.

Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon